OWRw/MC 2

395 11 13
                                    

Makulit

~~~~~~~

"O Michael, gabi na ah? What brought you here?" kumaripas na ako ng takbo nang makareceive ako ng text mula sa kanya. Nasurpresa kasi ako sa bigla na lang niyang pagpunta dito ng hindi man lang nagapaalam.

"Gusto lang kita makausap." mukha pa syang nahihiya. Ang cute nya tuloy. 

Gusto niya akong makausap? Tamang-tama din ang timing. Para habang mamaya eh wala na kaming mapag-usapan, sisimulan ko na talaga ang pangalawang mission ko sa kanya. Ilang araw din siyang nawala kaya hindi ko agad nasimulan, pero sa ngayon tadhana na ang lumalapit. Why not coconut?

Nginitian ko siya. "About what?" 

Tumingin siya sa paligid ng dorm namin. "Hindi nyo pa naman curfew diba?" he asked. Tumango na lang ako. "Baka gusto mong maglakad lakad muna?" he added. 

"S-sure." since wala naman akong ginagawa pumayag na ako.

From our dormitory at kahit saang lupalop ng Kabacan. Siyempre doon sa matataong lugar na along the National Highway, kung iikutin namin ang buong lugar baka abutin kami ng isang araw at baka nga wala na kaming mapag-usapan kung ganun, hahaha! Lakad dito, lakad doon. Usap dito, usap doon. Tawanan dito, tawanan doon. Until we found ourselves looking at the busy road at the overpass. Silence occupied us dahil sa pagod.

Slience. . . Slience again. . . And more silence. . . 

"Hey Michael." pambabasag ko ng katahimikan. Magpapanisan ba kami ng laway dito? And wala na kaming pinag-uusapan kaya its about time.

"What?" Lumingon siya akin habang hinahawi niya ang maiksing buhok niya na ginugulo ng hangin. Hindi maarte ang lalaking ito sa katawan, kumbaga inborn na siyang ganyan ang panlabas niya.  Hindi gaya sa iba na inaabot ng ilang oras sa kakaayos lang ng kanilang buhok.

I stared him seriously and took a deep breath. "Do you like me?" 

His face is full of curiousness. "Well if you don't like me, pumayag ka na lang na maging boyfriend ko for atleast seven days." malungkot kong sabi sa kanya. Syempre, para effective diba? Malay ko bang di pala ako gusto nito, pahiya ako! 

Bumuntong hininga siya ng makabalik siya sa riyalidad. Kung kanina napapangiti pa siya ng kaunti, pero ng nagtanong na ako sa kanya para siyang nasurpresa at natigilan sa paghinga dahil na din sa reaksiyon mula sa kanyang mga mata.

Tumingin siya sa mga sasakyan pagkatapos kong sabihin yun. "Ayoko." sagot nya. 

Wow, babae na nga nag-aaya, sya pa may ganang umayaw. Sa boring nyang yan, buti nga nagkagusto ako sa kanya eh. "Just. . . just give it a try. Try lang naman eh. You know, wala namang makukulang or what---" 

Tumingin siyang muli sa akin ng pagkaseryo-seryoso. "I told you, my answer is no." at tumayo sya. 

Tumayo na din ako. "Michael, seven days lang naman. Konting panahon lang naman ang hinihingi ko ah?" pagmamakaawa ko. 

"Aliehs, wag kang makulit." napapapikit niyang sabi na feeling ko ay naiinis na siya sa aking pamimilit. Kung ibabase din kasi sa sagot niya at itsura niya, parang one word is enough na sa kanya. Kung ayaw niya, ayaw niya. Ganun!

"Seven days lang naman ah?" panunubok kong muli. Ayokong mawalan ng pag-asa dahil kung hindi, hindi ko masisismulan ang mission na ito. Without his confirmation na magiging kami, pano yung iba pang steps towards the success? Towards the achieving goal na nga lang. 

He stood still while looking at me seriously. Oh those stares, parang pinapasok ang kaloob-looban ko. Baka mabasa niya kung ano man ang naiisip ko. Thank God at hindi pa niya ako gaanong kakilala. "Aliehs, I told you no." he again stated.

Do I have to quit now? Of course the answer will be a no! Hanggang hindi siya pumapayag, hindi ko siya titigilan. "Puhlease?" with matching puppy eyes, para mas lalong effective. 

"Ang kulit mo." 

Hinawakan ko na siya sa kanyang braso ddahil feeling ko para na akong susuko sa pang-ilang attempt kong pagtatanong sa kanya. For the last na pipilitin ko siya at kung hindi pa din siya papayag, 

may bukas pa naman. Kala niyo susuko na ako? No! 

"Puhlease Michael, puhlease?" sige pa Aliehs, mukha ka ng ewan. 

Huminga sya ng malalim. "Fine." 

Ano daw? Napamulat ako sa aking narinig na sagot niya at mas lalong lumapit sa kanya. "Fine with that seven days relationship with you para di ka na mangulit." 

Awtomatikong napangiti ako. First day mission, C O M P L E T E. 

-----tbc-----

Kizses

One Week Relationship With My Crush (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon