Hanggang ngayon nakatulala pa rin ako sa cellphone ko. Tinitingnan ko pa rin yung picture na sinend ng taong 'yon. Ano bang pakay niya? Sino ba siya? Nanumbalik lang ang sarili ko ng biglang kunin sa akin ni Judith yung Cellphone na hawak ko. Tumayo siya at tumingin sa labas na parang may sinisilip siya. At alam ko kung sino."Panigurado akong nandito pa 'yon. Kase-send niya lang ng picture diba?" Sabi niya. Umalis siya sa lamesa namin at dumaretso palabas. Ganun din ang ginawa ko. Sinunda ko siya hanggang makalabas kami ng KFC. Lumingon-lingon kami kahit wala kaming kaide-ideya kung sino ang hinahanap namin.
Siguro nga tama si Judith. Nandito pa ang taong 'yon. Pero, sino? Nasan siya? 'Yon ang hindi namin alam. Paano namin siya makikita kung hindi namin alam kung ano ang itsura niya. Pati ang kasarian niya niya hindi rin namin alam.
Nakita kong nagt-type si Judith sa cellphone ko pero hindi ko na lang ito pinansin. Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya. Ako naman iniisip ko pa rin ang ginawa ng taong nagte-text sa akin habang palingon-lingon ako sa paligid.
"Paano niya nalaman ang pangalan natin? Paano at bakit niya tayo sinundan? Posible kayang... Kakilala natin siya Judith? Sa tingin mo pinagt-tripan lang tayo ng mga kakilala natin? Imposible kasing stranger siya kung alam niya ang pangalan natin. Pwera na lang kung isa siyang..."
"Stalker." Sabay naming sabi ni Judith. Kung ganon parehas lang ang naiisip namin.
"Pero paano kung kakilala lang pala natin siya at pinagt-tripan nga lang tayo Judith? Kapag nalaman ko lang kung sino siya. Baka hindi ko lang siya pagsisigawan, baka habulin ko siya ng itak." Sabi ko habang nanlalaki pa ang butas ng ilong. Biro lang. masyado na kasing nagiging seryoso eh.
"Siguro nga isa siya sa kakilala natin. Pero... pa'no niya nalaman na naghahanap ka ng lovelife kung alam ng mga kakilala natin na may boyfriend ka?" Oo nga, no?
Dahil do'n napaisip na naman ako. Pero niyakag ko na muna si Judith bumalik sa loob para ipagpatuloy yung usapan namin. Nang makaupo na kami, sinagot ko yung tanong niya, "Tama ka nga. Tayong dalawa lang naman ang nakakaalam na wala pa akong boyfriend."
Lahat kasi ng mga naging kaibigan namin at kakilala namin ang alam ay may boyfriend ako. Hindi naman sa kinahihiya ko ang pagiging single, pero parang ganon na rin. Hehe. Ayoko kasi ng tatanungin nila ako ng tatanungin kung bakit wala pa akong boyfriend ang ganda-ganda ko naman (Totoo naman. 'Wag na kayong umangal). Alangan namang sabihin ko na, 'Eh sa walang pumapatol, eh bakit ba ang pangit mo?'(Joke lang yung dulo, hahaha). Atleast kapag sinabi kong meron na ako isang tanong lang ang tinanong nila, 'Sino?', kaya ang sagot ko, 'secret'. Kung marami pa silang tanong tungkol sa boyfriend kuno ko, syempre secret pa rin. Kaya nga secret diba?
"Totoo ba yung narinig ko? Wala kang boyfriend?" Nagulat kami ng biglang may nag-salita sa tabi namin. Paano ka hindi magugulat, eh ang lalim ng iniisip namin.
"'Langhiya ka, Marvin. Mapapaihi ako sa 'yo ng wala sa oras eh." Sabi ko at saka huminga ng malalim. Lalim kaya ng pinanghuhugutan ko.
"Hindi ba aatakihin sa puso o mamatay ka dahil sa gulat?" Aba!
"Masyado nang common ang salitang 'yan. Maiba naman." Sabi ko sa kanya at inirapan siya. Hello? Bata pa ako para mamatay o atakihin dahil sa puso.
"And speaking of maiba tayo, Anong ginagawa mo dito, aber?" Tanong ni Judith sa kanyang boyfriend. Yup! Siya yung sinasabi ko sa inyo na fiance ni Judith. At siya rin yung sinasabi ko sa inyong crush ko. Crush lang ha! Gwapo kasi nitong si Marvin eh.

BINABASA MO ANG
We Were Strangers : Message Recieved (On-Hold)
RomanceWe Were Stranger : Message Recieved Love is unexpected. You don't know when will it happen. Isang babaeng naghahanap lang ng pagibig mula sa isang lalaking mamahalin siya ng tunay. Hangad niya ay pagibig na totoo. Lahat ay gagawin magka-lovelife lan...