Chapter 6

20 2 0
                                    







Nag-punta muna ako ng banyo para mag-ayos ng sarili tapos inayos ko rin ang pinaghigaan ko bago bumaba. Kumain lang ako ng almusal namin tapos bumalik na ulit ako sa kwarto ko. Wala akong masyadong ginawa sa araw na 'yon kun 'di magbasa lang ng magbasa.



Ilang araw pa ang lumipas at paulit-ulit lang ang mga ginagawa ko. Sa ilang araw na ring iyon, napansin ko na hindi na nagtetext pa sa akin yung stranger guy. Hanggang ngayon nga iniisip ko pa rin ang meaning ng napanaginipan ko ilang araw na ang nakalipas. Hindi kaya ang pagkamatay niya sa panaginip ko ay ibig-sabihin non na hindi na siya manggugulo pa? Pero kung ano man ang dahilan, mas mabuti na rin yung hindi na siya nagte-text pa at hindi na ako kinukulit. Ang huling text niya sakin ay yung 'Chill'. Hindi na niya nasagot kung paano niya nakuha ang number niya.



Kaso sa ilang araw na ring iyon, parang may kulang. Parang may lagi akong hinahanap. Every time na may nagtetext sa 'kin pangalan niya agad ang hinahanap ko. Hindi ko alam kung bakit. Naiinis na nga ako eh. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at hindi ko rin naman maintindihan ang nararamadaman ko. Oras-oras, minu-minuto binubuksan ko lagi ang phone ko. Umaasa na naman ba ako? Kung gano'n, This is BUSHIT!



Ilang araw na rin akong nakakulong lang dito sa bahay. Wala lang, hindi ko lang feel lumabas. Nakakatamad eh. Parang lagi akong magkakasakit.



Buti na lang andyan ang kaibigan ko at ang boyfriend niya. Pumupunta kasi sila dito paminsan-minsan kapag wala rin silang magawa at kapag gustong mambulabog. Oo nga pala. Alam na nila rin yung tungkol sa nagpadala ng books at kung paano nalaman nung stranger guy yung number ko. Dapat daw magpalit na lang ulit ako bagong simcard pero sinabi ko sa kanila na 'kahit ano atang palit ng number ang gawin ko, malalaman at malalaman pa rin niya 'yon.



Yung sa CCTV Footage naman hindi rin naman nakuha ni Marvin yung video dahil mukhang nabura na daw ito nung nangi-stalk sakin. Mukhang matalino daw ang gago dahil parang nakaamoy ito na kukuha kami ng kopya mula sa footage. Kaya wala na rin kaming nagawa at hinayaan na lang namin. Tutal naman hindi na rin nagte-text yung stranger na 'yon.



Sa ngayon nandito ako sa garden namin at nakaupo. Hawak ko ang libro na binabasa ko ngayon. Sa lamesita naman na nasa harap ko nakalagay ang cellphone. Panay ang tingin ko dito at nagdadalawang-isip kung gagawin ko ba ang binabalak ko. Alam kong mali pero... Hindi ko talaga matiis, eh. Kaya kinuha ko yung phone at agad na nagpunta sa message. Hindi ko pa rin binubura ang conversation namin kaya mare-reply-an ko siya. Pero siguro kahit nakabura na ito, mate-text ko pa rin siya. Mukhang nasaulo ko na ang number niya.



Nagsimula na akong mag-type. Pero hindi ko alam kung tama ba ang sasabihin ko. Kaya dahil sa pabago-bago ng isip ko, bura sulat bura sulat ang ginagawa ko. Bahala na.



To: +639001234894

Can you just please tell me who are you?

Please?

Just tell me.


Sana naman maisipan niyang mag-reply. Ako na nga 'tong nagbaba ng pride, choosy pa ba siya? Hindi naman yata yummy. Oo nga no, yummy kaya siya? Putek ka, Julie, kung ano-ano ang pinagiisip mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 06, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We Were Strangers : Message Recieved (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon