OWRw/MC 7

294 10 10
                                    

Nosy girlfriend

~~~~~~~~~

"Ikaw lang maingay sa room nyo ah?" tanong ni Michael sa akin. Nandito kami sa boarding house nila. Katatapos lang ng last subject ko at sinundo ako ni Michael. Ewan anung nakain nito at lagi na akong sinusundo. 

Hindi kaya possessive ito na boyfriend? Grabe naman sya kung magseryoso. Walang kachallenge challenge. Actually, nung malapit nang mag-time, nakita ko si Michael na nakaabang sa may labas na nakadungaw sa may bintana ng aming room so another plan for this day. At yun ay ang mag-ingay ng mag-ingay kahit wala namang katuturan. nabanggit din kasi ng kapatid niyang ayaw niya daw sa maiingay mas lalo na't walang dahilan ang pag-iingay na iyon kaya yun ang naisipan kong gawin sa araw na ito na ikaiinis niya.

"Ah, yun ba? Kailangan eh. Kasi boring na sa loob ng room pag di pa ako mag-iingay diba?" umupo ako sofa sabay ngiti ko sa kanya habang sinisilip ang magiging reaction niya sa sagot ko. 

Nilapag nya muna ang mga gamit namin sa kama nya. "Bawas-bawasan mo, para kang hindi babae sa kilos mo kanina." seryosong saad niya.

"Ayaw mo ba sa babaeng maingay?" pagtatakang tanong ko sa kanya. So, here it is. Magsisimula na kami about sa nosy things na ginawa ko kanina.

Huminga sya ng malalim. "Hindi naman sa ganun." 

"O baka naman ayaw mo na maingay ang girlfriend mo dahil sa mapapahiya ka?" taas kilay kong tinanong sa kanya at naghihintay ng kasagutan. 

"Ano bang pinagsasasabi mo Aliehs? Wala nam---" 

"Fine! Lagi namang wala eh. Palibhasa kilala ka kaya maling galaw ko lang mapapahiya ka na. Puro image ka naman e----" napahinto ako sa pagsagot sagot sa kanya ng bigla nya akong hawakan sa aking braso. 

"May sinabi ba akong ganun, Aliehs?" tiningnan nya ako na parang nanghuhusga. 

Ewan. Di ko alam. Di ko maexplain kung ano ang nasa mga mata nya. Parang galit. 

"B-bakit? Hindi ba totoo ha? Ikaw yung tipo ng tao na ayaw map----" 

Napatigil ako ng tumayo na syang bigla. "Tama na." yun lang ang tanging sinabi nya. 

Nagsmirk naman ako. "O ano? Ayaw mo na talaga sa akin?" tumawa naman ako ng payak. "Oo nga naman pala, pinil---" 

"Sinabi nang tama na!" 

Nagulat ako. Napatunganga ako ng pagkatapos nyang magsalita. Hindi dahil sa sinabi nya kundi sa pagsigaw nya sa akin. Unang beses akong sigawan ng lalaki ng dahil sa ganitong ugali ko. 

Umupo sya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. "Sorry Aliehs. Hindi ko sinasadya." 

Napapaluha ako sa mga nagyayari. Hindi ganito ang nasa plano ko. Hindi ito parte ng plano ko. Nagulat ako. Hindi ko inaasahang magagawa nya akong sigawan. Hindi. Hindi ko inaasahang pwede pa lang mangyari ang mga ganito habang isinasagawa ang ganitong plano. Ang hina ko pa rin pala. Bat nga ba hindi ko naisip na mangyayari ito? 

Bumitaw sya sa pagkakayakap sa akin at tumingin sa mukha ko. "Hey I didn---"    

"Did you love me, Michael?" 

Tama bang itanong ko sa kanya yun? Ewan. Di ko alam. I was so pre-occupied by the thought that he shouted in front of me that it feels like he was too angry. Natahimik sya pagkatapos kong itanong sa kanya. May dapat pa ba akong hihintayin na sagot? 

Nagsmirk ako. "Ang t***** ko naman. Bat ko nga ba tinatanong yun e pinilit lang naman pala kita sa relasyong ito." 

Hinawakan nya ako sa magkabilang balikat ko. "Look Aliehs----" 

"Dapat pala hindi ko na ito itinuloy." naramdaman kong may tumulong luha sa aking pisngi. Pero agad ko naman din iyong pinunasan. "Dapat di kita pinilit eh. Ganito pala kasakit umasa." tiningnan ko sya sa kanyang mga mata. "Kala ko kasi mapapamahal ako sa iyo kung ganitong paraan gagawin ko kahit na alam ko naman sa sarili kong hindi mo naman talaga ako magugustuhan." walang hintong sabi ko habang nagpapakawala ng malalalim na paghinga at payak na ngiti sa kanya. 

Tumayo na ako agad. "Aliehs." tumayo din siya at humarang sa aking harapan. "Just let me exp---" 

"Hindi na kailangan, Michael." nginitian ko sya. "Pasensya na sa istorbo. Sige, uuwi na ako." agad kong pinulot ang aking bag sa may higaan nya at dali-daling lumabas ng kanyang kwarto. 

Plano ko naman talagang galitin siya ngayong araw gamit ang pagiging maingay ko para maging success ang plano ko na naging success naman talaga. Bakit? Seventh day na bukas at tapos ko na din pitong ayaw nya. Wala lang, baka magaya sya dati kay Zealous. Mahirap na at nakakakonsensya pa. Mas madali na din ang makipaghiwalay sa kanya. Yung image thing? Ginawa gawa ko lang naman yun. Di ko naman alam na popular nga talaga sya dito sa school. Mukhang natamaan ko ang ego nya.

Ang sama ko ba? Pasensya na, trabaho lang. Atsaka kailangan ko ding gawin yun dahil baka maya ano. Baka may di dapat mangyari na mangyari. Hayy labo. 

-------tbc---------

Kizses

One Week Relationship With My Crush (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon