Tahimik lang si ron habang nakahiga at nakatitig sa itaas ng kwarto nya,
"Kung ano man 'tong ginagawa mo,ngayon palang sasabihin ko na sayo.hindi kita gusto!"
"Kung ano man 'tong ginagawa mo,ngayon palang sasabihin ko na sayo,hindi kita gusto!"
"Kung ano man 'tong ginagawa mo,ngayon palang sasabihin ko na sayo,hindi kita gusto!"
"Arghhhhhhhhh!"napasigaw sya sabay bato ng mga unan sa kung saan-saan,napaupo sya sabay iyak at lagay ng ulo sa pagitan ng mga hita
"Ano bang mali sakin?!,bakit ayaw nya sakin!?,".paulit-ulit nyang bigkas,nakarinig sya ng pagkatok sa pinto
"Anak,si mama mo ito,may problema ba?".boses ni sab iyon pero hindi pinansin ito ni ron habang sige sa pag-iyak,pumasok nalang si sab sabay upo sa tabi ng anak
"Ron anong problema?sabihin mo handa akong makinig,you know mom is aways here to be your crying shoulder diba?I will listen kahit mahaba"..nakangiting sabi ni sab
Nag-angat si ron ng muka,basang-basa ang pisngi nito ng luha kaya alam ni sab na matindi ang pinagdadaanan ng anak
"Ma,ganito pala kasakit kapag yung taong gusto mo na mismo ang nagpahiwatig o nagsabing wala kang pag-asa o walang chansang mahalin ka nya,nasasaktan po ako!",,sabi ni ron habang sige lang sa pag-iyak,naawa si sab sa anak dahil first time nitong magkaganun
"Anak,lahat ng tao kapag nagmamahal ng totoo dumadaan talaga sa ganyang state,ganyan din ako dati nung nakipag-hiwalay sakin ang daddy mo,napakasakit,pero anak naging matapang ako,kinaya ko ang lahat,inisip kong natural lang ang ganito at mawawala rin,oo nung una hindi naging madali para sakin ang gumising sa bawat umaga na malungkot at maisip na wala na kayo nung taong mahal mo,pero sa kabilang banda,nagdasal ako,ipinaubaya ko sa diyos ang lahat at dahil may mga mapagmahal akong magulang at kaibigan ay nakaya ko,and then ayun,bumalik sakin ang daddy mo".mahabang paliwanag ni sab
"Kahit madalas magsungit ang daddy mo,strikto,seloso medyo may sa-halimaw,mahal na mahal ko sya,kaya ikaw,iiyak mo yan at pagkatapos lalakas ka,kung mahal mo talaga yung taong yun,wag mo syang susukuan,malay mo magbunga ang pagod mo"
"Salamat ma,promise po magiging malakas ako,hindi ako susuko sakanya kahit ilang beses nya kong pagtabuyan!",ani ni ron sabay ngiti at pahid sa luha,nagyakapan sila ng mama nya
"Mother and son talk show huh!".napatingin sila sa pinto at nakita roon ang kararating lang na si sky,nakasandal ito sa pinto at nakahalukipkip pa,inaya sya ni sab na pumunta sa loob kaya pumayag ito,naupo sya sa tabi ni ron pero bago iyon ay hinalikan nya muna ang asawa sa labi,
"Mukang may problema ang bunsong anak ko ah!what is it?",nakangising sabi ni sky
"Brokenhearted is one of the reason,go talk to him."ani sab
"Gusto mo bang tulungan kita sakanya?i mean naisip ko lang,i'll contribute para magustuhan ka nya what you think,?!"
Napangiti si ron,"Talaga dad?!you'll help me?"
Tumango ito ng sunod-sunod,.."Yes and i have a big solution to your problem so get yourself ready!"
Nagtawanan na ang mag-ama habang poker face lang si sab sa tabi
"Bakit pakiramdam ko nagsisisi akong ipaubaya 'tong anak ko sa ama nyang halimaw!?"
**********************************************
Nakatayo si sky at ron sa harap ng bahay nila sarah,nakatitig pa sila roon
"Is this sarah's house?",tanong ni sky,tumango lang si ron habang kinakabahan
"She s rich too,",aniya,hinanda na nila ang mga gagamitin,nag-senyasan na sila at maya-maya pa ay nagsimula ng kumanta si ron habang naggigitara ang ama nya
Hindi ko man maamin,na ikaw ay mahalaga saakin
Hindi ko man maisip,sa pagtulog ikaw ang panaginip
Malabo man ang aking pag-iisip sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdaminAko'y alipin mo kahit hindi batid
Aaminin ko minsan ako'y manhid,sana ay iyong naririnig
Sa 'yong yakap ako'y nasasabik.~~~Ayoko sa iba,sayo ako'y hindi magsasawa
Ano man ang 'yong sabihin,umasa kang ito ay diringgin
Madalas man na parang aso at puso hindi sa piling mo ako ay masayaHindi nila namalayan na nagsisilabasan na ang mga kapitbahay nila sarah,napatingin sila sa bintana at halos magulat si sarah na makita si ron doon na kumakanta,natawa sya lalo na ng dumugin at pagkaguluhan na ang ama nito ng napakaraming kapitbahay
BINABASA MO ANG
Inlove Si Siga(MCH series#1)
Разное=SIGA= isang salitang nakadikit na sa kanyang katauhan,,isang salita na tamang-tama sa personalidad ng isang Ron Monteclaro Hindi nya pinalalagpas ang kahit ano lalo na kung patungkol sa away.. kung hindi sya kasama o sangkot ay sya naman ang pasimu...