Ansleigh POV
Matapos yung insidente kay Caitlyn, mas naging close kami ni Craig kesa dati. Mabuti na lang at hindi nagsumbong ang mag jowang halimaw sa officials ng school, alam na rin siguro nila na sila ang mali at mapapasama, haha. Pero since active pa rin si Craig sa school activities, medyo nag-iisa pa rin ako minsan. Pero nagawa pa rin naman sya ng time para samen. Jowa lang? Haha, di ah, sadyang close lang talaga kami nun, long lost brother siguro kung tatawagin. Hindi kasi sya makatanggi sa mga activities na yun, mismong faculty kasi ang pumipilit sa kanya, haha. Sikat na sikat talaga si Craig sa school, at campus hearthrob pa. Madaming nagco-confess na babae kay Craig pero hindi nya ine-entertain ang mga ito kahit sobrang gaganda pa ng mga ito.
"Hey, why do you keep rejecting all those girls? Wala ka bang nagustuhan ni isa sa kanila?" tanong ko nang minsang magkasama kaming mag lunch ni Craig.
"Nope." nakangiting sagot ni Craig. "I'm happy just the way I am now. I'll just focus on school and..." lumapit sya sa tabi ko at inilapit ang bibig nya sa tenga ko. "YOU." agad ko naman syang siniko. At sabay kaming nagtawanan. "Oh right, I've got something for you." sinabi nya sabay iniabot sakin ang isang Iphone6. Ano to? Binibigyan nya ako ng phone? Eh alam naman nyang ayokong may tinatanggap ako mula sa kanya, tapos eto pa na ang mahal nito?
"Craig..." sabat ko.
"I know that you don't like me giving you stuff but don't get me wrong, this phone is originally for Maria but you know her, she's kinda old and there's a saying that you can't teach old dogs new tricks so she stuck with her old phone. There's no one else in the house who would be needing a phone so I thought that it's you who should have it. I know that your phone got wrecked because of my sake and you needed a replacement." paliwanag nito.
Haaay, kung di ko lang din kailangan ng phone ngayon. "Okay okay. I'm convinced. But I'll only accept this under one condition." sabi ko.
"And that is?" he eagerly asked.
"I'll pay for this. Of course I wouldn't be able to pay for this in one go, do you accept installment?"
"Wew. Okay okay. If that's what you want. Just pay for it whenever you have money, it doesn't matter if it takes forever. Haha."
"Haha, okay. Deal."
Lumipas ang isang academic year na puno ng saya at unforgettable moments. Tulad nung Valentine's Day program ng school, suking suki si Craig ng wedding booth. Sabi ko nga sa kanya na wag nang umalis don at dun din naman sya dadalhin. Haha.
At ngayon, Grade 12 na kami ni Craig. Opening na ng classes for the school year, at nandito ako ngayon sa bulletin board para alamin kung anong section ko at schedule.
"Err, excuse me."
"Yep?" nilingon ko kung sino yung nagsalita pero dibdib ang nakita ko kaya napatingala ako sa kanya. Grabe, ang hirap ng bansot. Haha.
"Alam nyo po ba kung san ang information office ng school?" tungo sakin nung lalaki, teka, ano kayang grade na nito? Mukhang bata pa pero grabe naman ang tangkad. Transferee siguro.
"Err. Oo, mula sa bulletin board na to, pumasok ka sa building na yon at nandun lang ang information desk sa bungad." Turo ko sa main building ng school.
"Thank you po?"
"Ansleigh." sagot ko.
"Ahh, ako nga po pala si Tyler, Grade 7." pakilala nya, napatango ako pero napaisip.