iv. Concert

241 8 4
                                    

Note: All fiction. Well, except for some parts. Wink wink.

May 20, 2016

Pinagmasdan ko siyang sumimsim sa kanyang slurpee. Kahit naka-glasses man si Sharlene at kitang-kita ko sa kanyang mga mata ang halo halong excitement at saya. Hindi ko mapigilang ngumiti.

Nang nakita niya ang pag angat ng aking labi ay napatingin siya sa'kin. Yumuko na lang ako at kunwaring may pinagkaabalahang game sa aking cellphone.

Surprisingly, walang tao dito ngayon sa 7 11. Kami lang ni Sharlene na piniling umupo sa pinakagilid na mga upuan. Mabuti na nga't tahimik. Dito kasi kami nagpasyang magkita bago dumiretso sa Kia Theatre upang sabay manood ng concert ng isang popular na girl band sa US.

"Gosh, it's 7:30 already!" Halos lumabas sa aking ilong ang iniinom kong slurpee sa biglang remark ni Sharlene. Strawberry Banana ang flavor nun.

Napatingin ako sa aking relo. "Right..."

I looked up at her. She's already panicking.

She's excited for the concert. But I'm excited for whatever moment as long as I get to be with her.

"Dito ka lang muna. I'll buy chocolate, fast. Or... snacks... if ever magugutom tayo mamaya," sabi ko at hinintay siyang tumango bago tumayo at pumili ng mga bibilhin.

Di tulad kanina, mas may kabataan ang babaeng cashier ngayon. Sinipat niya ako mula ulo hanggang paa. At siguro nung nakilala niya kung sino ako, nanlaki ang kaniyang mga mata.

"Miss, dalawang chocolate po," sabi ko nang nakita ang paboritong tsokolate ni Sharlene sa mga racks sa likod ng cashier.

Tinuro ko pa kung nasaan nalagay upang makita niya.

Nagulat ako ng kinuha niya mismo ang aking mga kamay at doon inilagay ang mga tsokolate. Mukhang wala siyang planong bitawan kaya ako na mismo ang bumawi sa aking mga kamay.

Nilingon ko siya at kumurba ang isang ngiti sa kaniyang labi.

"Uh, sige, thanks," nagbayad na ako kaagad ng exact cost at di na nilingon pa ang babae.

Mabilis akong tumungo sa aming upuan at nakitang wala na si Sharlene doon.

"Shit..." napamura ako ni wala sa oras nang kahit sa labas ay di ko na siya makita.

Dumagundong ang kaba sa aking dibdib nang nag-alarm na ang aking phone ng 7:45 pm, dapat ay nandoon na kami ngayon. The concert will start at eight.

Dilim na dilim na ang langit. Maraming tao ang naglalakad at abala sa labas, pero ni anino ni Sharlene wala akong masipat.

Hinilamos ko ang mga kamay ko sa aking mukha. Halos mabaliw na ako pabalik-balik sa area na to, pati ang banyo ng 7 11 chineck ko. Nasaan na ba siya?

Mas bumilis ang mga hakbang ko nang nakita ko sa di kalayuan ang isang babaeng nagpapara ng taxi sa kabilang bahagi ng daan. Nakipagsapalaran ako sa naghaharurutang mga sasakyan habang tinahak ang daan papunta doon.

Hinablot ko ang mga braso ni Sharlene bago pa man siya makapasok sa nahinto nang taxi sa harapan namin.

"Ano ba?!" Sabay bawi niya doon at matalim akong tiningnan sa mga mata. Punung-puno ito ng galit at pagkakadismaya.

"Ma'am, ano na? Sasakay po ba kayo o hindi?" puna ng driver na nakakunot na ang noo.

"Ako na po bahala sa kaniya!" Sigaw ko sa driver. Agad naman itong nagpaharurot paalis. May binulong pa ito na may mga tao lang daw talaga na nag-aaksaya lang ng oras.

"What are you doing, Sharlene?!" Mahina kong sigaw sa kaniya. Di ko mapigilang may lumabas na bakas na pagkagalit sa boses.

Her eyes reflected the streelight above us. I always get a little calmer when I look into those; they're like windows to her soul. But sometimes, she won't let me in...

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon