Chapter 7

24 2 1
                                    

“Sarap talaga magluto ni lola,” sabi ng pinsan ko bago sumubo ulit ng kanin.

Merong nakapagsabi sakin dati na dapat daw, yung isang subo ng pagkain eh nginunguya ng 12-15 times para mas madaling ma-digest. Pero itong pinsan ko, 2 times lang nginunguya. Okay lang kaya sya?

“Hihinga ka ah,” biro ko sa kanya.

Tuwing Sunday, dumadalaw kami dito sa bahay ng lola ko. Parang may family reunion lagi, kaya close kami ng mga pinsan ko. Tapos sa isang school kami lahat nag-aaral. Para na rin akong nagkaroon ng mga kapatid.

Wala naman kaming masyadong ginagawa. Kwentuhan, tawanan, kantahan, takutan. Kahit ano. Lumilipas yung araw ng Linggo ng ganun.

Napagod na yung mga tao sa pagkkwentuhan at yung iba eh natulog. Hindi naman ako natutulog pag hapon kaya nilabas ko na lang yung phone ko.

Walang text yung Josh na yun. Medyo naging harsh yata ako sa kanya kagabi. Pano ba naman, sumasabay pa sya sa mga problema ko! Pero nakokonsensya talaga ko. Itext ko nga.

To: Josh

Oi.

Minutes passed. Walang reply. Siguro nasamaan sya sa ugali ko at nagdecide na sundin yung sinabi ko na wag na kong itetext. Huh, bahala nga sya. Hindi ko naman yun kawalan.

Naglaro muna ko sa phone para palipasin yung oras. Yung mga pinsan ko, wala, knockout eh. Matagal din akong pindot ng pindot sa phone at nung malapit nang ma-lowbat, tumigil na ko.

Ano kaya’ng iniisip ni James tungkol sakin? Iniisip kaya nya yun? O nakalimutan na nya? Siguro nakalimutan na nya. There’s nothing memorable about it naman eh. Dapat kasi talaga hindi ko na itinuloy yung gift na yun. Dapat talaga ginagamit din ang utak pag may time.

Mabilis natapos yung araw at nung dumilim na, nagpaalam na kami para umuwi. Medyo gabi na kasi tapos matagal pa yung byahe namin.

Antok na antok na ko pagdating namin sa bahay. Tumingin ako sa orasan, 8:30 pa lang pero feeling ko 2AM na. Dapat siguro mag-aral ako kung paano matulog pag tanghali.

Papasok na sana ako sa bathroom para magshower pero nakita kong umilaw yung phone ko kaya bumalik ako para tingnan kung sino ang hampaslupang nag gm. Oops, hindi gm.

From: Josh

Hey, sorry I was out with my friends kanina eh. Nag skateboard kami. :)

So hindi sya galit sakin dahil sa mga sinabi ko last time? Salamat naman.

To: Josh

O? I was starting to think na hindi ka na nga talaga magtetext. Haha.

From: Josh

Why would I do that? Eh di namiss mo ko. Wahahaha.

To: Josh

Heh. Good night na!

From: Josh

Sweet dreams :)

--

Monday na naman at nag-iinit na ang ulo at pwet ko dito sa trigonometry class. Hindi ko alam kung bakit kahit konti eh wala akong maintindihan. Kahit katiting man lang sana eh biniyayaan ako ng kagalingan sa math. Patay na naman ako nito sa exam.

Pinipilit kong making, pero twing titingin ako kay ma’am, yung buhok nya ang nakakakuha ng attention ko. Nakakita na kaya to ng suklay? Siguro ganun talaga pag magaling sa math, hindi na nagagawang mag-ayos. Konek? Ewan ko.

Kaninang umaga sorry na naman ng sorry sakin si Drew. At sa harap pa ng mga kaklase ko. Kumalat na talaga yung balita na ako nga yung nagbigay ng gift kay James. Akala daw kasi nya makakatulong sya pag sinabi nyang sa kanya galing yung gift, para daw hindi na maghinala si James na sakin talaga galing. Wala na, nangyari na eh. Ano pa ba’ng magagawa ko, eh kahit magalit ako sa kanya hindi naman na maibabalik yun. Kaya for the last time (I hope), sinabi ko sa kanyang okay lang yun at kalimutan na nya.

Nagtayuan na yung mga kaklase ko. O, lunch na!? Akalain mong lumilipas yung oras ko ng padaydream-daydream lang.

“Why the long face?” sabi ni Jeanne habang pinapanood nila ako ni Denise na maglagay ng book sa bag ko.

Kinwento ko sa kanila yung Drew incident this morning.

“Ito naman kasing si Drew kalalaking tao…!” Denise started.

“Bading yun, friend,” sabi ni Jeanne.

“Baka type si James,” sagot naman ni Denise. At tumawa silang dalawa. Nakakatawa yung pagtawa nila kaya natawa din ako. Minsan talaga hindi yung joke mismo yung nakakatawa.

Bumili kami ng lunch, at buti na lang, wala sa menu ang luncheon meat ngayon. Gulay! Pwede na.

Nawala na sa isip ko yung tungkol kay Drew nung kumakain kami. Hindi na rin pinaalala sakin ni Denise at Jeanne. Siguro iniiwasan na din nila yung topic na yun para hindi na ko mainis.

Pagbalik namin sa room, magulo, as usual. May mga kumakain, may nakaupo sa teacher’s table, may mga naglalaro, may mga nagkkwentuhn tapos biglang magtatawanan. Kanya-kanyang trip. Meron pa kasing 25 minutes bago yung susunod naming klase. Madami pang time para mag-relax.

Napatingin ako sa isang sulok ng classroom, and what I saw made my eyes sting. James was sitting with that Veyrainchiel. May hawak na gitara si Vey at tinuturuan sya ni James. As far as I know, marunong mag-gitara tong si Vey. At hindi yan basta-basta lalapit sa lalaki kung hindi masama ang intensyon nya. Hindi ko mabilang kung ilan naging boyfriend nyan.

Ito naming si James, tinuturuan naman. He didn’t seem to mind. Kung titingnang mabuti, he seemed to be enjoying himself. Siguro type nya rin.

Lalayo na sana ko at pupunta kung saan man, but I hear my name and I looked back.

“Starr!” It was Vey.

I raised my eyebrows as a reply.

“Wanna join us?” sabi nya, at nagsmile sya ng nakakainis na smile. Evil smile. Like she knows something.

Of course she knows. Alam na ngayon ng buong mundo na my gusto ako kay James dahil sa gift na yun nung birthday nya. At ano’ng balak ni Vey ngayon? Ipahiya ako? Ipamukha sakin na sya yung gusto ni James at hindi ako? Why would I join them?

Si James, ngumiti lang sakin.

“Ah… May nakalimutan ako sa baba eh, sige labas muna ko,” sabi ko, at nagmamadali akong lumabas ng classroom.

But before I shut the door, narinig kong tumawa si Vey.

Everything I'm NotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon