Chappy 10 - Do an individual love?

115 23 18
                                    


         ~ o ~ o ~ o ~ o ~ SUMMER HOUSE ~ o ~ o ~ o ~ o ~



Matapos ang mga ilang oras na pagda-drive ni Mr. Single Driver, nakarating na din kami sa wakas sa summer house nila Yuzuki.



Hayyy salamat nakarating na kame. Lumingon lingon ako sa paligid dahil grabe, may swimming pool na at may nakapalibot na mga iba't ibang bulaklak sa bawat sulok nung summer house niya.



Nakakatawa nga lang dahil private din yung pinuntahan namin. Sabi pa nga ng sign sa labas bago ka makapasok eh PRIVATE TROPICAL BEACH! PRIVATE! Akalain mo'yun, may beach na nga, may swimming pool pa, enjoy the view then talon na sa tubig hanggang sa malunod ka, joke lang!



Nilakad namin yung mabatong pathway at pagkarating namin sa harap ng summer house, pinagbuksan kami nung mga butler sa gilid ng pinto at sinalubong kame ng madaming katulong. MAID TO THE LEFT, BUTLER TO THE RIGHT.Wala bang normal vacation para sa shimizu family!?!



Kaming dalawa ni Yuzuki ang matutulog ng magkasama habang yung 2 idiot but handsome brothers ay matutulog ng magkasama sa kabilang kwarto. Dahil nga ganoon ang sitwasyon, nag-separate ways na kami at dumiretso na sa kani-kanilang kwarto.



    ~ o ~ o ~ o ~ o ~  ROOM  ~ o ~ o ~ o ~ o ~



"Natsumi, ok na ba ang pakiramdam mo?" tinanong ni yuzuki habang inaayos niya yung mga damit at gamit niya. "a..ah...eh... oo" hindi ko siya masagot ng maayos kase medyo nahihilo pa ako dahil sa pagsuka ko kanina. Umupo na lang ako sa kamang nasa tabi ko at ngayon ko lang narealize na kulang na lang sa kuwarto ay isang prinsesa at hindi isang pulubing kagaya ko! (hindi naman ako pulubi noh, average yung status namin sa buhay, masyado akong madrama T_T)



Yung kuwarto kase may chandelier, may bell para tawagin ang mga alila, may malaking balcony, gold na floors, air condition, 2 queen sized bed, grandeng mga gamit, tapos ino-open yung bintana gamit ang remote control tapos yung TV, touch screen!?!



Ewan ko na, nasisiraan na yata ako........ "Yuzuki lalabas lang ako ah?" nagpaalam ako kay Yuzuki habang papunta na ako sa pintuan na parang lasing, gusto kong makaihip muna ng sariwang hangin para kumalma ako. Tumango na lang si Yuzuki at tuluyan ko nang iniwanan si Yuzuki.



Habang naglalakad ako sa daan nung summer house nila nakabangga ko si akihiro dahil hindi ako tumitingin sa dinaraanan ko, hindi naman nahalikan ng pwet ko yung malamig na semento kaya lang yung nahalikan ko ay yung damit niya, Patay........

Hearts in a Plate❤ [Discontinued]Where stories live. Discover now