"To love and beloved is the greatest joy on earth".
Yan ang laging sinasabi ng aking mga magulang.. Magmahalan...
Pero habang namumulat ako sa tunay na kulay ng mundo,mayroon na akong pag-aalinlangan... Pag-aalinlangan na mayroon ba kaming mararating ng aking mga kapatid sa hinaharap..?
Kaginhawaan! Sana marating din ng aking kapalaran!Kayat na pagdesisyunan kung umalis at makipagsapalaran sa Maynila..
Hay...sana sa pag alis ko dito sa bukid ay maiahon ko ang aming pamilya sa kahirapan. Habang nakatitig ako sa aming mga pananim, unti-unting nahuhulog ang butil ng aking mga luha.
Mahal ko ang bukid pero kailangan kung umalis at magtrabaho.
Bilang panganay kailangan kung kumilos para mabigyan ng edukasyon at maginhawang buhay ang aking mga kapatid,ang aming pamilya!
Tanging pagbubukid lamang ang aming inaasahan. Namulat kaming magkakapatid sa pagsasaka..
Naaawa ako sa kanila dahil sa murang idad banat na ang mga buto..
Ni hindi kami kayang paaralin nila nanay at tatay.. Matanda narin sila, kaya ako na ang gagawa ng paraan para maabot ko ang aming mga pangarap. Kahit para nalang sa kanila ng aking mga kapatid.
Third year high skul lang ang aking natapos dina ako nakapagpatuloy dahil nga kapos.
Mahal na ang matrikula kayat huminto nalang ako. Hanggang pangkain lang sapat ang ani sa bukid..
Umiiyak na ako dito pero hindi pa ako nakapag pakilala sa inyo...
Hi sa lahat ng nagbabasa ng aking kwento.. Sana suportahan ninyo ako.. Woooohhh.. Kinakabahan ako ngayon alam niyo ba? Hmmm!.. Syempre author hindi namin alam ingot lang!.. Hahahaha..
BACK TO THE STORY........
Ako nga pala si "REMY MAHIRAP PASADAGA"
Kainis! kaya muntik na akong di magpakilala eh kasi nga naman alam kung tumatawa kayo ngayon?? Hmm.. Tatalon ako sa bangin kung hindi ninyo ako pinagtawanan!!
Bukod sa kakapusan, napagdesisyunan ko ding huminto sa pag-aaral kasi lagi akong nabubully sa skul dahil nga sa aking exotic middle name and surname!
MAHIRAP PASADAGA! Kinukutya nga talaga ako ng tadhana.. Hahayy!!
24 years old na nga pala ako.. Panganay sa apat na magkakapatid.. Ako lang ang nag-iisang babae..
Comments and likes are my pleasure..
Thank you guys.. Mwuaaaahhhhhh..
BINABASA MO ANG
Mahal Ka Sa Akin
RomansaIto ay kwento tungkol sa isang dilag na galing sa mahirap na pamumuhay........ Nakatira sa bundok.. Pumunta sa Maynila upang makipagsapalaran .. Bukod sa hirap ng buhay,hindi din siya biniyayaan ng angking kagandahan.. Hindi siya maganda pero di...