Chapter One

11 0 0
                                    

ANSLEIGH POV

-ALARM RINGS-

   "Ughhh... panibagong araw, panibagong kalbaryo na naman, haha!" sambit ko sabay patay ng alarm clock.

   Araw-araw akong ganito, kailangang maaga lagi ang gising para pagsilbihan ang aking madrasta at anak nya. 5am tuwing weekdays, at 7am naman tuwing weekends. Lalo pa ngayon na school days.

   Nag-ayos na ako ng sarili at dumerecho sa kusina para ipagluto ng almusal ang aking mga amo, haha. Ganito talaga ang papel ko sa bahay namin. Dahil maaga akong naulila sa ina, nag-asawa muli ang aking tatay. Pero sa kasamaang palad, nasawi naman ang tatay ko sa isang aksidente dalawang taon matapos syang mag-asawa muli.

   Noong una, hindi ko alam kung papaano na ako, hindi ko kakayanin na wala sila, sobrang depressed ako. Pero naisip ko na hindi to magugustuhan ng mga magulang ko kung mananatili akong malungkot, kaya minabuti ko na lang maging matatag at magpursigi. Pero hindi lahat ng gusto ko ay pwede.

   Isa na rito ang madrasta kong si Tita Eunice at anak nya na si Scarlett, noong nabubuhay pa ang tatay, mababait pa naman sila sakin. Pero biglang nag-iba ang lahat nang mawala si tatay, kinamkam na ni tita lahat ng pagmamay-ari namin. Isa pa ang kanyang anak na halos kasing edad ko na ganon din ang turing sakin.

   Wala naman akong magawa kundi sundin sila kasi wala na rin naman akong ibang kamag-anak. Mabuti na nga lang at pinag-aaral ako ni tita, yun nga lang, parang all-around maid ang papel ko rito sa bahay. Hmmm, pero ok na rin naman ako sa ganito. Magtitiis na lang ako hanggang sa makatapos ako ng college.

   Kasalukuyan akong nag-aaral bilang isang Grade 11 student sa isang school dito sa Maynila. At sa awa ng Diyos, dahil na rin sa pagpupursigi kong mag-aral, nagawa kong maging scholar, kaya medyo bawas rin ng gastos sa school. Itinatabi ko naman ang natitira kong pera in case of emergencies.

   Pagkatapos kong magluto ay bumaba na sina tita at Scarlett, umupo na sila sa mesa at kumain na kami.

   "Umuwi ka kaagad pagkatapos ng klase mo at may ipapagawa ako sayo Ansleigh." sabi ni tita Eunice na ramdam kong hindi ito pakiusap at isang utos.

   "Opo tita." maikli kong sagot.

   "Onga pala, bilhin mo na rin ang mga 'to." sabi ni Scarlett sabay abot sakin ng isang papel.

   "Wew, pano pa kaya ako makakapag-aral nito." bulong ko sa sarili ko.

   Pagkatapos nilang kumain ay nagbihis na sila at umalis, si Scarlett para pumasok, at si tita naman sa trabaho nya. Matapos kong magligpit ay umalis na rin ako para pumasok sa school, mabuti na nga lang at magkaiba kami ng school ni Scarlett.

   Pagkadating ko sa school ay nag-aral na rin ako ng konte at baka hindi ako makapag-aral sa bahay. Maya-maya pa ay tumunog na ang bell hudyat na magsisimula na ang first period.

   "Ok class, please settle down. I have an important announcement." sabi ng adviser namin ni Ms. Salonga pagpasok nya. "We would be having a new student joining our class today." announce ni ma'am. Nagtaka kaming lahat kasi 2nd week na ng August.

   "I know it's a bit late, but from where he's from, school doesn't start until August." dugtong ni ma'am. "It's his first time here in the Philippines. So be nice to him, ok? Come on in son." Sumenyas sya sa may pinto.

   Napanganga (literal) siguro lahat ng mga babae kong kaklase sa pagpasok ng isang matangkad, mestiso, at napakagwapo (siguro?) na lalaki sa aming classroom. Nagpunta sya sa gitna at nagsalita. "Good morning, my name is Craig Evans. Pleased to meet you." bungad nung kano.

MissedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon