Chapter Two

2 0 0
                                    

Hello po sa inyo! Pag pasensyahan nyo na ang way ng pagsusulat ko ha, first time ko kasing magsulat sa wattpad. Haha, sana maenjoy nyo pa ang mga susunod na kabanata.

ANSLEIGH POV

Mga ilang linggo na rin ang nakakaraan at medyo napapalapit na rin ako sa mga kaklase ko dahil na rin kay Craig, akala ko ba you like to keep your circle of friends small but true? Haha, iba raw ang true friends sa friends lang. Ano daw? Sari-sari na eh.

   Nalalapit na ang major exams, at kailangan ko na namang magsunog ng kilay para makakuha ako ng mataas na score! Kaya kada free time ko sa school at sa bahay, nag-aaral talaga ako.

   Hanggang sa dumating ang araw na iyon at syempre hindi ko kayo binigo, talagang mataas ang mga scores ko sa exams, pero itong si Craig hindi ko inaasahan na matalino pala ang gago. Halos maabot ang mga scores ko, pero malas nya, mas mataas pa rin ako. Haha!

   "Congrats on your almost perfect scores on the exams." ngiting sabi sakin ni Craig habang nagla-lunch.

   "Thanks, congrats to you too! I didn't know you study. Haha." biro ko sa kanya.

   "In my former school I didn't, but now since my bestfriend is such a consistent pain in the ass for always nagging me to study, I've no other choice. Haha." bigla kong naalala na lagi ko nga pala syang binubungangaan pagdating sa pag-aaral.

   "You're welcome bro!" sabay tapik ko sa kanya.

   "It's almost time, let's head back?" aya ni Craig, pinababalik nga pala kami ni Justin, ang aming class president ng quarter before 1pm.

   "Ok, since tapos na ang ating periodical test..." simula ni Justin pero pinigilan ko at pina-alalang kano si Craig.

   "Oh, sorry. Ok, since our periodical exams are over, we all know what comes next right?"

   "Intrams!" halos sigaw naming lahat.

   "Yep, and we need the line-up for the basketball and volleyball teams, and also the players for the individual games." balita ni Justin sabay labas ng papel para listahan ng pangalan. Kanya kanya namang lapit ang mga kaklase ko at lista ng kanilang mga pangalan, habang nakaupo pa rin kami ni Craig.

   "Aren't you gonna sign up?" tanong ko sa kanya.

   "Nah, I'm not really that athletic." sagot nito.

   "Ok, the list is almost complete. We just need one more player in the basketball team." announce ni Justin, ewan ko ba na parang sinaniban ako ng masamang elemento at naisipan kong isali si Craig, haha.

   "Justin, ilagay mo dyan ang pangalan ng katabi ko(pertaining to Craig) sa basketball team, sayang naman ang tangkad nito. Guys,(humarap ako sa iba kong kaklase) wag kayong papahalata na isinali ko to ha?" tumango lang ang mga kaklase ko.

   "What did you tell them?" agad agad tanong sakin ni Craig pagka-upo ko.

   "Nothing, I just told Justin to pick a good player." pagsisinungalin ko.

   "And the rest?" usisa ulit nito.

   "I hope our class champions the games!" pagsisinungalin ko ulit. Sana na-convince ko sya. Hahaha.

   "Hmmm, how come I get the feeling that something bad will happen?" isip ni Craig.

   "That's nonsense! Let's just celebrate that our exams are over ok? And let's look forward to the Intramurals!" aya ko kay Craig. Parang nakumbinsi ko naman sya, haha. Success! Patay ako neto pagdating ng finalization ng list. Tsaka ko na lang yun poproblemahin.

MissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon