OWRw/MC 7

382 9 8
                                    

Goodbye

~~~~~~

Walang pasok, boring. No. Hindi naman sa talagang bored ako at walang magawa. Medyo kinakabahan, as in konti lang. Bakit? Pano ba naman hindi kakakabahan eh nagtext kasi si Michael ng pagka-aga-aga. 

Eto text nya o:

Michael:

Aliehs, go to CHS building when the clock strikes at six o'clock in the evening. I have something to tell you. 

O ayan. Diba kahit ikaw mapapaisip kung ano ang sasabihin ng tao na ganyan ang text sayo? Lalo na pag may ginawa kang hindi tama sa kanya. Pinatatamaan ko lang ang sarili ko, wag kang mag-alala. Di kaya makikipaghiwalay siya sa akin?! Neeh---- Ampangit naman. Dapat ako muna ang makikipagbreak sa kanya. Ako babae eh, lalaki sya. Gentleman.  

----- 

Hapon na pala at malapit nang matapos ang seven days relationship with Michael Taviel de Andrade. Aisshhhh. Kinakabahan ako. Ano kaya ang sasabihin ng lalaking yun? LQ kami kahapon diba? Mas malaki ang porsyento na nagsasabi ang utak ko na makikipaghiwalay sya sa akin. First time kong makakaranas ng ganun. Ang ayawan na ng lalaki. 

Eh kung wag na lang kaya ako pumunta? Itetext ko na lang sya na may nangyari, nagkaemergency kaya di ako makakapunta? Masyadong halata. ang galing naman ng timming kung ganun. Isip. Isip. Isip. Bahala na. 

-------

"Pasensya na, may ginawa lang." sabi ko sa kanya ng makita ko syang nakaupo sa may hagdanan at parang down na down. Talagang hinintay pala nya ako. 

Ngumiti sya sa akin na parang nakakita ng regalo. "Ayos lang. I thought you're not coming anymore." tumayo sya at nilapitan ako. "Halika." hinawakan nya ako sa aking kamay at inalalayan ako. 

"S-saan tayo pupunta?" tanong ko habang naglalakad na kami. 

Huminto sya at hinarap ako. "Basta. Boyfriend mo pa rin ako sa mga oras na ito, kaya trust me." Hindi na ako nakaangal ng pumunta sya sa may likuran ko at suotan ako ng piring. 

Dumoble ang kabang naramdaman ko. Ano kaya ang plano  ni Michael? Bat ganito ang nararamdaman ko? Unti-unti bumibilis ang tibok ng puso ko ng dahil sa kaba. Hindi na normal ang paghinga ko, para akong kakapusin ng oxygen. 

Ba't unti-unti ng hindi nangyayari ang mga pinlano ko? Hindi pumasok sa isip ko ang mga ganitong bagay na pwede palang mangyari. Ang plano ko lang naman ay ang kausapin sya at humingi ng tawad na makikipaghiwalay sa kanya sa gabing ito. 

Pero ano 'to? Ilang minuto ang makalipas ng aming paglalakad ay naramdaman kong huminto kami. Ibig sabihin nakarating na kami sa lugar kung saan, saan nga ba? Wala akong makita, nakapiring ako. Pero ramdam ko ang simoy ng hangin. May naaamoy din akong amoy rose petals, pero may amoy damuhan din. Nasa isang hardin ba kami? 

One Week Relationship With My Crush (Part 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon