chapter iii- mars!

17 0 0
                                    

Matt's POV

'TUBIG AT LANGIS, IDARANG MAN SA INIT DI RIN TATAMI-'

Napabalikwas ako sa alarm ko. Jusko! Siguro kailangan ko na bawas bawasan ang pagkakape dahil grabe na ako magulat.

Bumangon ako sa higaan na may halong excitement at puyat. Feeling tatlong kilo na ang mata ko dahil sa antok. Pero di ko maikakaila ang excitement ngayon.

First Day maging Fourth Year.

Agad akong nagtungo sa C.R. at tinignan ang sarili ko sa salamin. Ang ganda ko talaga-kung babawasan ang mga polka sa mukha.

Mabilis ang aking pagligo at pagbihis kaya humantong na magkasabay kami ni Ate sa hapag. Bibihira na lang kami magkasabay ni baklang 'to. Kasi maagang aalis at gabing uuwi.

"Oh ang aga mo ata!" sabi ni Ate habang hinahanda ang almusal.

"Ngayon lang to 'te" sambit ko. "Pakikuha mo na nga rin ako ateng"

"Ano ka, lumpo?" akala ko good mood "Kumuha ka diyan"

"Kada linggo ba dinudugo ka, ang sungit mo!" sabi ko sa kanya.

"Sira!" sabi niya at hinambalos ako ng kamay niya. Lecheflan 'to. Mashaket.

Tinignan ko ang almusal namin. Kanin at longganisa at itlog.

"Ay bongga longkalog!" sabi ko. Combination ng Longganisa- Kanin- Itlog.

"Longkalog with feelings" sabi ni Ate.

Tumungo ako sa hapag.

"Oi, si mader gising na ba?" tanong ko sa kanya.

"Sweet dreams pa" sabi ni Ate.

Kumain kami ng tahimik. Kakaiba ang feeling na makasabay ulit si Ate sa hapag, kakaiba lang.

Masyado kasing huwaran ang lola niyo. Fourth year college sa kursong engineering at isang barista sa coffee shop sa hapon.

Ako ni wala sa isip ko o nagbalak mag working student dahil wala lang. Nakakatamad kaya. Dahil sa sobrang sipag netong babaeng to, nabigyan siya ng kotse. Sabi pa ni Pader, responsable ka na at kaya mo na gumawa nang matalinong desisyon. Akala ko nga pinapalayas na si Ate nun eh, kotse pala ibibigay. Kaloka.

"Sasabay ka ba sa akin?"biglang tanong ni Ate habang ngumunguya ng longganisa.

"Sige ba" sabi ko. Sayang din kasi yung pamasahe sa tricycle. Tsaka bibihira lang yan magyaya sumakay sa kotse niya.

Simula nung binigay sa kanya yung kotse, tatlong beses palang ako nakasakay. Pang apat na yung mamaya. Yung isa sa tatlong beses na iyon ay iniyakan ko pa siya para pasakayin niya ako.

Natapos kaming kumain at nagkusa ako na maghugas. Para sure na talaga ang pagsakay ko sa kotse niya.

Natapos naman agad dahil dadalawang pinggan lang naman iyon. Dumiretso agad ako sa kwarto at kinuha ang mga gamit ko.

"Cente, paalam na tayo kay Mader" sabi ni Ate at nagtungo sa kwarto nila ni Pader. Cente ang palayaw ko sa bahay, kahit mabaho ang name, nasanay na ako eh.

Para kaming ninja sa pagbukas ng pinto.

"Ma, gorabells na kami" sabi namin kay Mader at tumango naman siya.

Pagbaba namin at diretso sa garahe. Nakita namin si Aling Eba- ang maskulada naming labandera, binati namin siya at nakisuyo na pasara ng gate pag alis namin.

Sumakay kami sa kotse ni Ate.

"Taray amoy bagong bago" sabi ko.

"Syempre alagang alaga ko tong si Lemon" nakangiting sabi niya. Pangalan ng kotse niya ay lemon, eh kulay blue ang kotse niya.

The Baklaan Chronicles | on-goingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon