i. Alipin

578 17 4
                                    

TIKTILAOOOOK!

"Sharlene anak! Baba ka na dito!"

"Nanay naman eh, wala naman po tayong second floor," Patawang sabi ng dalaga habang lumabas sa kwarto nito.

"Libre lang naman mangarap diba?" sabi ng nanay niya habang nagluluto. Tumawa naman ng mahina si Sharlene na may halong lungkot. Hindi naman sa walang second-floor yung bahay nila ngunit dahil sa mahirap na dinadaanan ng pamilya nila at naaawa lang talaga siya sa tatay niya...

"Nay, si tatay po?" nagtatakang tanong ni Sharlene. "Maaga ba siyang umalis?"

"Hahay, alam mo naman anak eh. Andun na kina Don Aquino."

Marinig lang ang pangalan ng don, mararamdaman na agad ng dalaga na kumukulo ang dugo niya. Matindi ang galit nito sa pamilya ng Aquino.

Maya maya lang ay may narinig na silang dagundong ng helicopter na dumapo sa harap ng bahay nila. At... hindi nga sila nagkamali, nariyan na sina Don Aquino kasama pa ang binatang anak nito.

Kasi nga, ang mga Aquino ang pinakamayaman sa lugar nila. Yung bahay at lupa ng mga San Pedro ay kanila. Kung hindi raw makakabayad sa utang ang pamilyang San Pedro, ipapagiba nila ang bahay at magpapatayo ng isang building doon para sa kanyang anak.

"Don Aquino, ano naman ang kailangan ninyo sa amin? Nakuha niyo na nga asawa ko, ano pa ang hihilingin niyo?!" Sigaw ng nanay ni Sharlene. Nararamdaman niya ang galit ng ina niya ngayon.

"Hindi sapat yung asawa mo... kaya kung hindi ka pa makakabayad sa loob ng Isang buwan, pati na rin ang anak mo kukunin ko na!" tila mayabang na sabi ng Don.

Nagulat ang mag-ina. Tumulo ang luha ng ina ni Sharlene. Niyakap niyang mahigpit ang ina. "Napakawalang hiya mo!"

Tinitigan ni Sharlene ng masama ang Don at ang kanyang anak. Subalit may napansin siya sa binata.

Teka, classmate ko 'to ha... bulong nito sa sarili. Doon niya lang nalaman na kilala niya pala iyon, si Mr. Aquino, yung president ng klase nila. Si Jairus.

________________________________________

Lamberto Uy Villarama University

Ang aga-aga pa nasa paaralan na si Sharlene. Palakad-lakad siya sa lobby habang iniisip ng malalim ang sitwasyon ng pamilya niya. Nang bigla ----

BOOGSH!

"TANGA! Pansinin mo nga ang dinadaanan mo!" Sigaw ng isang lalake na nakabunggo niya.

"Ako pa talaga ang tanga, ha! Hoy totoy, kung pinapansin mo rin ang dinadaanan mo edi sana----" Nahinto na lang siya nang mapansin niya kung sino ang pinagsisigawan niya.

Si Jairus.

Uminit agad ang katawan ni Sharlene. Nakaramdam siya ng galit mula ulo hanggang paa. Binuo niya ang kamao niya at bumuwelo na sana upang sapakin ang binata ngunit pinigilan agad siya nito.

"Ikaw si Sharlene diba? Yung anak nung San Pedrong iyon?" tanong nito.

Hindi siya sinagot ni Sharlene. Umaapaw ang galit sa buong katawan niya, kahit sino lang talaga sa mundo, wag lang ang mayabang na Aquino na 'to!

"Sasabihin ko kay dad na huwag na lang pakialaman ang pamilya niyo..." sabi ni Jairus.

Nanlaki ang mata ni Sharlene. Hindi siya makapaniwala. Biglang napawi ang kaniyang galit. Sa mga oras ngayon, ang kanyan pamilya lang talaga ang nasa isip niya. "TALAGA, Naku sala-"

One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon