"Nay.. Tay andito na po ako"?..yohooh.....
Mga mahal kong kapatid asan kayo nakauwi na si ate galing Maynila.. yohooooh??
Bakit walang sumasagot?..inilibot ko ang aking mga mata sa paligid, ngunit bakit ang labo ng aking mga nakikita.
Lumabas si inay sa kubo namin at may dalang nilagang kamote na pang miryenda naming mag-anak.
Isko... Hali na kayo,yung mga anak mo tawagin mo na. "Hinto muna kayo sa pag-aararo mag miryenda muna tayo"..
Ok po.. Ising andiyan na.. "tugon ni tatay na humahangos ang boses"...
Maya-maya pa ay dumating na si tatay at ang aking mga kapatid.
Ohh.. Ising tawagin mo muna ang dalaga natin.. Bakit wala siya dito?
Hay naku Isko yung anak mo ang sipag-sipag talaga andoon na naman sa bayan ipinagbili niya yong mga gulay sa palengke, para makabili ng asin,kape at asukal.
"Naku Ising ang babait talaga ng mga anak natin".
"Kahit mahirap lang tayo pero andiyan sila di nagsasawa sa pagtulong sa atin"..
-----
Di nila ako napapansin pero kanina pa ako dito sa gilid ng puno, kabebenta ko lang ng mga gulay, pinagmasdan ko ang aking pamilya kahit "salat kami sa pera ngunit mayaman naman kami sa pagmamahal".
Pero kahit masaya kami,di iyon sapat,kaya kahit masakit sa kalooban ko buo na ang aking pasya.. Pupunta ako ng Maynila para mabigyan ko sila ng mas maginhawang buhay..
Mag tatrabaho ako para sa kanila...
Lumapit na ako sa kanila at tuwang-tuwa sila sa pinamili kung pasalubong at tinapay..
Ate Remy ,salamat dito ahh.. Nakakain na naman tayo ng totoong tinapay.. Hindi na talaga kamote tinapay na talaga. Hindi na ma**tot dito si bunso.. "nakangiting sabi ng isa kung kapatid".
Tawanan kaming lahat..
Group hug.. Group hug sigaw ni bunso..
Nagyayakapan kaming lahat.. Ang saya-saya.. "Kumpletong pamilya sa hirap at ginhawa"..
Nagyayakapan kaming lahat ngunit..
Pagkabukas ko ng aking mga mata.. Wala sila nanay at aking mga kapatid.. Nadatnan ko ang aking sarili na nakayap sa hangin..
Nay, tay??... Asan kayo?
Wag nyo naman akong takutin ohh?..Nangangatog ang aking tuhod sa sobrang takot.
Umiiyak na ako.. "Inay.. Itay".. Mahal na mahal ko kayong lahat...
Lahat gagawin ko para sa inyo.. Hahamakin ko ang lahat pati si kamatayan mabigyan ko lang kayo ng maayos na buhay at ang aking mga kapatid.
Gusto kong ipatikim sa inyo ang buhay na kahit kailan ay dipa tayo nakaranas.
Ang kumain ng masasarap na pagkain, ang mabigyan ko sila bunso ng edukasyon..
Matanda na kayo nanay at tatay..
Buong buhay ninyo dito na sa bukid gusto ko naman iparanas sa inyo ang buhay dito sa labas ng bukid..
Ang maranasang mamasyal sa park, sabay-sabay magsimba at kumain sa labas..
Promise pagbalik ko dito sa bukid ay maiaahon kuna kayong lahat sa kahirapan. Promise.. Promise..
BINABASA MO ANG
Mahal Ka Sa Akin
RomanceIto ay kwento tungkol sa isang dilag na galing sa mahirap na pamumuhay........ Nakatira sa bundok.. Pumunta sa Maynila upang makipagsapalaran .. Bukod sa hirap ng buhay,hindi din siya biniyayaan ng angking kagandahan.. Hindi siya maganda pero di...