Pano ko nga ba ipapaliwanag kung bakit nagpa-‘mysterious’ pa ko? Magkaibigan naman kami kaya walang masama kung bibigyan ko sya ng gift.
Oh, wait. Yun ang problema. I don’t usually give gifts.
I took a glance at James and found him looking at me, waiting for an answer. Pero bago ko masimulan yung sasabihin ko…
“Love mooooveeess in mysterious waaayyysss!!!” What the hell is Jelly doing here? She stared at my widened eyes and laughed. “Hahahaha! Ano ginagawa nyo? San kayo pupunta?”
“Baliw. Ano ginagawa mo dito Jelly?” tanong ko. Jelly is one of my classmates. Medyo maingay yan. Um, well, “medyo” is not the right term.
“Syempre taga dito ako!” sabi nya, o sigaw nya, with matching hand wavings.
“Bibili kami ng glue! Meron ba dito? Gumagawa kami ng project eh,” sabi ko.
“Oo, tara samahan ko kayo!”
Pagkatapos ng konting kwentuhan at sigawan, bumalik na kami sa bahay nila Jeanne but this time, kasama na namin si Jelly. Kinwento nya yung nangyari sa cosplay nila at kung ano ginawa nya kagabi pati kung anong oras sya nagising. Nakinig na lang ako at nagcocomment paminsan-minsan kasi hindi rin naman ako makakasingit sa mga kwento nito.
At isa pa, malaki yung pasasalamat ko at dumating yung babaeng to. Shit. That was close. Sana hindi na ulit ma-open yung topic na yun about that gift. Nakakahiya talaga. If I could just replay what had happened that day, hinding hindi ko na gagawin yung mga ginawa kong yun.
Sa ngayon, magppretend na lang ako na parang walang nangyari.
--
From: Drew
Starr, sorry na oh. Ginawa ko lang naman yun para hindi sya maghinala na sayo galing yun. Akala ko makakatulong. Sorry talaga. :(
Pagkatapos ng nakakainis na pag-claim ni Drew sa gift na binigay ko kay James, hindi ako mapakali. So I decided to do the craziest thing: umamin ako na sakin galing. Kung nagulat man si James sa ginawa ko, hindi na nya pinahalata sakin. Nag-thank you na lang sya. But still, alam kong nagtataka sya kung bakit hindi ko na lang ibinigay sa kanya in person.
To: Drew
Ok lang.
Hindi naman ako galit kay Drew eh. Hmm, medyo lang. Pero kinakausap ko naman sya. Kaya lang hindi katulad ng dati. Ayoko muna rin i-open yung topic na yun dahil baka may masabi lang ako na hindi maganda.
Kauuwi ko lang galing kina Jeanne. Kahit medyo maingay at magulo si Jelly at Carlo, natapos naman kami sa project sa physics. Sana lang, tama yung pinag-gagawa namin. Pero siguro naman kasi ka-group namin si James.
Top 6 si James sa klase. He wouldn’t admit it, but he’s really smart. Kapag may exam kami, pag may nagtanong sa kanya kung nahirapan sya, sasabihin lang nya, “Oo! Gusto ko na ngang agawin yung papel ng katabi ko eh!” but I know better.
Dati kasi nagkatabi kami nung exam. Uh, well actually, tinabihan nya ko. Pinaalis nya yung katabi ko kasi tabi daw kami. Nung nagsimula na yung exam at medyo mahirap na part na yung sinasagutan namin, naririnig ko na yung mga kaklase kong nagbubulungan ng sagot. Nahihirapan na rin ako, natetempt na kong magtanong sa isa pang katabi ko.
Biglang may pumasok sa classroom namin at kinausap yung adviser namin kaya napunta dun yung attention nya. Syempre, like any other students would do, sinamantala na ng klase yung pagkakataon. Magtatanong na din sana ako sa isa kong kaklase pero pinigil ako ni James.
“Wag kang makikinig sa mga yan, masama yan!” tsaka sya tumawa ng tumawa. Tiningnan ko sya ng masama, tapos sabi nya, whispering this time, “Okay lang kahit mali, basta sayo galing yung sagot,” then he resumed answering.
I was like, Okay? Sabi mo eh?
Nahiya ako at nagsagot na lang sa sarili ko. Usually nangongopya talaga ko dito sa Geometry, pero pag katabi si James, no chance.
Alam nyo ba yung pick-up line na “Sana katabi kita pag exam, kasi I feel perfect beside you.”
Well, I have learned firsthand that it wasn’t true. In fact, I was quite certain na babagsak ako sa exam na yun.
--
James. James. James. James. James. James. James.
Ugh.
Nakahiga ako ngayon. Hindi ako makatulog at wala akong maisip kung hindi si James. Kailangan ko talagang masolusyonan yung awkwardness between us.
I should be worrying about school. July pa lang at kasisimula pa lang ng pagiging fourth year namin pero nagsisimula na yung pressure. Yung grades sa second grading yung ipapasa sa universities para sa college kaya dapat maganda yung grades namin. Pero with physics and trigonometry and cruel teachers, I’m starting to doubt that I’d make it.
Nakita kong umilaw yung phone ko at tiningnan ko kung sino yung nagtext.
Huh, lowbat lang pala.
Ibabalik ko na sana ulit sa bedside table pero umilaw ulit, and this time merong dalawang message, magkasunod pa.
Josh: Oi.
Josh: Starr?
Eto na naman po sya.
Me: Bakit?
Josh: Kamusta?
Me: Fine. Wbu.
Josh: Okay lang. Haha. I’m at annex right now. Nanood kami ng movie :)
I was so tempted to say Oh really, wala akong pakialam.
Me: Oh, good for you.
Josh: Nag-jak en poy kami. Alam mo ba yun? Kaming mga boys kasi gusto namin horror panoorin, yung girls comedy. So nag-jak en poy kami. They taught me how. Hahahaha.
Minsan hindi ko alam kung totoong Fil-Am to o bobo lang talaga. Ang alam ko may English version ng jak en poy. Huh.
Me: That’s nice.
Josh: The girls won kaya comedy pinanood namin. Tawa kami ng tawa, nagkakalat kami dun hahaha.
Me: Okay ka naman pala mag-Tagalog eh.
Josh: Tinuruan ako ng barkada ko, pero I’m still learning pa :)
Couldn’t care less.Wala talaga ko sa mood maging nice ngayon. Eff that, I was never nice.
Me: Ah. So… Will you delete my number now?
Josh: Sorry, did I say something wrong?
Me: No. Paki-delete lang. Thanks.
Hindi na sya nagreply pagkatapos ng napaka-nice kong sagot. Siguro binura na nya yung number ko, thank God.
Linggo bukas at kailangan kong gumising ng maaga. Medyo magiging busy ako bukas. I closed my eyes and drifted into a dreamless sleep.