Chapter 2

15 0 0
                                    

At last, nailibing na si Lolo. Naging emotional ulit ang buong pamilya pero alam ko namang dadating din kami sa acceptance stage. Nakakapanibago lang kasi dati lagi naming kasama si Lolo tapos ngayon wala na. Hindi na ulit mauulit yung katulad ng dati.

Sila Mommy at yung mga tita at tito ko, medyo nakakabawi na din sila. Nakakalungkot kapag nakikita silang umiiyak kaya nagpapasalamat ako na medyo okay na rin sila ngayon.

Sa ngayon, iba na muna ang dapat kong problemahin. Sobrang naiwan ako sa lessons dahil sa ilang araw na pag-absent. Nag log-in ako sa facebook para tingnan kung sino yung mga kaklase kong online. Buti online si Jeanne, isa sa mga kaibigan ko sa klase.

Arwen Starr Reyes: Bish!

Jeanne Kimberly Ruiz: BIIIISSSSHHH!!! HOW U DOIN? CONDOLENCE.

Arwen Starr Reyes: M’okay. Thanks, Bish. Anyway, ano na lessons natin? What did I miss?

Jeanne Kimberly Ruiz: WHAT OR WHO? DRANREB? JAMES? LOL KIDDING. A LOT. I’LL LET YOU BORROW MY NOTES NA LANG PAGPASOK MO.

Arwen Starr Reyes: Yay, thank you! Haha baliw. Pasok na ko bukas. Sige out na ko. See ya ♥

Jeanne Kimberly Ruiz: BB. J

Ganyan talaga si Jeanne, she has a habit of capslocking people to death sometimes. All the time pala. Nag-out na ko dahil gumagabi na at kailangan kong matulog ng maaga. Ayokong magkaroon ng punishment for being late. Bakit kaya ganun? Kasalanan ba ng estudyante kung late na sya nagising? Kung ako ang tatanungin, kasalanan yun ng kama. Masyado syang comfortable higaan.

Nag-shower ako at nagbihis tapos humiga sa kama. Kasama sa mga ritwal ko bago matulog ang pagtanga sa kisame. Sana pagpasok ko bukas, hindi ako masyadong mahirapan maghabol ng lessons. Hay, stress.

Chineck ko muna yung phone ko bago matulog. 2 messages.

From: +63915474****

I’m Josh. What’s your name?

Sya na naman? Bwisit. Inopen ko yung isa pang message.

From: +63915474****

Look, I just wanna make friends with you.

Kulit. Hmm, Inglisero si koya. Nagreply ako.

To: +63915474****

Saan mo nakuha number ko?

From: +63915474****

Hula lang. Haha. Favorite numbers ko yung number mo. May I know your name?

To: +63915474****

Nasa Pilipinas tayo. Mag-tagalog ka na lang.

Bakit ko naman sasabihin yung pangalan ko? Ako lang ang may karapatang magtanong. Ha, I’m not losing this game.

From: +63915474****

Sorry. I’m not that good in Tagalog eh. So what’s your name?

To: +63915474****

Bakit? Ano nationality mo?

From: +63915474****

Half si mommy. Half si daddy. So pareho silang half. Haha.

Half-human? Half-god? Half-fish? Half-horse? Ang labo nito.

To: +63915474****

Half ano?

From: +63915474****

American. Haha. You still won’t tell me your name, huh.

To: +63915474****

Okay. I’m going to bed. Bye.

From: +63915474****

Good night, miss.

To: +63915474****

Paano mo nalaman na girl ako?

From: +63915474****

Obvious naman eh, ang sungit mo. Haha.

To: +63915474****

Okay. Bye.

From: +63915474****

Good night Ms. Sungit. J

Ms. Sungit? Duh. Ang kulit nun ah. Half-American yung parents, di na lang sinabing Fil-Am sya. Mas madaling sabihin yun. Mukha naman syang harmless. Sige save ko na number nya. Besides, malay natin, baka cute? Haha.

At dahil inaantok na ako at na-stress ako sa pakikipag-usap kay Mr. Half-half, natulog na ako.

Everything I'm NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon