Chapter 4

19 1 0
                                    


CHAPTER 4

Patuloy lang ako sa pagmamaneho kahit na naririnig ko pa rin yung iba't ibang mga boses.

Pinabagal ko ang takbo ng sasakyan, malapit na rin naman kami kaya hindi na kailangang magmadali.

Pinark ko agad yung kotse at nanghihinang lumabas dito. Hindi ko pinahalata sa mga kasama ko na nangyayari sakin.

"Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong sakin ni Haxinne

Nakatayo pa rin sila sa harap ko at inaantay ako. Mahinahon akong tumango at sumenyas sa kanila na umalis na pero nanatili lang silang nakatayo.

"About what happened earlier, I'm sorry." -Haxinne

"Alam kong naging childish kami sa ginawa namin kaya sana mapatawad mo talaga kami." -Aithne

Childish talaga -_- Agawan daw ba ako ng gamot?

"Sorry, wala naman talaga sa plano na iblackmail ka namin kaso itong malanding si Ashburn, pinilit ka pang sumama samin na magbar." -Quorrine

Nagreklamo si Ashburn at sinabunutan si Quorrine.

"Wow ha. Sabihan daw ba ako ng malandi? How nice."

"Wag ka nang magreklamo, totoo naman eh. You should be proud of it." Inakbayan ni Quorrine si Ashburn, nilapitan naman sila ni Daimon at parehas na binatukan.

"Tumigil na kayo, nasa kalagitnaan pa tayo ng pagsosorry diba?"

Natahimik silang dalawa at tumingin na rin sa akin.

Tinaasan ko sila ng kilay, sinuri ko ang bawat titig nila. Gustuhin ko mang magmatigas, sa huli napabuntong hininga na lang ako at tumango.

"Ano pa bang magagawa ko?" masungit kong sabi at nagsimulang maglakad.

Napangiti sila sa sinabi ko at naramdamang kong sumunod sila sakin.

"Thank you." Alam kong sincere sila sa sinabi nila.

Tumabi sakin si Harquillaine at sumabay sa paglalakad. Tahimik lang siya at nakapamulsa, nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay agad na tumaas ang kilay niya at naunang maglakad.

I know, galit na naman siya dahil sa gamot na iniinom ko pero wala naman siyang magagawa kasi hindi niya ako kayang pigilan.

Pagpasok namin sa bar sumalubong samin ang ingay at amoy ng mga alak at sigarilyo. Dark West Bar ang pinuntahan namin, bukod kasi sa malaki ito, malayo pa sa mga bahay-bahay at kalsada. Nasa paligid ito ng isang madilim na daan at mga puno, pero hindi naman sa gitna ng kagubatan, parang Garden Bar ang style.

I was about to walk away when Harquillaine grab my arm harshly, napaaray ako pero hindi niya ako pinansin. Kinaladkad niya ako hanggang sa marating namin ang VIP Room. Agad niyang sinarado ang pinto at marahas akong binitawan.

"Why so serious? Easy, dude." Sabi ko habang hinihimas yung parting masakit dahil sa paghawak niya kanina.

"Any problem?"

"You are my problem." Emotionless, he said.

"Then spill it out." Mahina kong sabi.

Nakita ko sa mga mata niya yung pagtitimpi.

"I told you not to take that drugs, I told you about it for how many times! Alam mong yun pa yung nagpapalala sa mga nangyayari sayo tapos umiinom ka pa rin?"

"So this is about my medicine again? Why are you always making it such a big deal?" Napataas ang kilay ko.

"Medicine? You're taking it as a medicine? Just a medicine? F*ck! You're into drugs, Hell. I asure you, it isn't your medicine"

Tormented Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon