“To the well-organized mind, death is but the next great adventure.”
Siguro okay na rin yun. At least ngayon, tapos na ‘yung paghihirap nya dito sa mundo. Siguro ngayon, kasama na nya si Lord at masaya na sya.
Mahirap mawalan ng mahal sa buhay. Noong bata pa ko, akala ko sa TV lang pwedeng mangyari yung mga ganitong malulungkot na eksena. Pero sabi nga nila, ang lollipop, nauubos. Ang yelo, natutunaw. Ang bubble gum, pag tumagal, nawawalan na ng tamis. Hindi ko naisip na lahat nga pala may katapusan.
Pambihira. Parang nung isang linggo lang magkausap pa kami ni lolo. Napakabilis ng mga nangyari sa loob lang ng isang linggo.
*flashback*
“CLEANERS! WALANG TATAKAS!”
Oops. Sayang, palabas na ko ng pinto eh. Gusto ko pa namang makaalis kaagad kasi… ano eh… mag aaral pa ko. Hehe, sige na nga. Gutom na ko. ==’
Ikaw ba naman tumanga sa physics ng dalawang oras?
Kinuha ko yung walis tapos, syempre nagwalis. Hindi ko maintindihan minsan kung bakit mga estudyante ang kailangang maglinis ng mga classroom. Nagbabayad naman kami ng tuition ah? At kung makapag-utos pa kamo yung mga utos ng utos, akala mo hindi sa estudyante nanggagaling yung sweldo nila. Tamaan sapul.
Pagkatapos ng nakakapagod na paglilinis(take note: hindi ako marunong maglinis), kinuha ko yung bag ko at naghanda nang umalis. Habang papalabas ako ng pinto, may tumawag sakin.
“Starr!” Sigaw ng pinsan ko at nagmamadali syang lumapit sa’kin.
“Oh, bakit?”
“Dinala si Lolo kahapon sa ospital. Hindi ko masyadong naintindihan yung usapan nila mama pero sabi hindi na daw yata sya magtatagal,” pagkasabi nya nun, napaiyak na sya. Nagulat ako, hindi ko alam kung ano’ng dapat gawin. Alam kong may sakit si Lolo pero hindi ko inaasahan na magiging ganito kabilis. Noong medyo kumalma na yung pinsan ko, pumunta kami sa ospital.
*end of flashback*
Ilang araw pagkatapos naming malaman na hindi na magtatagal si Lolo, birthday na nya. At noong araw din na yun sya namaalam.
Second night ngayon ng burol ni Lolo. Nandito kami sa bahay nila ni Lola. Ang daming bisitang dumadating at nakikiramay. ‘Yung iba mlungkot, yung iba naman akala mo reunion ang pinuntahan. Pero hindi naman siguro talaga maiiwasan yun kasi kadalasan tuwing may namaalam lang nabubuo ang mga members ng isang pamilya.
“Anak, okay ka lang ba? Maputla ka,” sabi sa’kin ni mommy habang inaayos nya yung mga pagkain para sa mga bisita.
“Po? Okay lang po,” hinawakan nya yung noo ko.
“May lagnat ka pala. Pumunta ka na sa kwarto, hatinggabi na din eh. Magpahinga ka na muna, susunod na ko,” hindi masyadong maganda yung pakiramdam ko kaya sumunod na lang ako sa sinabi nya.
Pumanik ako at pumasok sa kwarto. Medyo nahihilo ako. Umupo ako sa kama at na-realize kong pagod na pagod ako. Maghapon lang naman akong nakaupo.
Ano na kaya lesson namin? Hindi muna ko makakapasok hangga’t hindi naiililibing si Lolo. Tsaka sa lagay ko ngayon, imposible talagang makapasok ako.
Humiga na ako sa kama dahil antok na antok na ko. Parang lalo pang sumasama yung pakiramdam ko. Ang ginaw.
--
Pagkagising ko nung umaga, nawala na yung lagnat ko, pero masakit naman yung ulo ko. Ano ba tong nangyayari sakin? Mamamatay na din ba ko?
Ingay naman ng mga pinsan ko. Umagang umaga eh. Kaya nga ba nagpapasalamat ako at wala akong kapatid, kasi kung meron, magkakasala lang ako araw-araw.
Gusto ko pa sanang mahiga at matulog ulit, kaya lang, may bigla akong naalala. Yung phone ko! Saan ko nga ba nailagay?Ni hindi ko natingnan kahapon. Nako baka memory full na naman yun. Kainis.
Hinanap ko sa bag ko at nailabas ko na lahat ng gamit pero wala. Magpapanic na sana ko nang bigla kong naalala na inilagay kop ala sa bag ni Mommy. Kinuha ko sa bag nya at inenter ang lock code.
Importante ang lock code. Poprotektahan ka nito sa mga mabubuting tao na may masamang balak katulad ng mga magulang o kapatid, kung meron man. Minsan kasi may mga taong hindi mapigilang hindi mag-invade ng privacy ng iba lalo na kapag nakakita ng chance. Hindi naman sa may mga tinatago ako sa phone ko na ayaw kong makita nila. Gusto ko lang magkaroon ng privacy.
Pagkabukas ko, ha. Sabi ko na nga ba. 71 messages? Nakakatamad basahin. Pwede bang i-delete na lang lahat? Pero dahil mabuti akong tao, sige babasahin ko na isa-isa.
Group messages, announcements, good morning texts, jeje texts, quotes, jokes. Pare-pareho din. Minsan hindi ko maintindihan yung ibang tao na nai-gm na ng iba eh iggm pa ulit. At wala man lang credits or something. Anyway, it’s none of my business, right?
Delete. Delete. Delete.
Hmm, teka. Sino naman to? Number lang.
From: +63915474****
Good night :)
Kagabi pa tong text. Sino kaya to? Kapapalit ko lang ng number may nagtetext na kaagad? Nagreply ako.
To: +63915474****
Sino to?
Nagbasa pa ko ng ilan pang messages pero wala namang interesting kaya lumabas na ko para kumain. Nakakagutom kayang matulog.
Maya maya lang, nag-ayos na ko at nagbihis para magbantay ulit sa burol ng lolo ko. Umupo kami ng mga pinsan ko dun, at nung una pare-pareho kaming walang imik. Syempre, hindi kami nakakatiis ng nakatahimik lang. Kaya nagkwentuhan na lang kami sa mga bagay-bagay tulad ng mga maiingay na bisita, mga nagdadasal na nakakatulog habang nagdadasal, mga batang nagtatakutan, etc.
Bored na ako nang biglang umilaw yung phone ko. May message.
From: +63915474****
Hi. What’s your name?
Aba. Bwisit.Nakakainis yung mga taong ganito. Naghahanap ng textmate. Ugh.
To: +63915474****
Pakibura yung number ko. Thanks.
From: +63915474****
Hey, hey. Sungit ah?
Nainis ako at itinago ko yung phone ko sa pinakailalim ng bag. Talagang masungit ako!
Hindi na nya ko ginulo for the rest of the day. Mabuti naman dahil wala na rin naman akong balak na magreply sa mga taong katulad nya.
Anyway, malaki ang problema ko sa school. Madami na silang nadidiscuss at wala akong kaalam-alam. Paano kaya to pag nag exam? Medyo ang harsh naman kasi ng pagkasabi sakin ng classmate ko. Late na daw ako sa lessons. I know right?