Denise and Jeanne were throwing me suspicious looks when we got there. I tried to look calm. Kailangan ko nang mag-ready para sa interrogation mamaya.
Medyo blurred yung mga pangyayari habang papunta kami ni James. I tried to think of something to say to make it less awkward, pero buti na lang medyo unstoppable sya pag nasimulang magkwento kaya hindi naman ako nagkaroon ng problema.
So far, wala pa kong nabbreak na rules. I’m just that grrreat!
Let’s get some things straight. James and I are really good friends. Ilang taon na kaming magkakilala, pero last year lang kami naging close. I can’t remember how, pero madalas nagsasabi sya sakin ng mga problema o kahit anong nonsense na gusto nyang ishare.
One time, nagsusulat ako sa desk ko tapos tumabi sya sakin. May ikkwento daw sya, mukhang bothered nga sya nun eh. Ako naman, huminto sa pagsusulat at nagready na makinig kung ano man yun. Seryoso siguro yung problema nya, sabi ko sa sarili ko.
He inhaled, then, “Napanaginipan ko hinahabol daw ako ng longganisa.”
I wanted to say, ‘Well shit, that sure is creepy!’ but I didn’t coz I wasn’t really that mean.
Actually, close talaga kami until I tripped on a big rock and helplessly fell in a black hole. In short, nagkagusto ako sa kanya. Friends pa rin naman kami, sure. Kaya lang parang may nagbago na. Kung ano yun, hindi ko alam.
Basta feeling ko naging distant sya.
Nasa living room kami nila Jeanne. Ang bait talaga ng mommy nya, parang birthday party tong pinuntahan namin. Naghanda sila ng snacks and drinks para merong makain pag bored na kami.
Walo kami sa group. Si Jeanne, Denise, Clara, Fenna, Eli, James, Carlo at ako.
Busy kaming lahat, pati ako, kahit masamang masama sa loob ko yung Physics na to. Laging lumilipad yung isip ko pag Physics class. Kalahati nga lang scores ko sa exams and quizzes eh. Wala talaga kong pakialam sa subject na to. Kung paano ako pumapasa, hindi ko din alam.
Pag Physics na, inilalabas na naming nila Jeanne at Denise yung mga baon naming books. Mas interesado kami sa novels kesa sa mga computations na hindi ko naman tyak gagamitin in real life dahil
(1) I’ll make sure na yung course na kukuhanin ko eh walang physics
(2) I’m not interested
(3) I just don’t care
Ito ang una at huling physics ko. Papasa ako, tiwala lang.
Nagsimula na kaming gumawa bago pa magbago yung isip namin at tamarin kami. Hindi ko alam kung ano yung purpose nitong ginagawa namin, pero mukha syang lamp na gawa sa basura.
“Alam nyo ba kagabi may mga lalaking humarang sakin, taga kabilang school,” sabi ni Carlo habang nagdidikit ng Japanese paper.
“Oh? Sabe sayo?” sagot naman ni James habang natatawa sa sarili nyang joke.
“Hindi! Nalaman ko kasi nakauniform pa,” sabi ni Carlo at inato ng maliit na bilog ng papel si James. “Naghahamon ng away yung mga loko. Lima sila eh, isa lang ako! Pero kung nagkaroon talaga ko ng chance babasagin ko mga pagmumukha nila!”
Pinulot ni James yung nalaglag na bilog ng papel at inikot-ikot sa kamay nya. “Eh ano ginawa mo pare?”
Ang tagal sumagot ni Carlo kaya napatingin kaming lahat sa kanya. Narealize ko lahat pala kami nakikinig sa usapan nila.
Tiningnan ni Carlo si James.
Napaka intense ng tingin nya.
Seyoso yung expression. Then…