Chappy 14 - Hala! Secret revealed??

141 17 20
                                    


Black out......



Madilim.....



.



.



.



"ok ka lang ba Miss?"



Anong nangyayari? Ang dilim... papaano na yung kambal kanina....



Idinilat ko ang mga mata ko, medyo nahihilo pa ako pero..



"ano, ok ka lang ba Miss?"


 


"ahh oo, ok lang ako.."



Whew.. akala ko pa naman totoo nang may lesbian sa mundo, at akalain mong dalawang batang kambal pa ang may gusto sa isa't isa, tapos yung isa yata may gusto sa akin at ay....



Tumingin ako sa taong kumausap lang sa akin kani-kanina nagtatanong kung ok lang ako at halos patayin ko siya sa galit ko "Shungeks!! Sino ka ha!? Bitiwan mo nga akong pervert ka!!" langya, nasa kandungan pala ng isang lalaki ang ulo ko dahil nakahiga ako at siya ay nakaupo sa iisang bench, ano 'to? Pinagsasamantalahan ako habang tulog!? At teka.... Hindi ko nga alam anong nangyayari at nasaan ako, panaginip lang ba yung nangyari kanina?, hindi kaya-



"Kinidnap mo ko ano!?"


"Malamang hindi, lakas naman yata ng loob mo para tanungin ako ng bagay na 'yan, hindi ka naman maganda, poor ka pa, akalain mo 'yun, isang poging lalaki na kagaya ko iisipin na kidnapin ka? Ha! In your dreams ms. Piggy!!" sabay sabay na pinagsasaksak ako ng mga bwisit na words na 'yun. Oo, alam ko ganun ako.. pero-



"Hindi mo naman kailangang ipagsigawan 'yun sa lahat ng tao!!"



"Aba, totoo naman ah?" biglang may tao na sumulpot mula sa mga damuhan. Oo nga pala nasa garden yata ako ng ibang mayaman na tao.

Hearts in a Plate❤ [Discontinued]Where stories live. Discover now