Chappy 7 - Jun and Akihiro are!?!

137 25 23
                                    


FLASHBACK



"Isa ako sa personal butler ni lady yuzuki at nagtatrabaho na ako sa shimizu family mula ng bata pa ako..."



"Eh?"



BACK TO NATSUMI



"Eh?" Ano? Isa din siya sa mga butlers ng mga shimizu...? Pero teka....


 


"Alis! Iwanan niyo siya!!"


"Tama na 'yan..... wag n-na k-kayong mag-away *hic*"



Biglang may pumasok na mga alaala sa isip ko at bigla na lang nanlambot yung katawan ko at napaupo sa lupa pero bago iyon mangyari ay nasalo ako ni akihiro "A-a-ak-ki-hihi-ro..?" tumingin lang siya sa akin at ngumiti pero matapos iyon ay seryosong humarap siya kay jun at makikita mo sa mga mata niya ang halo halong emosyon nagtatalo ngunit mas makikita mo ang galit doon.



"Anong ginagawa mo dito kuya?" tinanong ni jun "Ako dapat ang nagtatanong diba?" nag-reply si akihiro pero....... Pero................. teka........... ano daw? ................. KUYA!?!



"A-akihiro, magkapatid kayo!?!" tumingin sila pareho sa akin pero isa lang ang sumagot at iyun ay si jun "Nat, mabuti pang hindi ka na makisawsaw dito sa usapan namin." Natatakpan yung isa niyang mata ng buhok niya kaya halos wala akong makita pero halatang galit siya. Pero-


Loko to ah! Kanina lang ang bait bait niya tapos ngayon naging demonyo siya!?!



At sino ba namang hindi makikisawsaw sa usapan eh parang magkakaroon na ng pag-aawayan dito at pareho ko pa naman silang crush pero mas malaki pa din ang crush ko kay akihiro! It's too much of a coincidence! Ginulat nila ako dahil magkapatid pala ang dalawa kong crush!?



 "Natsumi, magkapatid kami pero hindi ibig sabihin ay pareho talaga both ang parents namin dahil pinakasalan ng mama ko ang papa niya kaya stepbrothers lang kami..." Sinagot  na lang ni Akihiro yung tanong ko habang nakatingin pa rin siya kay Jun at nakahawak din siya sa kamay ko.



Sadya lang bang imahinasyon ko lang ito o nakikita ko nang magkakaroon na ng bugbugan dito at ako ang mapagbibintangan, ipapakulong, makakalat sa buong mundo at gaano man ako magmaka-awa sa pulis, hindi niya ako papalabasin tapos yung dalawa kong crush nasa hospital, sleeping, enjoying life like a princess!? Teka, baligtad naman ata 'yun, and I wouldn't let that happen!!

Hearts in a Plate❤ [Discontinued]Where stories live. Discover now