RLT 11: 'Bakit hindi ka crush ng crush mo?'

567 4 3
                                    

There's always something or someone that you have always wanted but you could never have. Nakakainis mang aminin, this post is for my crush :| hahaha.

Let's call him John (first common name na naisip ko. sorry. haha). John is my blockmate and has always been my crush since I entered college. (I'm second year college now) He is smart, tall, good in almost every ball sport (seryoso, he plays good! Especially Basketball and Table Tennis! I'm not bluffing. ), maloko, nagpupursigi sa pag-aaral and the best one, He is God-fearing. 'Yung final trait niya talaga 'yung parang naging switch para magkagusto ako sa kanya. Bilib kasi talaga ako sa mga lalaking ang lakas ng tiwala sa Diyos. Btw, sobrang bihira lang siya magmura.

Isa pa siguro sa dahilan kung bakit ko siya nagustuhan ay sa tuwing nagkakasama kami, sobrang saya ko lagi. Hindi dahil sa crush ko siya ah. Nakakatuwa lang talaga yung mga simpleng banat niya, na minsan kahit corny, matatawa ka na lang din.

Sa sobrang maloko ni John, hindi niya ako tinitigilan sa pang-aasar. Basta may maka-close akong lalaki, aasarin niya na sakin 'yun. Hindi siya titigil hanggang ako na 'yung susuko na lang at o-oo na lang sa pang-aasar niya. Nakakalungkot nga minsan eh, inaasar ka ng crush mo sa iba. Ang hirap pa kasi 'yung inaasar niya sa'yo, kabarkada niya. Hay ang saya.

Ilang beses ko na nga palang diretsahang sinasabi sa mga tao na may gusto ako kay John pero walang naniniwala. Kahit nga siya, narinig niya mismo sa bibig ko, pero hindi siya naniniwala.

Lampas isang taon ko na siyang crush, pero 'di pa rin ako bumibitaw. True, nagkaroon ako ng crush sa iba once on a while, pero kay John pa rin bumabalik. Minsan nga, pag hindi niya ako inaasar, napapaisip ako na puwede kayang magkagusto sakin ang taong 'to? SIyempre sa isip ko, oo yung laging sagot. Sa isip ko lang naman eh. Pagbigyan na.

Until last week, may nangyari. Pinagtabi kami ng barkada. Nag-aasaran na kaming lahat. Lahat nakausap ko, except siya. Sinubukan kong magsimula ng conversation pero wala eh, it died right away. Sobrang awkward tuloy.

Sobrang tagal ko ng ipinipilit na posible 'yung samin ni John, na posibleng magkagusto sakin 'yung crush ko. kaso wala eh. Bukod sa hindi ako tipo ni John (aminado akong boyish ako, hindi pinakamabait, hindi sobrang girly, magaslaw kumilos, nagmumura), wala na akong maisip. hahaha. Pero naisip ko rin na kaya nga siguro imposibleng magkaroon ng 'kami' kasi wala kaming mapag-usapan unless inaasar niya ako. Alangan namang asarin niya na lang ako forever, 'di ba?

Isa pang pangyayari: nasa library kami. Hawak ko 'yung iPhone ng kaibigan ko, nasa katapat kong seat si John. Nagttweet lang ako nung maisip ko na picturan si John. Tutal naman nasa harap ko siya, bakit hindi 'di ba? Kaya ayun, triny ko siyang picturean, pero medyo nahuli ako.

"Ganyan ka ba talaga humawak ng phone?"

"Hindi ah. Hindi kita pinipicturean."

Ayun, ako na rin ang naglantad sa ginagawa ko. hahaha. Nung tumagal, binalikan ko 'yung picture ni John sa phone ng kaibigan ko. At napansin ko, katulad ng pagkakahawak ko habang nagpipicture sa kanya, ang paraan ng paghawak ni John sa phone niya. Napangiti ako. Paano kung pinipicturean niya rin pala ako?

At ito ang dahilan kung bakit hindi ako crush ng crush ko. Masyado akong assuming. Pero naniniwala ako na balang araw, magbubunga rin 'to. Tiwala lang.

Ikaw, bakit hindi ka crush ng crush mo? :)

Random Love ThoughtsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon