Chappy 1 - I'm Natsumi

398 39 53
                                    


A/N: Guys, since otaku nga ako so syempre 'di ko maiwasan na ibased yung pangalan ng mga characters ko sa Japanese, pagpasensiyahan niyo na sana ako. Nauuna yung surname nila sa first name ha, for example Kimura Natsumi, yung kimura, surname ah? Pero may mga English names din dito so it's up to you na lang, thank you guys enjoy^^


 



Sa pinakadulo ng madilim na kagubatan, kung saan nakikita mo lang ang kakaunting sinag ng buwan sa maliliit na parte na ibinibigay mula sa puwang sa pagitan ng mga punungkahoy. Dito nakatago ang isang mansyon, na dati'y tinirhan ng apat na bata, kung saan nabuo ang pagkakaibigan hanggang sa isang aksidente ang bumungad at hindi na muli pang nagkita.....................


 


RING! ______RING!______RING!


 


Natsumi's POV


"ngghh...."


Nakakatamad tumayo, umaga na naman, dahan dahan kong iminulat yung mga mata ko at sabay na tumama naman sa sinag ng araw, lalo tuloy akong nainis. Katabi ko ba naman yung bintana, sino ba namang antukin ang hindi maiinis, grrrr!!>


No choice eh, tumayo ako at nag-unat unat kase katabi ko lang yung bruha kong mommy, nakatitig ba naman nung gumising ako, muntikan na akong atakihin sa puso sa suot niyang mascara sa mata, kalat siya grabe kapanindig balahibo ihhh!!


Mahirap lang kami, nagdivorce na yung tunay kong mommy and daddy. Iniwan nila akong mag-isa dahil wala silang pakialam kung mabubuhay man ako o hindi, ang sama nila ano? Ang mas malala pa doon ay 'yun lang ang naaalala ko, siguro mahina na talaga ang utak ko.


Isang araw na lang nagising ako sa isang panaginip at nalaman kong nakikipag-harutan na pala yung matandang tatay ko at dahil kailangang pumunta ni papa sa ibang lugar, ipinaubaya niya sa akin yung babaeng nakikipag-harutan din sa kanya na ngayon ay nagging stepmother ko, Unbelievable! Akala niya kung sino siya! Wala man lang siyang pakialam sa nararamdaman ko!! Pero kahit ganoon, hindi ko pa din talaga alam kung saan siya nagpunta at nacu-curious ako kung saan........................ miss ko na din kasi yung real mom ko huhu


Magandang magpakadramatic ka kahit paminsan minsan ahahaha xDD


 


 "Mommy, aalis na po ako!! Kinain ko na nga po pala yung pagkain habang nagbibihis ako"


"Galingan mo anak sa school ahh!!"


"opo!!"


 


Syempre as the years go by, naging close kami ni Mommy Margaret (that's the name of my stepmother) mahirap man kami, pagmamay-ari namin ang isang maliit na apple orchard kaso katabi lang namin iyon. Nagpapart- time job ako sa isang convenience store, since kailangan ko 'yun para mabayaran ko yung tuition ko sa school dahil wala namang ipinapadalang pera yung papa ko atsaka yung mommy ko ang nagpapakahirap para naman sa financial matters namin, bayarin sa kuryente, tubig etc. at syempre pagkain! Hirap na nga ako sa kakahanap ng magandang trabaho ehhh hayyy.

Hearts in a Plate❤ [Discontinued]Where stories live. Discover now