Chapter 4

18 2 0
                                    







Malapit na kami sa bahay namin. Kasama ko ngayon si Judith. Si Marvin naman nagpaiwan at siya na lang daw ang kukuha ng copy ng CCTV Footage ng mga pinuntahan namin. Kung saan lagi siyang nakasunod pero sa labas lang siya kumukuha.



Mabuti na nga lang at andiyan si Marvin para tulungan ako sa sitwasyon ko ngayon. Ayos na din na si Marvin na lang ang kumuha dahil, parang hindi pa ako handa sa mapapanuod ko, kung nagkataon na sabay-sabay naming makukuha 'yon.



Yung pagkain namang pina-take-out ni Marvin kanina, pinadala na niya sa amin baka daw kasi matagalan siya. Medyo may proseso pa daw kapag kumuha ka ng footage lalo na at mall 'yon. Wala pa rin kaming kasamang pulis, pero buti na lang talaga pumayag silang ipakita at ibigay sa amin yung copy.



Ang weird nga lang ni Marvin dahil parang pinagmamadali niya kami ni Judith na umalis. Pero naisip ko rin na kaya niya lang ako pinagmamadali dahil alam niya na nag-aalala ako sa pamilya ko na nasa bahay. Kaya binale-wala ko na lang 'yon. Gano'n pa man nagpapa-salamat pa rin ako sa kanya.



Samantalang yung Stranger guy na nagte-text sa akin, hindi na siya sumagot simula ng sabihin niya na may naghihintay sa akin sa bahay. Hindi na niya ni-reply-an pa yung mga text ko. Kaya dali-dali ako nagpumilit umuwi.



Habang papalapit kami ni Judith sa bahay naming, palakas ng palakas yung tibok ng puso ko. Pati ata pulso ko gusto ng pumutok. Mabuti na lang din at dala ni Judith ang sasakyan niya, kaya mabilis kaming makakarating sa bahay namin.




Ilang minute pa at nandito na kami sa bahay. Tinanggal ko na yung seatbelt ko. Natatakot pa nga akong bumaba dahil hindi ko alam kung ano ano ang pwede kong abutan o makita kapag nakapasok na kami sa loob ng bahay. Lalo pa na nandon ang pamilya ko sa loob.



Paano kung may nangyaring masama sa kanila? Pa'no kung nandyan pa sa loob yung stranger? Pa'no kung biglang niya kaming saktan at hindi na makalabas pa ng buhay? Pano kung... Kung... Hindi. 'Di pwede. Ayokong may mangyaring masama sa family ko.



Hindi niyo rin naman ako masisi kung nag-iisip ako ng mga masasamang bagay. Nag-aalala rin ako sa family ko kung ano nang nangyari sa kanila sa loob. Pa'no kung nasa ganito kayong sitwasyon? Pero 'wag naman sana. Ayoko ng may madamay pang iba katulad na lang ng bestfriend ko at ng fiancé niya. Hindi ko rin naman gusto na madamay sila sa sitwasyon ko.



Mabuti na lang talaga at may mabubuti akong kaibigan katulad nila. Na handing tumulong kapag kailangan ko sila. Mabuti na lang at nakilala ko sila.



Niyakag na ako ni Judith na lumabas ng sasakyan. Kahit ayaw ko pang lumabas dahil natatakot ako. Wala na rin akong nagawa. Tutal family ko rin ang nasa loob. Bakit ng aba ako natatakot?



"Alam mo, Julie, kahit ako natatakot eh. Pero wala na tayong magagawa. Nandito  na rin naman tayo. Pero sa tingin mo, kailangan na nating tumawag ng pulis. Para kung may mangyari man. Atleast, matatagpuan pa yung katawan natin. O, baka mahuli yung guy at magkaroon man lang nang hustisya ang pagkamatay natin." Seriously? Si Judith ba talaga 'to?"

We Were Strangers : Message Recieved (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon