SIGURO - JaiLene
Ayan na naman si Sharlene. Palaging nakatingin mula sa malayo. Ayan na naman siya't pinagmamasdan ang kaniyang iniidolong schoolmate na binabaha ng mga humahanga dito. Gusto niyang lapitan pero... hindi siya makakalapit. Ang lapit nito pero tila ang layo pa ring abutin.
Biglang bumilis ang tibok ng kaniyang puso nang makita na papalapit na si Jairus sa kaniyang puwesto. Sasabihin niya na ba? Kakayanin niya bang ibigay ang love letter na pinaghirapan niya, ngayong pagkakataon? Namumula't nagpapawis na siya. Hindi niya alam ang gagawin. Si Jairus Aquino kasi ang nasa harap niya. Isang napakasikat na basketball player, ume-excel sa academics, napakabait, at di maitatangging guwapo at maamo ang mukha. At siya? Isa lang namang hamak na tagapaghanga.
Nalagpasan na lang siya ni Jairus na hindi niya naibigay ang love letter... na naman. Bukas na lang siguro, isip ni Sharlene. Itinapon niya ang kaniyang isinulat sa basurahan. Araw-araw na lang, ganito ang paulit-ulit na eksena sa kaniyang buhay. Oo, napapagod siya. Pero ganyan talaga pag mahal mo ang isang tao diba? Kaya mong gawin ang lahat para lang sa kaniya.
- ∞ -
Sa buong napakaboring na discussion ng Basic Statistics ay tinitigan lang ni Sharlene si Jairus, umaasa't nagbabakasakaling ito'y mapatingin rin sa kaniya. Ngunit siya'y nabigo lang. Nagring na lang ang bell ngunit ni-isang sulyap wala. Kailanma'y alam niyang hindi ito mangyayari. Kahit sa puwesto nga ng upuan ay kaylayo na nilang dalawa, sa totoong buhay pa kaya?
Nagsimula nang magsilabsan ang kaniyang mga kaklase kaya siya'y nagpasiyang bumili na rin sa canteen. Namalayan niyang si Jairus na lang ang nag-iisa sa classroom, may hinahanap ata sa kaniyang bag. Kausapin niya kaya? Wag na lang. Siguradong mauutal lang siya pag naharap na ito.
Napadaan siya sa bulletin board. Napansin niyang may bagong mga nakapaskil dito kaya't huminto siya muna at tiningnan ito. Biglang parang may kumati sa kaniyang ilong. Tumingin siya sa kaliwa. Sa kanan. Walang tao. Kaya... nangulangot siya.
Laking gulat na lang niya na habang nangungulangot, may tumapik sa kaniyang balikat. Nang tingnan niya kung sino ang nakakadisturbong lalakeng ito, halos matumba at malubog siya sa kinatatayuan. Si... SI JAIRUS!
"Ay anak ng tipak---luououohuooong?!"
"Miss. Laway mo, tumutulo..." Sabi ni Jairus habang tinuturo ang kaniyang mga bibig na di nakasara. At siya naman, nganga lang ng nganga.
Biglang parang may tumali sa kaniyang dila na hindi siya makapagsalita. Isang malaking kahihiyan to sa kaniyang sarili, sa kaniyang pamilya, sa lahat na kaugnay sa kaniya!
"J-Ja--Jai---Jair---" Ito ang mga salitang nabitawan niya bago siya nawalan ng malay at tuluyang natumba mula sa kinatatayuan.
- ∞ -
Ang gusto ko, ang gusto ko
Gusto ko sanang sabihin sa iyoPero paano, paano?
Pag malapit ka'y nauutal akoNahihiya, tumitiklop
Nawawala bigla ang sasabihin koNakikinig na naman si Sharlene sa kanta ng paborito niyang mang-aawit. Siguro by Yeng Constantino. Habang pinapakinggan ito di niya mapigilan ang paulit-ulit na pagbubuntong-hininga. Wala siyang pag-asa sa taong mahal niya. Walang walang wala. Major major wala. Ngunit... narito pa rin siya't nagsusulat na naman ng love letter. Alam niyang napahiya na siya dahil sa nangyari, pero, kung mahal mo ang tao, gagawin mo talaga ang lahat.
Dear Jairus,
Ang gusto ko, gusto ko sanang sabihin sa iyo. Pero paano, pag malapit ka'y nauutal ako. Nahihiya, tumitiklop, nawawala bigla ang sasabihin ko.