Umakyat na ako sa kwarto ko pagkatapos kong makita ang sulat. Tinanong pa nga ulit ako ni Judith kung may sinabi ba kung sino yung nagpadala. Sinagot ko na lang ng pabiro ang tanong niya, "Malamang hindi. Secret admirer nga, 'di ba? Kapag sinabi niya edi hindi na secret 'yon." Tama naman diba?
Iniwan ko na muna sila saglit at sinabi na magpapalit na muna ako ng damit dahil nakapangalis pa ako. Kaya umakyat na ako dala-dala na rin yung Harry Potter. Nilapag ko na muna sa table yung mga dala-dala ko at nagpalit na ng damit at short. Kinuha ko ulit yung mga libro at nilagay ko sa bookshelves ko. Andami ko ng books, yehey! Sana dumami pa sila. Kaso mukhang nauubusan na ako ng space sa bookshelves sa dami ng libro ko. May tagalog at english novels ako kaya dumami ang mga alaga ko.
Hindi ko nga akalain na magkakaroon ako ng ganitong kadaming libro. Noon kasi hindi talaga ako mahilig magbasa. Nito lang ng nagdalaga ako nahilig. Halos linggo-linggo ata ako nabili. Hahaha. 'Yan lang kasi nag ginagawa ko kapag nasa bahay lang ako at walang ginagawa. Hindi rin kasi ako mahilig sa mga gadget-gadget na 'yan. Kapag importante lang ako gumagamit ng internet lalo na yung mga facebook at twitter. Maari pa kapag instagram dahil naga-upload ako ng mga photos do'n, like books, clothes and even OOTD. Sosyal ko diba?
"Mga babies! Magparami kayo, ha?" Sabi ko sa mga libro ko na akala mo naman ay sasagot kapag tinanong.
Anyway, Kinuha ko sa dala-dala kong bag kanina yung cellphone ko at magpapatugtog sana ng biglang may magtext sa 'kin.
Oo nga pala. Nagpalit na rin ako ng number at sim dahil nga sa takot namin do'n sa nagtetext sa akin. Kaya bago kami umuwi bumili na muna kami ng simcard. Nagtext na rin ako sa may mga contact
Binuksan ko na yung message at nagreply na rin sa kung sino man ito.
From: +639001234894
Hi. It's me... again.
To:+639001234894
Sorry, who are you?
Nagpalit kasi ako ng number eh. Hehe. Sorry.
From:+639001234894
Aw. It's okay.
It's me. Yung sagot sa mga dasal mo.
To:+639001234894
WHERE THE HELL DID YOU GET MY NUMBER?!
From:+639001234894
Chill.
Chill? Sa tingin ba niya nakaka-chill ang ginagawa niya? Pwes, Hindi!
Teka nga. Mukhang tama nga siya. Sa tingin ko kailangan ko nga munang kumalma, hindi yung nagagalit ako at nai-stress. May magagawa pa ba ako kung alam na niya ulit yung number ko? *Sigh* Ano ba talagang pakay ng taong 'to sakin bukod sa gusto niya ako?
BINABASA MO ANG
We Were Strangers : Message Recieved (On-Hold)
RomanceWe Were Stranger : Message Recieved Love is unexpected. You don't know when will it happen. Isang babaeng naghahanap lang ng pagibig mula sa isang lalaking mamahalin siya ng tunay. Hangad niya ay pagibig na totoo. Lahat ay gagawin magka-lovelife lan...