Part 6

5 0 0
                                    



Pagkapasok na pagkapasok ko sa pinto, ay dumiretso ako sa kusina at nakita ko si Zed na nakatayo sa may sink, ngumiti ako  at niyakap siya mula sa kanyang likod "Good morning" bati ko sa kanya, I felt his body tensed, ganito siya palagi kapag niyayapos ko siya, napatawa naman ako sa sarili ko, ganoon nya ba ako kaayaw kaya ganito ang ekspresyon nya kapag niyayakap ko sya, pero sa halip na alisin ko ang yakap ko ay mas lalo ko pang hinigpitan iyon "lumabas kami ni Zach kahapon, kumain kami sa paborito niyang Italian restaurant, tanda mo pa ba iyon?" Hindi ko pa rin inaalis ang yakap ko sa kanya, simula noong narinig ko iyong tungkol sa annulment ay parang pakiramdam ko ay kakaunti na lang ang oras na makakasama ko siya. "Pagkatapos naming kumain ay pumunta kami sa rest house nyo sa Antipolo" ayokong umalis sa pagkakayakap sa kanya dahil pakiramdam ko ay maiiyak ako kapag ginawa ko iyon. "Napagod siguro ako sa byahe kaya ako nakatulog, sabi ko 30 minutes lang pero napa diretso na hangang umaga, Sorry" medyo tumawa pa ako, habang sinasabi iyon para maitago ko ang kalungkutan ng boses ko. May tumulong luha sa mga mata ko, pero agad ko naman iyong pinunasan. I'm honest when it comes to him, lahat lahat sinasabi ko sa kanya, hindi ko kayang mag sinungaling sa kanya, sumisikip iyong dibdib ko kapag ginagawa ko iyon.

Hindi ako sinasaktan ni Zed Physicaly at ipinagpapasalamat ko iyon, emotionally ay hindi rin nya ako nasasaktan, ako ang nagbibigay ng dahilan para masaktan ako, umaasa kasi ako kaya ako nasasaktan, simula pa naman kasi nung una ay nilinaw nya na saken ang lahat.

"Zed" tawag ko sa kanya. Umalis ako sa pagkakayakap ko sa kanya at pakiramdam ko ay mag bebreakdown ako pero salamat dahil kinaya ko. Humarap sa akin si "What?" Napatawa ako "Ang sungit mo na naman" lalong kumunot iyong noo nya, tumingkayad ako at hinalikan ko ang noo nya "huwag mo palaging ikinukunot ang noo mo, tatanda ka ng maaga"biro ko sa kanya, napangiti naman sya "Zed, I want to travel North" nahihiya kong sabi sa kanya, napangiti siya sa akin "Tatapusin ko lang ang gawain sa Office tapos pupunta tayo sa gusto mong puntahan" niyakap ko sya ng mahigpit, and just like always, his body tensed, "Let go" pagkaalis ko nang yakap ko ay hinalikan ko sya sa labi its just a smack at tumakbo na ako papunta sa kwarto namin.

Mabait sa akin si Zed, hindi nya nga lang ako kayang mahalin.

Paminsanminsan ay kumakain kami sa labas. At sa mga panahong iyon ay napaka saya ko. Palagi din siyang may ibinigibigay sa akin, tinatanggap ko naman pero itinatago ko din, katulad ng mga alahas, at damit. Ayoko kasi na kapag naghiwalay kami ay isusumbat pa sa akin ang mga bagay na iyon, ibabalik ko na lang iyon sa kanya kapag naghiwalay na kami.

Iinisip ko pa lang ay nalulungkot na ako paano pa kaya kapag totoo na.

I never said I 'love you' to him, pero alam ko namang ramdam niya iyon, ayoko kasing sabihan sya na mahal ko sya at mapilitan siyang sumagot, baka masaktan pa ako sa sagot niya. I don't want to hurt my self more, tama na iyong umaasa ako sa wala.

"Selene, pack your things now, I called Zion, siya na daw muna ang bahala sa opisina ngayon"sobrang saya ko, ito ang una't at huli kong syang makakasama ng matagal, "What do you prefer? Travel by land or plane?" I immediately answered his question "I prefer land" mas matagal ko siyang makakasama kapag byahe lang kami, kapag kasi plane wala mabilis lang at hindi pa namin makikita iyong mga scenery, I packed our things, si Zed naman ang nag ayos ng sasakyan namin, he called their driver, medyo may kalayuan kasi at ako na rin ang nag suggest na kumuha sya, dahil ayokong mapagod sya.

---

Our first destination Vigan

This is just a beautiful face, simula sa mga bahay hanggang sa mga kalsada, it was all detailed, there is a street kung saan mo makikita iyong lahat ng lumang bahay, at may mga kakainan din doon. This St. Is called Calle Crisologo.

Hinawakan ko iyong kamay ni Zed, "Can I hold you?" I asked him, ngumiti lang sya, those siles, i will surely miss it. "You are already golding me" nagkibitbalikat na lang ako at ngumiti din, it was just perfect, iyong kamay ko sa kamay nya, i can feel his warm hands.

Madaming souvenir shops dito, tapos sa dulo noon ay may bilihan ng royal bibingka, I bought a dozen at hindi ko ma explain pero kung bakit ang sarap sarap, kahit iyong kalamay nila, even Zed nagustuhan iyon, we watched the dancing fountain too, pag katapos naming manood ay kumain kami, we ate all the specialty of Vigan, we decided na mag stay dito ng 3 days, kaya kumuha kami ng hotel.

"This is just awesome, first day pa lang natin ay enjoy na enjoy na ako" masayang sabi ko sa kanya, "nakita mo ba iyong mga kalesa doon, para silang tricycle na nakaparada, gusto kong sumakay doon bukas" tiningnan ko ang hotel room namin, it was an old ancestral house, Gobernador Heneral daw ang nakatira dito noon, the house was built since 1873, iyong mga ka apu-apuhan nila ang nag mamanage nito, this is what I like about their hotels, halos lahat doon ay lumang bahay, tapos ay hinagawa lamang nilang hotel, iyong mga tulugan ay mga luma ding gamit "This hotle is just so great" umupo ako sa tabi nya "look at the furnitures ang gaganda they are all antique" gusto ko syang makausap, kaya hindi ako tumigil kakasalita, wala akong paki alam kung hindi sya nakikinig, basta ang gusto ko nakakausap ko sya "Bumili ulit tayo ng Royal Bibingka bukas doon sa may dulo ng Calle Crisologo, ang sarap kasi, tyaka bumili tayo ng Bagnet I heard may roon da tindahan noon dito, tyaka masarap din iyong suka nila, sabi nung care taker ng hotel ay nagtitinda daw sila, ay oo nga pala, tinatanong daw nila kung ano daw ang kakainin natin bukas for breakfast, kung Vigan Logganisa daw or Daing na Bangus, Mas gusto ko iyong Vigan Longganisa, iyon na lang ang kain--" i didn't finish what I'm saying dahil hinalikan nya ako, the kiss was fast but magical "Ang daldal mo" iyon lang ang sinabi nya sabay ngisi, hindi ako makapag salita hinawakan ko iyong labi ko "wag kang pa Virgin Selene, para naman first time mong magalikan" asar nya pa saken "Bastos! Nabigla kaya ako" hahampasin ko sana sya ng unan na nakuha ko pero ay nakaiwas sya, at para kaming batang naghahabulan sa loob ng kwarto ng bahay ng Gobernador Heneral Noong 1870's

Nung napagod kami ay humiga kami sa kama "Nakakapagod magkipag habulan sa Pa virgin" pinalo ko iyong braso nya "Ang laswa mo ha!" Napatawa sya "anong malaswa doon" namula naman iyong pisngi ko. "Pero Zed, sa tingin mo kahit kaya di na ako Virgin may magkakagusto pa kaya sakin? Kasalanan mo to lahat kapag walang nagkagusto sakin, kinuha mo kasi ang virginity ko" tumingin sya sa akin, kumunot iyong noo nya "What do you mean?" Litong tanong nya "Diba syempre kapag naghiwalay na tayo, ayoko naman nang tatanda akong mag-isa, I want closure too, ikaw may StephanIe ka na, kaya secured na ang future mo, iniisip ko din naman ang kinabukasan ko" kung kanina ay nakatingin sya sa akin ngayon naman ay umiwas sya, "Wala ka nang makikitang magmamahal sayo" nalungkot naman ako, "Siguro nga, pero okay lang siguro magpabuntis na lang ako sa pogi, para may mag aalaga sa akin, ayokong tumanda mag isa" he make the sound tsk "Para kang timang" iyon lang ang sinabi nya at nagpunta sya sa asotea. Its supposed to be a joke pero hindi sya natawa, corny ba iyong magpapabuntis ako sa pogi? Pero kung hindi ko man makita ang Destiny ko, siguro ay magpapabuntis na lang ako, ayokong mag-isa all my life mag-isa na lang ako, at kapag nag ka anak ako ay alam kong hindi ako noon iiwan at alam kong akin lang sya. 

Sinundan ko si Zed sa asotea, I saw him smoking kinuha ko iyong stick na hinihithit nya at inapakan iyon "Masama iyan sa baga, mamatay ka nang maaga" he looked at me "No one touches mine Iris Selene at alam mo iyon, anong ibig mong sabihin na magpapabuntis ka na ibang lalaki?" I sighed "Sayo ako hanggat kasal pa tayo, kapag na annulled na tayo, hindi ka na akin at lalong hindi na ako sayo, we will be strangers to each other again, Kaya siguro naman may karapatan na akong gawin ang gusto ko, I will find my destiny o kaya mag papabuntis na lang ako sa isang poging lalaki, pero I prefer the latter" nagulat ako nang bigla akong sunggaban ng halik ni Zed "Possesive ako Selene, I already marked you, akin ka kasal man tayo o hindi, kahit saang parte ng katawan mo ay may marka ko" pinitik ko iyong noo nya "Hoy ang unfair mo ha, Buti ikaw may Stephanie ka na, ako wala pa, hahanapin ko pa, tapos sasabihin mo sa akin na hindi pwede dahil may marka ako ng isang Zed Montecon. Suntukin ko kaya iyong adams apple mo, anong marka marka ka dyan, para kang bata, wala kang marka sa akin, siguro ay ikaw ang nakauna pero, hindi ako sa iyo, wala naman nakasabit sa akin na may nakalagay na 'Zed Montecon's Property'" napatawa ako, sa kanya

Why me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon