Ipopost ko na sana tong chapter nato, kaso nga. Nadelete eh, nakakainis! 1:00 am pa naman ako natulog, para lang matapos tong chapter to. So here it comes, sana magustuhan nyoo! (:
*****************
--BLYTHE's POV--
So, eto nga ako nakatingin ngayon sa bintana ng kotse. O, sabihin nalang natin na lutang ako ngayon. Ewan ko kung bakit. Ah, siguro dahil sa flight ko. At dahil din, ayaw kong maiwan ang pinakaminamahal kong lalake sa buong buhay ko. At ayaw ko ding maiwan ang mga bestfriend ko o sabihin na nating barkada ko, sila palagi ang andyan pag may problema ako. Sila palagi ang andyan, kaya ayaw kong umalis dito sa Pilipinas. Pero hindi na pwede icancel eh. Andyan na, wala na tayong magagawa.
Basta ang alam ko lang, mahal ko ang mga kaibigan ko. Sila ang pinaka'the best na nakilala ko sa buong buhay ko, lalo na si Bugoy.
Bakit kaya, kahit matagal na kaming magkakilala ni Bugoy. We're so akward pa din pag kaming dalawa lang ang magkasama? I don't know why, biglang nagiba yung mundo ko. Hindi ko alam..
Maya-maya nalang, may naramdaman nalang akong luha na tumulo galing sa mata ko. Umiiyak ba'ko? Nako. Baka mawala ang make-up ko. Dali dali kong pinunasan ang luha na tumutulo. Napansin ata ni Bugoy, na umiiyak ako. Hininto nya din ang sasakyan.
"Blythe, umiiyak ka ba?" Bugoy. Nako, napansin nya talaga. Anong palusot ang gagawin koo? T.T
"Hindi, bakit naman ako iiyak?" Ako. Yan na lang ang nasagot ko.
"Ah, wag mo ng intindihin yun. Oonga pala, andito na tayo." Bugoy. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Ang swerte lang ng magiging girlfriend nya,a ng swerte talaga.
Bumaba naman ako at tsaka sumunod sakanya. Akala ko party ang pupuntahan namen, eh parang date kaya. Siguro may date tapos invited kame. May ganun ba? tss. Tumigil siya at syempre tumigil din ako.
"Blythe, blind fold lang muna kita ah?" Bugoy. Eh? Kelangan pa ba yun?
"Eh? Kailangan pa ba yun?" Ako.
"Oo, eh." Bugoy. Sabi niya sabay blind fold saken. Inalalayan nya ako papasok at narinig ko yung favorite kong kantang "Time Machine". Ano ba tong pupuntahan namen, kelangan talaga may blind fold ano to date?
"Tanggalin mo na." Bugoy. Tinanggal ko na ang blind fold, at napa-'WOW' nalang ako. As in wow. Ang ganda ng venue. Ang raming hearts and red flowers, paraiso ba to? Just wow.
"Like it?" Bugoy.
"Eh? Para sakin ba'to?" Ako.
"Oo, Blythe para sayo to. Dati pa kitang mahal, dati pa. Natotorpe lang ako, hindi ko kayang sabihins sayo. Kaya eto na. Mahal na mahal kita Blythe." Bugoy.
"Eh? Hindi kita gets?" Ako. Lumuhod siya sa harap ko at kinuha ang box sa bulsa nya. Eh? Anong ginagawa neto? Hindi ko talaga siya magets?
"Blythe, will you be my girlfriend?"
************
Eto na yung Buglythe Moment update ko! Sorry kung hindi ko kayo napakilig. T.T Mahina ako magpakilig eh. :3 Pero sana nagustuhan nyo! Ano kayo ang sasagutin ni Blythe? Yes, or no? Excited na'kooo.
VOMMENT PLEASE! (:
xx,
SherylPenaflor
BINABASA MO ANG
Bestfriends or Lovers?
Fiksi RemajaI'm Blythe Gorostiza, and I fell inlove with my bestfriend..
