Chappy 13 - Selos at Super twins!!

115 20 27
                                    


No one's POV



Matapos umalis si Yuzuki sa dining hall. Naiwan sina Natsumi, Akihiro at Jun sa loob. Sinundan ni Natsumi si yuzuki habang si Jun iniwanan ng may sama ng loob si Akihiro. Matapos maiwan si Akihiro sa loob, may ibinulong siyang sikreto na si Yuzuki, Jun at siya ang nakakaalam. Lalabas na ba ang katotohanan na sisira sa kanilang apat? Sino kaya ang tatlong matitira at sino ang mawawala? Mababasag na ba ang plato na nag-uugnay sa kanilang apat?



~ o ~ o ~ o ~ o ~ o~  sa Hallway ng bahay bakasyunan ~ o ~ o ~ o ~ o ~ o ~



Halos hindi mapigilan ni yuzuki ang pagtulo ng luha niya. Bawat yapak na gawin niya ay pabigat ng pabiga. Sobrang sakit para sa kanya na makitang ngumiti si Akihiro para kay Natsumi. Para bang tinutusok siya ng mga matatalim na bagay. Hindi niya na alam ano ang ano, dahil noon wala siyang nararamdaman para dito.



Habang papalayo na siya sa dining hall, hindi niya nalaman na papalapit din si Natsumi.


"Yuzuki! Teka nga lang, bakit ka umaalis?" Hinawakan ni Natsumi ang kaliwang kamay ni Yuzuki para pigilan ito sa paglalakad ngunit nung humarap ito, walang iba kundi luha ang nakita niya.



Natsumi's POV



Grabe naman! Ang bilis ni Yuzuki....... Bakit ba parang nasasaktan siya? Nakita ko sa mga mata niya na para bang gusto niya nang umiyak. Please.. sabihin mo sa akin....



Binilisan ko pa ang pagtakbo ko at nung mahabol ko na si Yuzuki, umiiyak siya. Pulang pula na yung mga mata niya at medyo nanginginig din siya.



"Natsumi... ahh... ano?"


Hinawakan ko ng dalawa kong kamay yung kaliwang kamay niya "Yuzuki, may problema ka ba? Sabihin mo sa akin sige na..."


Kahit minsan lang, gusto kong ako ang tutulong sa kanya..



"Hinde ito isang bagay na maiintindihan mo Natsumi.." Halos matakpan na ng ibang hibla ng buhok niya yung mukha niya. Matapos niyang sabihin iyun sa akin, may nakita akong mga luhang pumapatak sa semento galing sa mukha niya, masakit para sa akin na nasasaktan ang kaibigan ko. Wala man lang akong magawa para sa kanya, kahit na tinulungan niya ako ng madaming beses.



"Yuzuki-"

Hearts in a Plate❤ [Discontinued]Where stories live. Discover now