Chapter 3

22 2 1
                                    



CHAPTER 3

Pagkatapos kong mag-ayos ng sarili, lumabas ako ng kwarto. Suot ko yung black mask dahil sa nagkalat na naman ang mga regular members sa paligid, abala sa paglilinis ng palasyo at sa pag-aayos ng kung ano mang bagay.

Iba't ibang bati ang natanggap ko sa kanila. Bawat makakakita sa akin ay napapahinto sa pagkilos at yumuyuko. Laging ganito ang bungad ng umaga ko. Laging nakatuon sa akin ang atensyon ng lahat, pero ni minsan hindi ko sila binalingan ng tingin at binabati pabalik.

"Good Morning, How's your sleep?" Bati ni Haxinne nang makarating ako sa Dinning Area.

"It happened again. Nightmares attack. Tss."

Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng tubig. Wala namang nakakalat na regular members dito kaya inalis ko ang maskara ko para makainom. Sinarado ni Haxinne ang pinto sa kusina para kung may dadaan mang hindi kasama sa Elite Ten ay hindi masusulyapan ang mga mukha namin.

Ang hirap din ng ganitong sitwasyon, ang hirap itago yung mukha namin kahit na nasa paligid lang namin ang ibang miyembro ng Death Revolution at pakalat-kalat sa palasyo ni Satan.

"Ano bang bago dun? Lagi ka namang nananaginip ng ganyan. Di ka pa ba nasanay?"

"Nasanay na kong tuwing matutulog ako, pakiramdam ko gising pa rin ako dahil sa visions na nakikita ko. *sigh* Crap this thingy!" Inis na sambit ko sabay inilapag nang padabog ang basong babasagin.

At dahil malakas ang pagkakabagsak ko ay nabasag ito at nasugatan ako ng kaunti. Pero hindi ko ininda yun.

"You're insane. Pinigilan na kitang uminom ng ganung gamot since nung nasa France pa tayo. Alam mong kahit anong gawing inom mo, Oo sabihin na nating makakalimutan mo yun pero panandalian lang."

Crap this girl in front of me also. Ano ba sila, kung pagsabihan ako parang batang pinapagalitan. Tsk!

"Kaya ko sarili ko. You have nothing to worry about." Malamig kong sabi.

Nagkibit balikat siya at lumapit sakin. Hinawakan niya yung kamay kong may sugat at dahan-dahang tinanggal ang maliit na bubog na nakatusok sa palad ko. Agad itong nagdugo kaya binawi ko ang kamay ko para ako na mismo ang maghugas ng nagdudugong parte. Walang ekpresyon na pinunasan ko ito ng tuyong tela.

Hindi ko napansing andito pala sila Daimon at Aithne na parehas na nagluluto pero nakatulala lang sakin. May mga pagkain na ring nakahain sa mesa.

"Alright, what now?" may bahid ng pagtatakha ang pagkakasabi ko.

Umiling lang sila at nagpatuloy sa ginagawa.

Biglang bumukas ang pinto at sunod-sunod na pumasok ang mga nakamaskarang sina Xhycline, Devhire at Ghaile; Ang nag-babangayang sina Quorrine at Ashburn. At si Harquillaine na nasa hulihan, nakahalukipkip ang isang kamay niya. Ang isang kamay naman niya ang nagsarado ng pinto.

Isa-isa nilang tinanggal ang mga maskara nila at nginitian nila kami.

"Good Morning mga sissy. What's with the epic faces?" Masiglang bati ni Ashburn.

Siniko siya ni Quorrine kaya napatingin siya dito at umirap.

"What the F?! Kanina ka pa ah!"

"Manahimik kang babae ka, inistorbo mo na naman ang tulog ko."

Nanahimik sila at napatingin sa sugat ko. Umirap ako at pumanhik paupo sa lamesang may nakahain na mga pagkain.

"What happened? Ba't may basag na baso dito?" tanong ni Devhire.

Tormented Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon