Chapter v: manhole

16 0 0
                                    

Matt's POV

"Magdala ka ng payong, uulan daw!" sigaw ni Ate bago siya umalis.

Kakatapos ko lang maligo at siguro sinadya niya talaga na iwan ako, ayaw niya talaga akong kasabay. Wala tuloy libreng sakay.

Nagayos ako ng konte, tapos umalis na. Yung payong din syempre dala ko. Baka nga umulan.

Ang dilim ng langit, parang gabi, pero umaga, basta madilim ngayon.

Naglakad ako sa sakayan ng violet na tryc. Wala pa namang pila kaya solo muna ako rito. Di ko maimagine na halos apat na taon na akong sumasakay dito. Wala bang awards night dito?

Nakiki cooperate naman ang lahat, ang langit dahil di pa umuulan, ang mga tao dahil may mga sumakay agad at ang driver. Na hindi gahaman sa pera na kakaupo mo palang hindi agad hinihingi ang bayad.

Feel na feel ko ang hangin dahil ako ang pambungad.

Nang makababa na sa dapat babaan. Na mga kalahating kilometro ang layo sa aking eskwelahan. Na minsan nakakatuwa at ngayon nakakainis.

Naglalakad ako papuntang school at nahalata ko na wala pa pala akong sinasabi sa chapter na 'to.

"Hay" sabi ko. Ayan sa wakas meron na.

Habang eto palakad lakad biglang may tumutulo akala ko laway ko lang yun pero di naman ako nagsasalita.

Umaambon?

Kinuha ko agad ang payong. Habang patagal ng patagal, umulan na.

Di naman malakas pero ulan siya hindi ambon. Wala namang hangin. Wet look na agad ako pangalawang linggo palang. Grabe naman.

Napatigil ako dahil may nakita ako, kasi may mata ako.

Nakita ko si Kenth na naka silong sa may isang tolda. Kawawa naman.

Parang ang lalim ng iniisip niya, nakabagsak nga ang buhok niya na mas lalong nagbibigay ng cold personality na nagbe-blend sa malamig na panahon.

Syempre, di na nagdalawang isip na ang bakla. Lumapit ako.

"Oi Kenth" sabi ko.

Inangat niya ang tingin sa akin at ngumiti ng konti lang.

"Oh Matt" sabi niya.

"Wala kang payong?" sabi ko. Malamang bakla wala yang payong, kaya nga sumilong siya dito. Ang shungabells mo.

"Hehe wala eh" sabi nito.

"Sabay ka na, parang mamayang lunch pa titigil tong ulan" sabi ko.

"Sabi mo yan ah" nakangiting banggit niya.

"Oo nga" sabi ko.

Ang landi ko no? Hayaan mo na, ang tadhana na ang gumawa ng paraan.

Sumilong na siya sa payong at parehad kami. Buti kasya tatlong tao sa payong ko, kaya di kami mababasa.

"Kahapon di kita nakausap" paninimula ni Kenth.

"Ah oo nga eh, di ka kasi namamansin, snob ka" asar ko.

"Hindi ah, ikaw nga iyon eh" sambit niya.

Hay nako ampogi mo talaga Kenth.

"Ay nako, nabansagan ka ngang ice prince dahil sa pagiging snob mo eh" dagdag ko.

"Malay ko ba, baka kasi ayaw mo akong kausapin" sabi niya.

Sino bang ayaw kumausap sayo? Kahit sino magpapa bangga para lang maka usap ka at sa tingin mo aayaw ako doon. Syempre hindi no!

The Baklaan Chronicles | on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon