CHAPTER 1

4.9K 105 24
                                    


ANTOINETTE'S  {P.O.V}

Mhal na mhal kita nette..

Mhal na mhal din kita bofie..

Lumapit yong mukha nya para halikan ako..
..malapit....na... pumikit nlang..ako.....

"Antoinette!! Gumising kana!!"

"Ay' Antoinette!" Naalingpungatan ako at dahilan upang mapabalikwas ng bangon.

"Kanina ka pang bata ka,tumayo kana dyan at late kana sa trabaho mo.!" Pagbubunga-nga naman ng aking ina.Napasabunot na lang ako saking buhok.

"Inay naman eh' panira,malapit na yon,ang lapit na one inch nalang mag lalapat na yong mga labi namin,ayahhh!!! Bakit nyo po ako ginising? Sayang naman yon!" Halos umatungal na ako sabay padyak ng mga paa.Bago padabog na tumayo.

"Ah' ganon ba? Sayang??" Namaywang ito saking harapan habang nakataas ang dalawang kilay.

"Sino hindi mang hihinayang,kiss yon ni Kaye ng buhay ko eh! Kaso kayo kasi eh.." muli na naman akong nag papadyak.

"Talaga?" Ngumisi ito ng nakakatakot."Maiba lang ako mahal Kong anak,malinis ba itong sahig ng kwarto mo?" Napaikot nalang ako ng mga mata.

"Opo." Napilitan kong sagot.

"Gusto mo ingod-ngod ko yang nguso mo dyan?! Ng hindi ka naman mabitin don sa halikan nyo ni Kaye cal." Pinandilatan na nya ako ng mga mata kaya umatras nako,pag ganyan na kasi hitsura nya ibang kaluluwa na yong nasa loob ng katawan nya.

"Hehe Inay naman,Hindi mabiro." Naka peace sign pa ako habang nakangiti ng alanganin.

"Baliw kana talagang Bata ka,kagabi puyat ka dahil pumonta ka sa gig nya,tapos bago matulog kausap mo yang mga posters nyang naka balandra sa bawat sulok ng kwarto mo,mismo ilalim ng higaan mo meron din,saan ba mental hospital para sa mga baliw dyan sa Kaye Cal na yan ng madala na kita para hindi na ako nahihirapan." Napangiwi na lang ako kasi nagsisimula na yong kadraman ng aking ina."Hindi ka ba nahihirapan? Pati sa panaginip sya parin nakikita mo,at pag gising pangalan nya agad bukang bibig mo! Kulang na lang pati pagkain mo Kaye Cal na rin ang pangalan.Malala kana Antoinette! Kahit saan sya mag punta anino ka nya mas malala ka pa sa isang stalker!" Napailing na lang ako kasi ang haba-haba pa ng sinabi nya tapos mas malala pa daw ako sa isang stalker? Eh ganon na nga ako eh.

"Inay mahal ko lang talaga sya,pagbiyan nyo na ho kami." Paglalambing ko dito.

"Ayan! Na ngangarap kana naman,itaga mo dyan sa kukute mo isa ka lang sa libo-libong tanga hanga nya! Habol ka ng habol kahit alam mong hindi mo sya maabutan kahit kailan.Batokan kita dyan eh' ng maalog naman yang utak mo kung may laman nga ba talaga." Ayan kanina drama lang,ngayon sakitan na talaga ng feelings,tagos hanggang ugat.Itaga ko pa nga daw diba.

"IN MY DREAMS"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon