Part Three

1.4K 28 0
                                    

Sorry for the late update ; internet problems. Thank you!
___________________________

Eunice'

"Babe!" sigaw ko dun sa lalakeng kakalabas lang ng Jollibee. Di ko rin alam kung bakit tinawag ko siya ng ganung paraan. Nakacap siya ng black, shades at longsleeves. Wala akong pake kung sino siya basta gusto ko lumapit siya.

"Babe!" Sigaw ko ulit at napatingin ang karamihan ng kumakain sa labas ng Jollibee maski siya. Tumingin lang siya saakin habang kunot ang noo.

Pinandilatan ko siya ng mata at ngumiti sakanya. Unti-unti siyang lumapit sakin at napatingin ako sa lalakeng kanina pa sumusunod saakin. Nakatayo lamang siya doon at tinitignan kami.

"Excuse me? Do I know you?" Sabi nito. Ningitian ko sya at hinila pababa ang tray niya. Coke float at Medium fries lang ang order niya. Sumubo ako agad ng fries at tumingin sakanya.

Nakakunot parin noo niya at gumagalaw ang dila niya na bumabakat sa loob ng ibabang labi nito na para bang nagtataka.

"Babe, susunduin ba tayo ng tatay mong PULIS?" Malakas na sabi ko, yung tipong maririnig ng lalakeng kanina pa ako sinusundan.

"What are you talki—" Hindi ko siya pinatapos at sinubuan ko nalang siya ng fries na agad naman niyang tinanggap. Di alam maginarte nitong lalakeng to e.

"Dala niya yung BARIL niya lagi diba babe? Nakakatakot talaga papa mo babe." Sabi kong muli at napansin kong naglalakad na palayo ang lalakeng kanina pa sumusunod saakin.

Napabuntong hininga ako atsaka sumandal sa inuupuan ko. Isang magnanakaw talaga yun, nagkalat na talaga ang magnanakaw ngayon.

Napapikit naman ako at napahawak sa sintido ko.

Biglang napaubo ang lalakeng nasa harap ko ngayon. Tinignan ko siya at nakakunot nanaman ang noo niya.

"Sorry, natatakot lang kasi ako may kanina pa sunod ng sunod sakin." Pagpapaliwanag ko. Nagsmirk lang ito at sumandal rin sa upuan niya.

Yabang naman nito.

Habang nakatingin ako sa mukha niya, bumaba ang tingin ko sa adams apple niya. Tumataas-baba ito dahil sa paglunok niya sa kinakain niya. Ang sexy tignan.

"Stop staring babe." Saad niyo saka tumawa ng mahina. Inirapan ko nalang ito at tumingin sa malayo.

Ilang minuto pa ay dumating na ang order ko. Dalawang paper bag ito na malaki.

"Thank you." Pagpapasalamat ko sa waitress at tumayo na. Eto namang lalakeng nasa harap ko, nakatingin lang sakin habang nakasandal. Ang yabang.

"Can I help you?" Tanong nito saka sinandal ang siko sa table habang hinahawakan ng isang kamay niya ang baba nito at hinihimas.

"No thanks, I can manage." Sarkastikong saad ko at inirapan siya. Aalis na sana ako nang biglang nahulog car keys ko. Nakakairita naman oh.

Ibinaba kong muli ang dala ko sa table saka akmang kukunin ang car keys ko pero kinuha na iyon ng mayabang na nasa harap ko saka tumayo at kinuha ang dalawang paper bags saka naglakad palayo. Umirap nalang ako sa kawalan at sumunod ako sakanya.

He Took His Leave (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon