ANSLEIGH POV
Nagdaan ang mga araw na mas napapalapit ang loob ko kay Craig at ganon din naman sya sakin, basta may idle time kami sa school it's either nakain kami, nagkwekwentuhan, o kaya binubully ang isa't isa. Haaay, ang sarap palang magkaroon ng isang kaibigan, at sa kano pa ah? Hahahaha.
Matapos ang Intrams, Annual Dance Festival naman ang inaatupag ng buong school. Competition ito sa pagitan ng anim na year level ng high school. At syempre, ang mga kalahok ay mga estudyante. Ang mga tema ng sayaw ay Muslim, Igorot, Rural, Maria Clara, Tribal at Folk. Nagbunutan ang mga representatives ng bawat year at buti na lang at ang Maria Clara ang nabunot nya, ang pinaka-conservative sa lahat pero ang pinakamahirap ipanalo, kalimitan kasi Muslim, Igorot, at Tribal ang nananalo, ewan ko nga ba, nadadala siguro ng bahag na costume, hahaha. Nako nadedemonyo na naman akong isali si Craig, wahahaha!
Marunong kaya syang sumayaw? Feeling ko naman marunong sya. Hahaha! Iri-risk ko ba ang pagkapanalo ng Grade 11? Mukha namang talo na agad ang year namin nung nabunot pa lang ang theme, kaya, isasali ko si Craig! Wahahahaha! Sa magiging reaksyon nya at consequence, bahala na. Pero meron namang incentives ang pagsali sa dance festival, isa na rito ang 20% added score sa sunod na major exams.
At yun na nga, nagawa kong mailagay ang pangalan ni Craig nang wala syang kaid-idea. Bumalik na ako sa aking kinauupuan.
"Hey, I listed you up for the dance festival." sabi ko kay Craig bago umupo.
"What?! Again?" gulat nito.
"So, this isn't your first time joining a dance festival?" tanong ko pero alam ko kung ano ang pinupunto nya. Haha.
"No, I'm talking about listing me again without me knowing!" parang galit na si Craig. Wrong move yata ako. Tumayo si Craig at pumunta sa unahan para burahin ang pangalan nya pero biglang dumating si Ma'am Cecille, ang overall choreographer ng mga sayaw, nakita nya agad si Craig at nilapitan bago pa man nito mabura ang kanyang pangalan. Hindi ko marinig ang kanilang pinag-uusapan kaya tinanong ko na lang agad si Craig pagkaupo nya.
"So?" usisa ko sa kanya.
Napabuntong-hininga sya. "Ms. Cecille specifically wants me to join the Dance Festival."
"So?" tanong ko ulit.
"I'll be joining. Just for the sake of the 20% added score on the next major exams." paliwanag nito.
"I was just about to tell you about the 20% but you walked away. Haha, you still mad at me?"
"A little bit. You always do these things." pagmamaktol nya.
"Hehe, sorry bro. Won't happen again." ngiti ko sa kanya.
Hanggang sa dumating na nga ang araw ng simula ng pagpa-practice ng para sa dancefest. At dinistribute na rin saming mga estudyante ang mga tickets para sa mismong show, Php50 ang pinakamurang ticket sa pinakahuli yun nakaupo, tapos 150 sa gitna, at 250 naman sa malapit sa stage.
Excused sa klase ang lahat ng kalahok sa dancefest pag oras ng practice nila. Haaay, kakalungkot naman, bihira na kaming nagkikita ni Craig, sana lang talaga hindi maapektuhan ang pag-aaral ng loko kundi pepektusan ko yun. Hindi naman pwedeng manood ang ibang estudyante. Hmmm, makapuslit kaya sa oras ng vacant ko, haha. Ano ba tong naiisip ko? Imbis na mag-aral, sisilipin ko lang naman si Craig, titingnan ko lang kung ano na ang ginagawa nya, mga 10mins lang, haha.
Bago ako pumunta ng dance hall, dumaan muna akong canteen para bumili ng tinapay at tubig para kay Craig. Wala namang nagbabantay sa labas ng dance hall, pinapaalis lang talaga ang mga estudyanteng nanonood. Buti na lang may ilang dancers na pumasok galing sa labas kaya nakisabay ako sa kanila, dancer din? Haha, para-paraan. Gustuhin ko rin namang sumali, 5'6 ang minumun requirement sa height ng mga lalaking kasali, haha, eh 5'4 lang ako. Buti walang napansin sakin sa loob kahit na ako lang ang naka uniform, lahat kasi sila ay naka pang-practice. Di nagtagal ay nakita ko rin agad si Craig na nakaupo at nakasandal sa dingding, may katabing babae at tila masaya, nagtatawanan sila. Ang ganda naman nung babae, bagay sila, pinopormahan ba ni Craig yung babae? Ewan ko na lang kung di pa sagutin nung babae si Craig.