Chapter ii : ah okay?

15 0 4
                                    

Matt's POV

"Oy anong ganap mo diyan bakla? Emotera ka na ngayon?" sigaw ni Gerome.

Magkatabi lang kasi kami at grabe kung maka sigaw.

"Grabe ka naman makasigaw, ang lapit ko lang oh? Mahiya ka naman, wag kang maging barker dito" sambit ko.

"Maka barker naman to, sige, sinong mas mukhang barker saten?" tanong niya.

"Ako" sabi ko "Manong barker hahaha" natatawang sabi ko. Tapos nagtawanan din sila.

"Di ko matatangap ang sinabi mo! Ang bad mo!" pagpapakyut ni bakla.

"Bat di mo matanggap na barker ka"

"Hinde! Di ko matanggap na tinawag mo akong manong! Dapat mestisa! Nasaan ang hustisya!"

"Feel na feel mo naman na babae ka, eh wala ka namang afem" sabi ni baklang Hailey at nagtawanan kaming lahat.

"Pasalamat ka mahaba buhok mo, wala akong masabi" pormal na sabi ni Gerome at napahawak sa dibdib niya.

"Pero bakit ka nga ba sabog, Matt?" tanong ni Pamela. "Kanina ka pa ah? Okay ka lang ba?"

"Oo naman no!" sambit ko.

Nandito kami ngayon sa Mcdo sa SM. Kaya nakakapagusap kami ng ganto, inaantay nalang namin yung chicken kaya di pa kami maka simula ng lafang. Lima lima kaming nasa table.

Dalawang table ang sakop namin. Nasa malayong parte ang iba.

Ganto ang ayos namin.

Lucy- Pamela
----Table--- Hailey
Ako- Gerome

Tapos sa kabila ganto.

Kenth-Asthton
----TABLE--- Sed
Kyla- Cyriel

Kaya kung bakit tinatanong nila kung ayos lang ako, syempre hinde. Magkaharap kaya silang dalawa no?

Napaikot ikot ang tingin ni Hailey at tumingin sa akin at ngumiting aso.

"Ah kaya naman pala" sabi ni Hailey at kinuha ang kanyang bag, may kutob din siya na may gusto si Kenth kay Kyla. Syempre bago nakarating sa akin yung hinala niya noon, nakaabot na 'to sa kanila Pamela, Gerome, Hailey at Lucy. Tapos ng matapos ang school year last year, mas lumakas ang kutob ko na meron nga. Leche kasing kutob na yan, nakaka stress.

Mukhang nakahalata naman ang lahat. Actually kaming lima lang ang nakakaalam ng sikreto ko. Kaming lima kasi talaga ang pinaka close at silang lima sa kabila ang close. Pero di ko alam kung bakit pa kami naging magka tropa, eh di sana nagsarili narin sila.

"Wag na kasing umasa bakla" sabi naman zni Lucy.

"Leche kayo, kailangan ko ng suporta" sabi ko.

"Basta friend, wag kang ma fall diyan ah" napaka sincere na pagkakasabi naman ni Pamela. Naramdaman ko ang pagiging mabait niya doob "Kasi di talaga kayo bagay"

(;一_一)

"Wow taray ah, gumaan talaga yung loob ko" sabi ko.

"Hayaan mo na nga yan, bakit mo ba pinoproblema yan, nagpunta tayo sa mall para magsaya hindi para magmukmok, cheer up girl, di sila magkakatuluyan" sabat naman ni Lucy.

Nanlakihan ang mata namin dahil sa makabagbag damdaming speech ni baklang Lucy.

"Ay bongga! Bet ko yan!" masiglang sigaw ni Hailey.

Sa di kalayuan ay natanaw na namin ang mga manok. Lumapit yung staff samen at grabe ang titig ni Pamela. Sabagay pogi naman si Kuya. Pero di ko siya bet.

The Baklaan Chronicles | on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon