Lonely Girl have maingay na pagiisip

21 4 3
                                    

Kazumi's POV

Time check: 8:00 am

Tumingin ako sa labas ng pintuan ng kwarto ko, nakita ko ang napaka tahimik naming bahay... Nasa trabaho parehas sila Mommy at Daddy kaya siguradong ako lang ang tao ngayon dito..

Katulad ng kinagawian nagluto ako ng sunny side up egg at mabilis kong kinain para sa almusal, naghilamos ako ng mukha at nagayos, nagbihis ng simpleng White na T shirt, tokong short na medyo Above the knee at itim na converse na sapatos... Simpleng mga damit lang at umalis ako ng bahay

Masyado akong naiinip sa loob ng bahay kaya naisipan ko na lang na lumabas muna kahit sandali lang...

May maliit na palaruan sa subdivision namin kaya pumunta muna ako doon, umupo ako sa swing at nagisip isip..

*flashback*
~Grade 4
"Alam niyo ba mga bata, dapat lahat tayo may itinuturing kaibigan... Kaibigan ang isa sa pinaka mahalagang dapat mayroon tayo" turo ng teacher namin noon..

"E, Maam si Kazumi po freak po yan kaya wala yang kaibigan HAHAA!! Natatakot lahat sila kasi daw masyado siyang maputla tapos-- tapos pfttt... Hahaha!! Yung mata niya po parang sinipit nyahahahah!!" Sigaw ng isa sa mga classmates ko~

~Grade 6
"I'm half Japanese and Half Filipino kaya ganito yung itsura ko, I have friends outside the school-" natigil yung sasabihin ko noong nagtaas ng kamay yung isa kong kaklaseng babae

"Hashanna Kazumi Amano... Half japanese ka talaga?? Parang hindi naman hahaha!! Ang layo mo sa mga Japanese Idols, wala ka pa sa talampakan nila atsaka anong friends?!! Haha!! E ni isa nga walang nagdare na kausapin ka ehh.. And last thing.. Ms. Kazumi, may tagos ka haha!!!" Malakas na tawanan lang ang naririnig ko after sabihin sakin yun ng isang bitch sa eskuwelahan namin

At yung tagos.. Prank lang yun ng isa sa kanila para pahiyain ako haiisstt!!!

Wrong Turn To Fame (Kpop-Jpop Fiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon