RAVEN'S POV
matapos akong umalis ay pumunta agad ako sa mall
binalikan ko yung guitarshop umaasang makikita ko ulit ang prinsesa ko dun, peru wala.
kinuha ko nalang yung fliers na nakadikit sa wall nung guitarshop.
Rockband contest? !! maganda to ah !
kaya nagsign up na ako para sa registration.
pagtapos kung kunin yun ay dumeretsu na ako sa bahay at nagstart ng magsulat ng kanta.
kaya lang hindi ko natapos agad kaya natulog nalang ako..
BLOOD'S POV
BEEEP.BEEEEP.BEEEEP.
haaay..ang aga aga, nambubulabog sa txt, sino ba to?
minna, papasok tayu sa school ngayon, puntahan niyo ako sa bahay ko, sabay na tayo.
-raden
pagkatapos kong mabasa to ay mabilis akong pumasok sa banyu, pagkatapos kung maligo ay di na ako kumain at lumabas na.
ng dumating na ako sa bahay ni raven ay nandun na sila.
"andyan na oh"sabi ni bullet.
"tagal mo tol,"sabi naman ni cloud.
"natraffic ako eh."depensa ko sa sarili ko.
"hahahaha benta yun ah, natraffic daw tol oh? natraffic kapa ? eh ilang blocks lang distansya mo sa bahay ni raden."saabi ni cloud sabay batok sakin. putcha sakit nun ah.
"uy, tigilan niyo nayan, tara na baka malate pa tayo."sabi naman ni rain na kanina pang nakikinig samin.
nauna ng maglakad si raden at sumunod kami.
ng makarating na kami sa kame hame high ay dumeretsu na kami sa campus at ng buksan namin ang gate ito ay napunta saamin lahat ng tingin nila.
"uy, crush? kamusta?"bati ni raden sa prinsesa niya ng makita niya ito.
ng matapos naming mangulo dun ay pinatawag kami agad sa office.
"sino kayu ?"tanong nung principal saamin
"yung mga bagong transfer po sir." sagot ni rain.
"transfer? diba kahapun ang exact date ng 1st day niyo right? bakit ngayon lang kayu pumasok?"ani niya.
"pre, ikaw na sumagot, nakakanosebleed."bulong ni raden kay rain kaya lang nadinig ng principal.
tinuro niya kaming 5 isa isa.
"kelangan next week may uniform na kayo kundi expell na kayu dito."sabi ng principal kaya napatango nalang kami.
pumunta kami sa court upang tumambay muna since wala pa naman saamin ang sched, si cloud at bullet na ang bahala dun.
"mga bro panu tayo makakabilli ng uniform pre?"tanong bigla ni rain kaya napaisip kami.
"iipon tayu, kukuha tayung lahat ng part time job."sagot ko sakanya kaya napangiti siya.
" oo nga, start tayo ngayong araw."sabi ni rain.
habang naguusap kami ay may paparating na grupo ng lalaki patungo saamin, peru tinaas ni raden ang kamay niya senyales na siya na ang bahala
tumayo siya at naglakad patungo sa grupo ng lalaki at tumigil sa gitna . nagharapan sila sa leader nung mga estudyante.
"so kayu pala yung bago dito?"tanong nung leader.

BINABASA MO ANG
Boy rock band and I
أدب المراهقينO kay sarap sa tuwing naalala yung mga araw na ang tropa ay kompleto pa samahan na wala ng hihigit magkakahawak ang kamay kahit na nagigipit