chapter vi: ulam

11 0 0
                                    

Matt's Pov

"Ano na sabog ka baks?" sabi ni Gerome at kinakalabit ako.

Hindi naman ako sabog marami lang iniisip, nagfi feeling stress, boring kasi, kunware stress ganon. Masyado akong maganda, kaya ginagawa ko talagang mag mukhang stress.

"Mukha lang pero hindi talaga" sagot ko.

Totoo, stress po talaga ako. Wala talaga akong maisip para sa project namin, alam niyo yun. Di ko alam kung anong klase ang gagawin ko.

Yung gusto kong magpa impress kay Kenth, kasi iyon nalang ang tanging paraan para mapa sa akin siya, chos. Ang harot?

Hindi wala talaga akong maisip kasi yung utak ko naka sarado siya parang ang gaan.

Kasalukuyan kaming magla-lunch dahil gutom narin ako. Kasi kanina nga di kami nakapag recess pero di naman gaano akong gutom dahil kanin lang talaga ang kulang kanina, kasi yung ulam nasa harap ko na.

Pero kailangan ko na talaga ng totoong pagkain, dahil feeling ko sa hiling dalawang subjects namin ay halos wala talaga akong naiintindihan, as if may naiintindihan talaga.

"Ang bagal naman mag serve niyan" rinig kong banggit ni Pamela sa likod.

"Maghintay ka lang, patience is a virtue" sabi ni Gerome.

"Because good things will come for those who can wait" sabi ko naman. Aagawan na po namin ng trono si Pamela na Hugotera Gurl ng Makati.

"Pero paano kung naghihintay ka sa wala, anong good doon? Maganda ba na maghintay at panghawakan ang bagay na wala namang kasiguraduhan na darating sayo?" isang makabagbag damdamin na linya nanaman ng Gurl Hugotera.

"Baks, retreat na, defending champion parin" sabi ni Gerome.

Akala namin na wala ng maibabanat tong si Pamela, pero andami niya pala talagang dala. Package teh.

"Akala niyo maagaw niyo ang kampyonato sa babaeng 'to?" si Lucy naman.

"Wala naman kaming balak eh" sagot ko "Kailanman di ako nagbalak na mang agaw, dahil kahit agawin ko, di rin mapapasakin"

Sagot ko at ngumiti ng mapakla. Pang best actress na talaga, wala ka ngayon Angel Locsin!

"Ano ba yan, ang lungkot na nga ng langit pati ba naman ang mga sagutan niyo ganyan parin?" si Hailey, na nasa huli samin.

"Mood setter kasi ang ulan, nasimulan ng malungkot eh" sabi ni Pamela.

"Tama na talak, ikaw na sunod Pamela" si Hailey.

Ayan na after subukin ang patience namin ay sa wakas naabot din namin ang goal namin. Ang maka-lafang.

Kung pare parehas kaming taste sa mga pogi, syempre pati pagkain din no! Kami ay nag shawarma rice at isang coffee crumble pearl shake.

Syempre di kami mauubusan ng mauupuan ay naka hanap kami agad ng lugar.

"Ah yes lafang na mga bakla" si Gerome.

Tahimik kami sa pagkain, dahil nagpapa refill nga kami, parang ganon, kasi mamaya ay tatalak nanaman kami. Pag humihinto ay matutulala ako sa kawalan, dahil doon naman patungo ang lovelife ko, sa kawalan.

Matapos ang bakbakan.

"Ok na, magagawa ko na ang mga bagay na di ko nagagawa noon" sabi ni Gerome.

"Ang di humarot, kaya mo ba?" si Hailey.

"Joke lang yun ano ba" si Gerome.

Ayun natapos kami at umakyat sa floor namin. Oo may sahig talaga kami. Di namin nakakasabay sila Kenth these past few days (turay ni bakla, umeenglish ka na?) na dahilan kung bakit parang mas nagiging malabo ang salitang 'kami' sa hangin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Baklaan Chronicles | on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon