Sixela's POV
Gumising ako at pilit na inalala kung anong nangyare.Panaginip ba yon? Sana nga
Pagkaupo ko nakita ko si Nathalie,Mommy,Si vien,Mga tita ko at sino yung lalakeng yun?
Tulog sila pero si Vien at yung lalake gising.
"Gising ka na pala ate Ela" weird ng ngiti nitong batang to
"Yah" medyp nanghihina pa ako pero umupo ako.Inalalayan naman ako ni Vien.
"Thanks"tumingin ako dun sa lalake
"Sino nga pala siya?"
"Ahhh Ehhh hehe" baka crush na naman nito ehh hehehe
"Ela,gising ka na. Salamat!" Gising na pala si Natalie at sila Mama.
"Anak! Ok ka lang ba? Please sabihin mo naman oo."
"Ok lang po ako.Medyo nahihilo lang at medyo nanlalabo pa ang mga mata ko.Matanong ko lang po,Anong nangyari? Sino siya? Bat ako naririto? Nasan nga ba ko? Tapos na yung party? Anong oras na?" Dami kong tanong.Ang naalala ko lang kase ay tumakas ako tapos may mga lasingero humarang saken. Yun lang
"Anak dame mo tanong.Wala din akong alam diyan.Silang dalawa tanungin mo at tatawag pa ko ng doctor para matingnan ka"
"Uyy Vien tinatanong kita!"
"Ehh"
"Ganyan talaa yan.Kanina pa nga kami tanong ng tanong pero puro "ahhh,ehhh" lang sagot niyan.Sabi ng doctor kanina natrauma lang daw."
"Sorry pala!" Kulitko naman
"Sino ka?" Tanong ko dun sa lalake kaya tumingin siya sakin
"Ako si Gua-ahhh.You can call me flame" flame? As in apoy?
"Nice name! Any details about you kung bakit ka nandito?" Hindi ko naman siya kilala at hindi ko siya nakita sa debut ko kanina
"Siya nagligtas sayo ate Ela. Nakita ka niya na binabastos nung mga lalake na lasing. Sinuntok nila ang tiyan mo kaya nanghina ka dun sa daan.Then muntik ka nang mabangga. Nahimatay ka dahil na siguro sa pagod and kasi ang lakas nung ilaw ng car na muntik nang nakasagasa sayo" grabe! Hindi na yata siya huminga ehh
"Kaya pala medyo nanlalabo mata ko.Teka pano mo yon nalaman?"
"Ahh kase nasa garden ako nun ehh.Yung may mataas na bagod umakyat ako dun dahil may narinig akong ingay.More like nakita kita dun sa may butas"
"Ahh...Thank you pala Flame sa pagligtas mo sakin"
"No problem"
Pansin ko lang ang na medyo kamukha ko to.Ang cute kaya niya.Ilang taon na kaya to?
"Ahh sixela labas lang kami nila Tita kuha kame pagkain.Uyy kayong dalawa na magbantay kay Sixela ahh?" Sabi niya sakin then sa kapatid niya.Tumango naman silang dalawa.
Grabe talaga si Natalie di pa kilala yong tao.Taray na kagad
"*sigh*" wow sabay pa sila huminga ng malalim tas nagkatinginan.Parang worried look lang.May tinatago tong dalawang to
"Sorry ate Ela" bakit?
"Ha?"
"We lied to you.Lahat ng sinabi naming dalawa kanina except yung name niya is all a lie.Except din yung umakyat ako sa bakod and niligtas ka niya.Iba lang talaga yung dahilan."
"I dont understand! Ano ba talaga nangyari?" Medyo inis ako ngayon.PMS ko yata ngayon ehh.
FLAME'S POV
