Chapter iv: so, ano na?

10 0 0
                                    

Matt's POV

"You may now take your recess" sabi ni Miss. Natayo na kami dahil buryong na kami. Kanina pa kami naka upo at wala pa kaming napag uusapan. Wala kaming chika ngayon.

Tumayo ang lahat at yung ibang transferees ay may mga friends na! Bongga ang galing naman, next week iba nanaman yan.

Nagtayuan kami at dumiretso sa hallway.

"Grabe na flat yung pwet ko doon teh" si Gerome at nag uunat unat pa.

"Kahit magdamag ka pang umupo doon bakla, flat talaga yan" saad ko.

"Hayaan mo na nga para terno din sa dibdib" sabi niya.

Naglakad na kami sa hallway at ayun kanya kanyang lakad.

"Di ba natin hihintayin sila Kenth?" si Pamela.

Simula kanina di nawala sa isip ko si Kenth, gusto ko talaga siya lingunin kanina kaso syempre baka mahalata niya. Sabihin niya may sapak ako, may lahing kwago, ikot ikot ulo.

Tsaka yung sinabi niya talaga, wala pa akong official na nararamdaman sa mga sinabi niya. Diba siya nag si-sync in. Ganoon ba talaga.

Ayun na nga, alam naming dapat isabay talaga sila Kenth sa amin, dahil ganoon naman talaga. Kaso ayoko lang talaga lumapit sa kanya. Na awkwardan ako, feeling ko hahalikan ko siya pag napalapit ako.

Ayoko lang na lapitan niya ako at humingi ng tips tungkol sa panliligaw niya. Sa tingin ko kahit di niya naman ligawan si Kyla, sasagutin na siya. Ganoon ba siya talaga ka sweet? Kasi andito lang naman ako naghihintay.

Ang drama ko no? Wala akong blade eh.

"Ah sasabay ba sila?" sabi ko.

Napatingin naman sila sa akin. Napangiwi ang mga bakla.

"Ay taray teh, nagbreak kayo?" si Lucy.

"There was never an us" mariin na sabi ko. Alam ko, di 'to orihinal na sakin pero ramdam ko ang ibig sabihin eh.

"And There will never be an you and him" si Pamela.

Sakit nun ah. Ipamukha ba naman na 'There will never be an us' talaga. Masakit iyon. Nagmamahal lang.

Humarap bigla si Hailey kay Gerome kaya alam ko may gagawing kalokohan 'tong babaeng 'to.

"Ano ba Tonyo!" ginaya ni Hailey si Sarah, short hair din siya kaso bagsak na bagsak lang yung kanya "Please 'wag mo na akong landiin"

"Ay winner" si Lucy at nakipag apir kay Hailey.

"Mang Tonyo" madramang sabi ko at kinapitan si Gerome. "Please wag ako"

"Kadiri ka bakla, maka Mang Tonyo ka! Mas mukha ka pa ngang kargador" si Gerome.

Bakit ganoon ang sakit ma real talk. Kaya ayoko talaga sa lahat ay yung honesty eh. Kasi araw araw ka lang masasaktan sa mga katotohanang nalalaman mo.

Lalo na kung sabihan kang mukhang kargador.

"Ano ba, wag mo na ipaala, kinakalimutan ko na nga eh" sabi ko.

"Oh Kenth!" sigaw ni Gerome.

Mas inipit ko si Gerome, lecheflan naman oh.

"Um?" si Kenth.

Alam niyo yung simpleng pag taas niya lang ng kilay, nakaka good vibes na. Kayang busugin ang 100 bata. Ganoon ka mabubusog.

"Sasabay ba kayo?" si Gerome.

Nakatingin narin ako sa kaniya. May parte sa akin na gusto ko, dahil symepre si Kenth yun diba? Kasabay mo kumain. Kanin nalang talaga oorderin mo kasi ulam na talaga.

The Baklaan Chronicles | on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon