CHAPTER 5
"This is the place where killing is our pleasure; Pain is our best shot." I handed the red flag and lift it up. I heard their loud voices.
"Shini Ike!" They shouted in chorus.
Nasa Underground Castle kami. Suot ng buong Territorial Elite Ten ang mga maskara at nakatayo sa Balcony kung saan nasa baba ang mga underlings namin at nakapwesto sa kanya-kanya nilang categories.
Today is our Pain day. Nakakita ng spot sila Xhycline at Quorrine sa Shadows ng Death Journey. Wala pa akong balak sumugod sa kanila ng padalos-dalos, ayokong mapahamak yung mga members ko ng wala pa kaming napagpaplanuhan. Pero gusto kong puntahan sila ngayon, I want to clear some things.
"Killing is embracing the Death, together we will take vengeance to them. Shini Ike!" sigaw ko. Napadiin ang pagkakahawak ko sa red flag, binitawan ko ito sabay inapakan.
Red Flag symbolizes Death, lagi namang 'yan ang kulay na nagpapahiwatig sa kamatayan.
"Pulutin mo." Utos ko kay Haxinne na nasa tabi ko.
Yumuko siya para kunin ang pulang tela at inangat ulit. Before pulling the trigger, I shouted.
"I, Queen Hell, the lord of Death Revolution, will take my revenge by the power of shadow and Death! No one can escape, no one can mess up with me. "
Binitawan niya muli ang telang ngayon ay butas na dahil sa tama ng bala. Tumalikod na ako sa kanila at naglakad paalis ng lugar habang naririnig ko ang mga sigaw nila.
**************
Papunta ako ngayon sa lugar na sinasabi nila Quorrine kung saan nila natrack yung Underlings ng Death Journey. Binilisan ko ang pagd'drive ng sasakyan hanggang sa makarating ako sa intersection road. Napahinto ako nang may makita akong anim na kotse na nakaharang sa bawat daan. Masyado ng malalim ang gabi kaya walang masyadong sasakyan na dumadaan dito.
Ilang minuto rin akong naghihintay na umalis sila sa dadaanan ko pero hindi nila ginawa. Hindi ako bumaba ng kotse at pinagmasdan lamang sila nang biglang umandar ng napakabilis ang isang pulang Skyline papunta sa Porsche na sinasakyan ko. Akala ko bubungguin niya talaga ako pero bigla niya itong inihinto.
Binaba niya ang bintana ng kotse niya. Isang lalaking nakamaskara ang kumaway sakin.
"Drag Race." Sigaw niya sakin sabay tinuro ang lima pang kasama niya na pumwesto sa harap namin.
Tingnan mo nga naman, kapalaran pa nila ang lumalapit sakin. Tss. Kawawang mga underlings.
"Take it and if you win, you can see the shadows." Maliwanag na pagkakasabi niya.
Sinuot ko ang maskara ko bago buksan ang bintana ng kotse at sabihin ang salitang
"Catch!" I'm accepting their challenge.
Tumingin ako sa harap, nakababa ang bintana ng Mc Lauren sa harap, yung taong nasa loob nun ay may hawak na puting tela at winawagayway niya ito.
Oras na bitawan niya iyon at malaglag sa kalsada, magsisimula na ang karera.
"We're heading to your destination. At the abandoned building." Sabi ng katabi ko bago isinara ang kanyang bintana, ganun rin ang ginawa ko.
Good thing hindi ambush ang naabutan ko dito sa intersection road. They're up to me. Mas maaga silang nagpakita sakin, mas maaga silang mamamatay. Kailangan kong malaman kung saan nagtatago ang Death Journey, alam kong underlings lang nila ang makakasagot nun.
BINABASA MO ANG
Tormented
RomanceAn open letter to my little sister, I don't understand that inner torment of yours. Please, stop chasing me.