Chapter 2

451 6 7
                                        

Blythe's POV

Nakarating na nga ako sa classroom ko, here we go. Andito nanaman yung mga flirts. Eto kinaiinisan ko eh. Tss.

"Hi Bes!" Agad naman akong sinalubong ng yakap ni Belinda, isa ko pang bestfriend bukod kay Bugoy.

"Oh Bes?"

"Wala lang." Ngumiti siya.

"Upo na tayo, start na ng lesson eh." Pag-aaya ko at umupo naman kami.

So yun nga, si Belinda ang pangalawa kong bestfriend. Nakita kasi siya ni Bugoy nun so dahil mabait yun, pinatahan naman siya. At sa hindi inaasahan, dito rin pala siya mag-aaral. So nagkakilala kami at naging mag bestfriend.

"Ms. Gorostiza? Are you listening?" Napa-lingon naman ako kay Mam at tumayo. "Po? Sorry mam." Paghingi ko ng tawad at umupo. Shocks, nakakahiya.

**

Recess na. Finally! Ang favorite subject ko.

"BEEEEEEESS!!! Bili na tayooo~!" Pag-aaya ko kay Belle.

"Chill lang! Kinukuha ko pa pera ko."

"Sorry pooo!" Insert Chichay's voice.

"Oh dali, tara na. Baka mag time na."

Pumunta na kami sa canteen, syempre kaming dalawa lang magkasama.

"Bes, ano bibilhin mo?"

"Uhmm, piatos and iced tea lang. Eh sayo?"

"Chippy tapos c2."

"Ah okay, tara bili na tayo."

"Tara."

Bumili na nga kami ni Belle, pupunta na sana kami sa table namin ng biglang...

"Aray! Sh*t!" Napaka-malas ko nga naman talaga! "Ano ba? Tingnan mo nga dinadaanan mo!" Sabi ko habang pinapagpagan yung skirt ko.  Naglahad naman ng kamay yung nakabunggo ko pero hindi ko ito tinanggap. "Kaya ko naman eh. Thank you nalang." Sabi ko at tumayo.

Tinignan ko naman kung sino ang nakabunggo ko.. "Bugoy?!"

"Oo ako nga, sorry Blythe ah. Nagmamadali kasi ako. Sorry talaga."

"Ah, okay lang. " Aniya at ngiti.

"May masakit ka ba?"

"Wag ka mag-alala, wala naman akong masakit. Sige una na 'ko. Bye!" Pagpaalam ko.

"Bye! Kita tayo mamaya, sunduin kita sa classroom nyo." Liningon ko naman siya at ngumiti. Kinaladkad ko na si Belle dahil hiyang hiya na ko.

"Huy! Kakain pa tayo!"

"Sa classroom nalang tayo kumain, tara!"

Sumunod nalang siya sakin at umakyat na nga kami. Kumain nalang kami.

Bestfriends or Lovers?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon