Dollhouse/ 3

1K 28 10
                                        

After 3 years......

"Mom sure ka na bang babalik tayo?" Sabi ni Melanie habang nageempake.

"Mom paano na ko? Kapag nawala ka?" Sabi ni Melanie habang pumapatak ang luha.

"Anak lalaban si Mommy okay? Kailangan natin bumalik ng pilipinas hindi lang magpagamot....gusto kong makasama ang Daddy mo bago mawala ang Mommy okay?" Sabi ni Karylle at pinunasan ang luha ng Anak at hinalikan ang noo




8:33 am philippines

"Its nice to be back" bulong ni Karylle ng lumapag na ang airplano. Napabuntong hininga nalang sya at hinawakan ang kamay ni Melanie palabas ang airport.

"Karylle!!!!!!!" Sigaw ng isang babae. Paglingon nya ay nakita nya si Kaye isa sa mga pinakaclose na pinsan nya.

"Mama Kaye!!!" Sigaw ni Melanie at niyakap ito. Mama ang tawag nya dahil sya ang kalaro nito noong bata pa sya ng bahay bahayan minsan kasi ay ang Nanay Nanayan nya sa laro ay si Kaye. Natawa nalang si Karylle dahil halatang miss na miss ni Melanie ang Mama Kaye nya.

"Melanie Cry Baby!!!" Sabi ni Kaye at yumakap sa kay Melanie. Lumapit naman si Karylle at inilagay ang gamit sa kotse ni Kaye.

"Kamusta karylle!" Sabi ng asawa ni Kaye na si Jake. ( Si Paul Jake ) Ngumiti naman ito at kumaway. Sumakay na si Kaye at Melanie. Nasa tabi ni Karylle si Melanie habang si Kaye ay nasa harap katabi ni Jake.

"Karylle saan ko kayo uuwi?" Sabi ni Kaye at lumingon sa kanila.

"Sa dating bahay namin" nagulat naman si Kaye sa sinabi ni Karylle dahil alam nya ang nangyari sa mag asawa.

Nang makarating sila ay lumabas na sila Karylle at Melanie. Binuhat nila ang maleta nila at Kumatok sa bahay.

"Troye! Open the door!" Sigaw ni Vice dahil naliligo ito. Tumigil naman sa pagluluto ng umagahan si Troye at binuksan. Nagulat sya ng makita ang ina. Niyakap nya ito at naiyak. Umalis sya sa yakap at niyakap si Melanie.

"Anak sino ba ya....." naputol ang sasabihin ni Vice ng makita si Karylle. Ngumiti si Karylle sakanya sadly. Si Vice naman ay dali daling niyakap si Karylle. Naiyak naman si Karylle dahil naramdaman nya ulit ang yakap ng Asawa.

"Karylle....Please wag mo na kong iwan ha? I'm sorry i love you... i love you" sabi ni Vice at hinalik halikan ang labi ni Karylle. Si Melanie at troye naman ay tinignan lang sila at napangiti. Tumango naman si Karylle.

"Uhmmm Dad, Mom sorry to make basag of your trip but we need to eat because i'm already done cooking breakfast" sabi ni Troye at umakbay kay Vice at Karylle.

Nang matapos silang kumain ay napagdesisyunan ni Melanie at Troye maglaro ng xbox tulad ng ginawa nila noon. Napagdesisyunan narin ni Karylle na sabihin kay Vice ang isa pang rason kung bakit sila umuwi.

"Vice? Can we talk privately?" Sabi ni Karylle. Tumango naman si Vice at pumasok sa kwarto nila.

"Vice....." sabi ni Karylle at yumuko. Nagalala naman si Vice at hinawakan ang kamay ni Karylle.

"Love why? Bakit?" Nagalalang sabi ni Vice at inupo si Karylle sa higaan.

"May cancer ako Vice...."

"Ka...karylle hindi magandang biro yan" sabi ni Vice at tumayo.

"Vice stage 3 vice! Pumunta ako rito para makasama ka! Dahil di ko na kaya Vice!" Sigaw ni Karylle. Naiyak si Vice at lumuhod sa harap ni Karylle.

"Bakit ngayon mo lang sinabi....Karylle naman bakit? Bakit di ka bumalik kaagad karylle di ko kayang mawala ka" naluluhang sambit ni Vice.

"Vice i'm so sorry.....Na...nasaktan lang ako.... Di ko pa kinaya bumalik vice" sabi ni Karylle.

"Love....could you please...don't leave me....I ju..just can't" umiiyak na sabi ni Vice.

"I'll try my love"








"Love saan mo gusto pumunta?" Tanong ni Vice habang hawak hawak ang kamay ni Karylle na kasalukuyang nakahiga sa kwarto nila.

"Gu...gusto ko pum...pumunta ku..kung sa...saan ta..tayo un..unang na..nagkita"

Tumango naman si Vice at pintayo si Karylle ng dahan dahan. Binihisan nya ito ng Blue and White dress and blue shoes. Nagsuot rin si Vice ng blue v-neck shirt and white pants. Sinabihan nya narin si Melanie at Troye na magbihis. Nagbihis rin ang dalawa ng white and blue. Si Melanie ay naka white top and blue high waisted shorts. Nagsuot rin si Melanie ng blue kimono with white roses. Nagsuot nalang rin sya ng blue boots. Si Troye naman ay naka White v-neck and blue pants.

Bago lumabas at sumakay sa kotse ay nagpicture muna sila gamit ang instax ni Melanie. Pagkatapos ay sumakay na sila sa kotse at pumunta sa park kung saan una nagkakilala ang dalawa. Nang makarating ay umupo si Vice at karylle sa bench. Habang inaayos ni Vice ang oxygen nito bumili muna ng cotton candy si Melanie at Troye.

Nang matapos bumili si Melanie at Troye ay umupo na sila sa bench at tumabi narin si Vice. Kumuha ulit sila ng litrato.

"Ma..mahal inaantok na a..ako" sabi ni Karylle. Tumango naman si Vice kaya inihiga nya si Karylle sa lap nya.

"Ma..mahal na ma..hal ko.. kayo" sambit ni Karylle bago unti unting pumikit ang mga mata nya.

"I love you too mahal" sabi ni Vice bago halikan ang noo ni Karylle at pumatak ang kanyang mga luha.













"Mahal kamusta kana? Tignan mo nga naman oh! Mga pangarap natin buo na! Si Melanie isa na syang sikat na singer. Si Troye is nang magaling photographer. Ako? Isa na ko sa taong pinakaswerte na makilala ka. Mahal na mahal kita. Pasensya ka na sa mga mali ko noon. Alam ko malaki ang kasalanan ko pero pinatawad mo ko. Isa kang anghel karylle. Di ko alam kung ano ginawa noon. Di ko alam kung deserve ba kita makuha kasi kahit sobrang gago ko. Mahal mo parin ako" naluluhang sabi ni Vice hawak hawak ang tomb ni Karylle.

"Dad....You loved mom....and that's why you deserve to be loved by us.." sabi ni Troye at inakbayan ang daddy nya.

"Yah dad! Don't cry! Mom will cry too" sabi ni Melanie at niyakap ang Daddy nya.

"Kayo talaga!" Natatawang sabi ni Vice at pinunsan na ang luha nya. Kinuha nya ang heart na box. Ang laman noon ay first album ni Melanie na crybaby.....unang litrato na kinuha ni Troye noong 10 years old sya na silang dalawa ni Vice at isang singsing na ibinigay ni Vice noong bata pa sila......at ang kanilang huling litrato kasama si Karylle.
















"Dad! Wake up!" Nagising naman si Vice at nakitang nasa kwarto sya.

"Ha...huh?" Sabi nito na tila nagtataka.

"Dad! Come on hinihintay ka na ni Troye at mom sa baba! Kakain na!" Sabi ni Melanie.

"Panaginip lang lahat?" Sabi ni Vice

"Psh! Dad come on! Gutom na si Mom! Alam mo naman sya kapag buntis diba!" Sabi ni Melanie at nag cross arms.










"Karylle!!! Mahal!!! Good Morning Baby ko!" Sabi ni Vice at hinalikan ang labi ni Karylle at ang tyan nito.

"Viceral! Nababaliw ka nanaman!" Sabi ni Karylle at kumain ng waffles. Ngumiti nalang ang asawa at kiniss ang cheeks ni Karylle.







"Mahal i need to go to sleep na buhat mo ko!" Nakapout na sambit ni Karylle. Wala naman choice si Vice at dinala sya sa kwarto.

Hiniga nya ito at pinalitan ang damit ng matapos at humiga narin sya sa tabi.

"I love you mahal..." bulong ni Vice

"I love you too love" sagot ni Karylle at sabay na silang nakatulog







The End

.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Finally tapos ko na toh 💕
Hahaha! Sorry late !!! 😔😔😔
May ginagawa po akong masakit nanamang one shot sorry hihi 😂
Comment po kayo para ganahan si Author 😂😂😂 geh vavu!

Once Upon A Vicerylle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon