"Bakit nga ba? Kasi.. ang tanga-tanaga mo! Mahal ka nga, wala ka namang ginawa! Ni hindi mo manlang tinawagan! Puro ka pride! Ang manhid mo pa! Baka naman natakot ka lang? WHATEVER! Ganun pa rin yun! Ang bagal mo kasi! Ang manhid mo! Naunahan ka tuloy! May iba na! May iba na! Ayoko na. Pagod na kong umiyak! Tama na! Kailangan mo ng magmove on! Di totoo yun! Kailan mo na syang idelete sa buhay mo!"
-----
"Kung talagang mahal mo ko dapat hinintay mo ko."
"Kung talaga mahal mo ko, dapat di mo ko iniwan."
------
"Kailangan mong malaman kung bakit isang araw biglang nagbago lahat? Bakit wala na sya? Bakit mag-isa ka nalang? Kailangan mo ng dahilan. Kailangan mo ng mapanghahawakan. Kasi hindi mo alam kung pano, bakit? Anong mali sayo? Bakit ka nya iniwan?"
-----
"Naghahanap ka ng sagot sa mga tanong mo? Anong karapatan mong hingin ang isang bagay na ipinagdamot mong ibigay noon?"
-----
"Hindi kita gustong saktan."
"But I almost died. And everyday hinihiling ko na sana naging manhid nalang ako!O kaya na sana hindi nalang kita minahal para hindi ko naranasan yung ganung klase nung sakit!"
-----
"Kaibigan mo ko and I refuse to watch you kill yourself."
"Please understand"
"Ikaw ang hindi makaintindi. Nandyan sya dahil sayo. Dahil nung iniwan mo si Liam binigyan mo sya ng karapatang magmahal ng iba."
-----
"Hindi ka pa bapagod? Sa kakaiyak mo? Sa pagpapasakit mo sa sarili mo? Kota ka na."
"Sa totoo lang pagod na pagod na. Alam mo, araw-araw sinasampal ko yung sarili ko.. na Char, gumising ka, edukada ka namang tao. Hindi ka naman pinag-aral ng magulang mo para magpakatanga sa isang lalaki. Higit sa lahat, alam ko naman yung tama pero bakit pag kaharap ko na sya hindi ko magawa?"
"Kasi umaasa ka pa."
"Ang sakit. Sobrang sakit."
"Tiisin mo. Tanggapin mo hanggang mawala na."
-----
"Kung nag-yes ako sayo noon, kung sineryoso ko yung mga paramdam mo noon, ang saya-saya siguro natin nun."
-----
"Liam there are 3 words I've been wanting to say for 3 years now. I AM SORRY. Sorry kasi iniwan kita. Sorry kasi nasaktan kita. Sorry kasi natakot ako. Sorry for giving up on us."
-----
"Gaano ka kasigurado kay Liam? Gaano ka kasigurado na ikaw yung mas mahal nya? Na ikaw yung pipiliin nya eh nakaraan ka lang naman nya? Please, nagmamakaawa ako sayo. Pakawalan mo na sya. Hayaan mong makasama nya yung babaeng gusto nya. Wag kang maging selfish."
-----
"I am his past. I am the love of his life. I own a big part of his life na kahit kelan hinding-hindi mo makukuha. I loved him first."
"And you let go of your chance"
"Pero mahal ko pa rin sya. At nararamdaman ko mahal pa rin nya ko."
"Kung mahal ka parin nya, edi sana iniwan na nya ko para sayo. Sana nakipaghiwalay na sya sakin para sayo."
-----
"You know what Char, in love, there is no fear."
-----
"Alam mo, sobra kitang minahal. Kaya nung iniwan mo ko, sobra kong nasaktan. Ang lungkot. Naalala ko pa nun dati, pinipilit ko pa yung sarili kong matulog para di ko maramdaman yung sakit ng pagkawala mo. I was willing to wait Char, kaya lang napagod ako. Napagod ako at yung puso ko na maghintay, magtanong, magalit. Nung nakilala ko si Celine, unti-unti akong nakabangon. Akala ko okay na ko, kaya lang nung nakita kita ulit, parang bumalik lahat, yung sakit, yung galit pati yung pagmamahal ko sayo. Lalo kong pinipigilan, lalo kong iniiwasan mas tumitindi naman."
"Kaya lang nandyan na sya."
"Sana masabi ko sayo na tayo parin. Na walang nagbago. Pero hindi na eh. Tuwing naiisip kita, naiisip ko si Celine, Tuwing may nararamdaman ko para sayo kasunod nun yung para sa kanya. Naguguluhan na ko. Kaya kung nasaktan man kita sorry talaga."
"Ngayon alam ko na. Naiintindihan ko na kung bakit kailangan nating magkita ulit."
"Closure."
"Para maging buo tayo ulit. Para mabigay natin sa taong mahal at mamahalin natin yung pagmamahal na karapat-dapat sa kanila. O kung tayo man ang itinadhana, para sa susunod na magkita tayo ulit, handa na tayo pareho na ibigay ng buo yung pagmamahal natin sa isa't isa."
"Liam, napatawad mo na ba ko?"
"Ngayon oo. Paano ko di mapapatawad yung taong nagtulak sakin to become a better version of myself? Salamat."
"Youre welcome. Ngayon, ako naman ang tulungan mo, sabihin mo sakin.. how do I unlove you?"
"I don't know. Hindi ko din alam. Kasi para sakin, I can never unlove you. I just love you a different way now. Nung nawala ka kasi, narealized ko na hindi ko pala dapat biibigay lahat. Na hindi ko pala dapat binuhos lahat ng pagmamahal ko sayo noon. Na dapat pala nagtitira ko para sa sarili ko. Ako, I will never forget you. You're my best ALMOST. You are one of the best thing that happened in my life. You'll be fine. Ako nga nakaya ko eh. Ikaw pa? You'll be okay. Sa ngayon kasi, kailangan muna natiin pareho mawala sa buhay ng isa't isa eh. Para mas mag-grow pa tayo. And promise, pag dumating yung time na okay na lahat, babalikan kita. Yun yung araw na sabay ulit tayong gagawa ng mga pangarap natin na sabay na nating tutuparin. Magkasama na nating aabutin. Itutuloy natin yung istorya nating dalawa. At higit sa lahat, yung ALMOST.. gagawin nating totoo."
BINABASA MO ANG
There's No Happy Ending[One Shot Stories Compilation]
DiversosONE-SHOT COMPILATION Because in real life, happy ending is IMPOSSIBLE. Not your ordinary love story.