Chapter 1

67 4 2
                                    




*peeep  peeep*




"Ano ba 'yan! Napaka-traffic naman dito. Dapat talaga sa shorcut na tayo
Dumaan eh. Mukhang matatagalan pa tuloy tayo dito." Reklamo ni Judith habang bumubusina. Nandito kasi kami ngayon sa sasakyan niya at naipit sa gitna ng matinding  traffic.





"Aba, sorry naman. Malay ko bang mata-traffic tayo dito." Sabi ko sa kanya habang sinisilip kung naandar na ang mga sasakyan.




"Anong malay? Dapat nga alam mo. Anong silbi ng kapapanuod mo ng mga balita kung hindi mo rin pala magagamit sa ganitong sitwasyon. And If I know, kaya mo ipinadaan dito dahil dadaan ka na naman sa simbahan para magdasal. Aahhh, ang traffic." Halatang inis na inis na siya dahil sa panay-panay na businang ginagawa niya.




So?, "Ano namang masama sa pagsisimba at pagdadasal ha?. Maigi nga ako nagsisimba halos araw-araw. At wala akong nakikitang masama do'n."




"Wala naman akong sinabing masamang magsimba. Mabuti sana kung pasasalamat ang ginagawa mo, ang kaso lovelife ang hinahanap mo at 'yon ang nakikita ko. Am I right, julie?"




"Tss." Nagpapasalamat naman ako ha? 'Diba God?




Tumagilid ako para magtanggal ng seatbelt ng magsalita ulit si judith.


"What are you doing?" Tanong niya habang nakatingin sa akin.




'Can't you see?' 'Yan sana ang sasabihin ko pero iniba ko na lang dahil masyadong sarcastic. "Nagtatanggal ng seatbelt. What else?"




"Ah, yeah. I know. 'Wag ka ngang sarcastic." Sabi niya at tuloy pa rin siya sa pag-busina niya. Nakikita ko naman na kahit papaano ay umuusad-usad na ang mga sasakyan pero napaka-traffic pa rin.




Sarcastic pa ba 'yon?.




"Okay. Nagtatanggal ako ng seatbelt dahil lalabas ako at pupunta na muna ng simbahan. Tutal, traffic pa naman kaya sasaglit na muna ako." Sagot ko at balak ng buksan ang kotse.




"Are you insane?"




"What? Don't worry, hindi ko kakalimutan na ipagdasal na 'wag lumabas ang isa mong katauhan. Sino nga ba 'yon?... Aha! Si beastmo!" Sabi ko at saka lumabas na ng sasakyan.




"Seriously? Iiwanan mo talaga ako dito mag-isa? Paano kung may mangyaring masama sa akin dito?" Sabi niya akin habang nakadungaw sa bintana.




What?!, "Walang papatol sa'yo."




"Leche!" Sigaw niya sabay busina ulit. "Lumakad ka na nga. Bilisan mo ha? Baka iwanan kita d'yan kapag nawala na ang traffic."




"Baka nga mawala." Pabulong kong sinabi. "'Ge! Text mo na lang ako kapag nakaalis ka na sa gitna ng traffic at kung hindi pa dito na lang ako sa dadaretso. Sige, bye!" Umalis na ako pagkatapos kong magpaalam sa kanya.




Naglakad na ako papuntang simbahan. Malapit lang naman 'yon dito, ang kaso nagpasiko-sikot pa ako dahil sa mga sasakyan kaya kedyo napatagal bago ako nakarating sa church. Buti na lang martes ngayon kaya wala masyadong tao dito at wala ring siksikan. Nagmadali na akomg maglakad hanggang sa makapasok na ako sa loob ng simbahan. Sumawsaw ako sa holy water at nag-antanda atsaka naghanap ng mauupuan. At dahil nga kokonti lang ang tao, malapit sa harapan ako umupo. Nagsimula na rin akong magdasal para makabalik na ulit do'n sa sasakyan ni Judith


'Hi po ulit. Nandito na naman po ako sa tahanan niyo. Pasensya na po at lagi niyong nakikita ang pagmumukha ko. Eh kasi naman po wala pa rin akong lovelife hanggang ngayon. Siguro love na love niyo po ako kaya po siguro gusto niyo lagi akong nandito at ayaw niyo pa akong bigyan ng lovelife. Don't worry po, hindi ko po kayo kakalimutan kapag binigyan niyo na po ako. Please God?... Ganito na lang po, bigyan niyo na lang po ako ng sign, kahit na anong sign po na may kinalaman sa lovelife ko po.



We Were Strangers : Message Recieved (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon