ANSLEIGH POV
Hindi ko masyadong naenjoy ang show kasi si Caitlyn pa rin ang nasa isip ko, walanghiyang babae yun, nagawang perahan si Craig. Matapos ang show agad akong pumunta sa tapat ng dressing room at hinintay si Craig na makalabas. Maya-maya pa ay isa-isa nang naglalabasan ang mga dancers.
"Craig!" tawag ko nang makita ko syang lumabas ng pinto, lalapit na sana ako nang kasunod nyang lumabas si Caitlyn.
"Ansleigh? What're you doing here?" bati nito sakin habang nakapulupot sa braso nya si Cait na ahas.
"Err, can we talk? Just you and me?" aya ko sa kanya at napatingin ako kay Cait.
"C'mon Ans, she's my girlfriend, if it's any secret, she's got the right to know too." depensa ni Craig, medyo nanlisik naman ang mata ni Cait.
Nagdadalawang-isip pa ako kung itutuloy ko pa ba to o hindi, pero si Craig ang nakasalalay dito kaya...
"Ok, here goes, Craig, Caitlyn is not who you think she is." napakunot ang mga mata ni Craig.
"What did you say about my girlfriend?" parang binging pinauulit sakin ni Craig ang sinabi ko.
"I mean, she's just using you Craig. Using you to get the material things she wants." medyo nilakasan ko na ang boses ko, nanlaki ang mata ni Cait at halatang nagulat sa ibinunyag ko. Humarap sa kanya si Craig.
"What is he saying Cait? Is this true?" tanong niya.
"Of course not, babe." mahinahong sagot ni Cait. Lumapit sakin si Cait at hinawakan ako sa kamay "Look Ansleigh, I don't know where you got that idea, but it's not a very nice thing to say to your bestfriend's girlfriend." dagdag nya na nakangiti, grabe best actress ampots.
"It may not be nice but it's the truth! I heard you earlier with your boyfriend and you were kissing! You were just using Craig to buy and give you stuff." medyo napapasigaw na ako, pinatitinginan na kami ng ibang tao. Napabuntong-hininga si Cait at lumapit kay Craig.
"I don't know what's going on babe, I thought you said that Ansleigh is nice, but I don't think so. Ahh, I get it, he's just jealous of me babe because you don't hang out with him more often after we started dating." ngisi nito sakin.
"NO! That's not it! Craig, I'm telling the truth!" sigaw ko.
"ENOUGH! Look Ansleigh, I'm sorry that I didn't have time to hang out with you more often after I started dating Cait, but it's not an excuse to make up nasty stories about her. Maybe she's right, I think I don't know you that much. Maybe we should stop talking to each other for a while." mahinahong sabi ni Craig yung mga huling salita, hinawakan ang kamay ni Cait at umalis na sila.
Naiwan ako dong nakatayo habang paunti na ng paunti ang mga tao sa school.
Naglalakad ako pauwi sa bahay nang lipad ang isip. Anong nangyari? Bakit ako ang lumabas na masama? Ako na nga tong nagmamalasakit sa kanya at panlolokong ginagawa sa kanya. Ito na ba ang katapusan ng pagkakaibigan namin? Hindi, hindi ako papayag. Ako ang tama, si Caitlyng mapagmanipula ang mali, kailangan ko lang humanap ng ebidensya. CSI mode on! Haha!
Lunes, sinimulan ng principal ang opening ceremony sa pagbati sa nanalong year sa ginanap na dance festival. Nga pala, hindi na nga pala ako pumunta the following night kung saan in-announce ang nanalo.
"Once again, a big congratulations to Grade11 for winning this years Dance Festival!" sigaw ng principal sa mikropono.
Weh? Grade namin ang nanalo? Maria Clara na boring? Nadala siguro ni Craig. Speaking of Craig, pinapanindigan nya ang sinabi nya na wag munang magpansinan. Ok lang, hindi naman sya ang may kasalanan ng lahat ng to, si Caitlyn na halimaw. Pero medyo may tampo rin ako kay Craig kasi mas pinili nyang paniwalaan si Cait kesa saken, syempre! Syota nya yun eh, ako naman ay di hamak na kaibigan lamang. Nga pala, magpapaka detective nga pala ako mula ngayon. Nakakainis naman tong cellphone ko walang camera, voice recorder lang meron. Hahaha! Una kong task, hanapin muna yung syota ni Cait. Yes, kailangan ko syang ma-accomplish during my vacant period!