Butterfly

824 18 1
                                    

Wahhhhh first time na gumawa ng horror!!!

Di masyadong nakakatakot hehehe pero i'll try mag horror may nagrequest kasi.

Maikli lang ulit sorry ✌✌

Hi Anonymous Girl 👐 😂

Game?

Comment kayo ng request na kwento hihi ^__^

Warning: Corny po ito ✌

~~~~~~~~~~~~

March 22 2015

Kaarawan ng Nobya ni Vice

Nagising nang nakangiti si Vice dahil alam nyang kaarawan ng nobya nyang si Karylle. Nakangiti itong nagbihis at lumabas ng condo. Kinuha nya ang cake na ginawa nya kagabi at nilagay sa table. Alam nya kasing pupunta si Karylle sa condo nya maya maya. Hangang sa naisipan nyang uminom. Gumawa sya ng kape at nilapag sa lamesa. Umupo sya sa upuan at nag browse muna ng cellphone. Hangang sa nakaramdam sya na maiihi sya kaya pumunta muna sya sa banyo.

Habang nasa banyo ay biglang may Itim na pigura ang dumating sa kusina nya. Babae ito mahaba ang buhok, Mahaba ang kuko, Mamula mula ang mata, Naka itim bestida at May dugo dugo sa katawan at ulo. May mga sugat rin ito sa braso at ulo. May nilagay syang itim na likido sa inumin ni Vice at lumisan ng makitang bumukas ang banyo. Umupo si Vice sa upuan at sinimulang inumin ang kape. Hangang sa nakaramdam sya ng pagkahilo at biglang nakatulog. Napangiti naman ang itim na babae.

Binuhat nya si Vice at hiniga ito sa higaan nya. Tinali nya ito at kinuha ang mga kutsilyo at gunting. Nilagay nya ito sa lamesa sa tabi ni Vice. Lumapit ito kay Vice at nag trace sa mukha nito gamit ang mahahabang kuko nya. Hinubad nya ang damit ni Vice na pangitaas.  Hangang sa may narinig syang pagbukas ng pinto. Umikot naman ang ulo nya at nakita si Karylle may hawak na mga libro. Nabitawan ito ni Karylle at napasigaw ng makita nya ang babae at si Vice na nakatali.

"Si...sino ka?" Nanginginig na wika ni Karylle. Naatras ito ng lakad dahil lumalapit ang babae sakanya.

"Dapat ako ang nagtanong sayo nyan...Sino ka? At anong ginagawa mo dito." Sabi ng babae at unti unting nalapit kay Karylle.

"Gi..girlfriend ako ni Vi..vice ba..bakit?" Sabi ni Karylle. Nakaramdam naman ito lalo ng takot ng maramdaman nya ang pader.

"Hmmmm alam mo ba na...."

"Ako ang fiańce ni Vice?" Bulong ng multo kay karylle. Lalo naman itong natakot dahil sa pagbulong ng babae. Inangat nya naman si Karylle gamit ang powers nya. Nagising naman bigla si Vice at nagulat sa nakita. Nasa ere  si Karylle umiiyak  habang ang babae ay unti unting umiikot ang ulo at tumingin sa kanya.

"Oh? Love gising ka na? Ready ka na ba makitang mamatay ang hadlang sa pagibig natin?"  Malambing na wika ng babae.

"Sa..sandy? Bitawan mo syaa" sabi ni Vice at sinusubukang tanggalin ang tali.

"Bakit? Vice!? Mahal mo ba sya ha!?" Sabi ni Sandy at nilapit ang kutsilyo malapit sa leeg ni karylle. Nakalutang rin sa ere gamit ang kamay nya.

"Oo sandy mahal ko sya! Matagal na kitang hindi mahal! Sandy iniwan kita dahil mas gusto ko sya! At mas gusto ka ni Kuya!"

"HINDI!!!!" Sigaw ni Sandy kaya nagtalsikan ang mga upuan at lamesa.

"Ayoko kay Peter!!! Sayo lang ako. Tangina! Ikaw! Ikaw ang may kasalanan kung bakit ako iniwan ni Vice kaya kailangan mong mamatay!!!" Sabi ni Sandy habang nakaturo kay Karylle. Natakot naman lalo si Karylle dahik unti unting nalapit ang kutsilyo sa leeg nya. Hanggang sa natulak ni Vice si sandy.

Once Upon A Vicerylle Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon