Part Six.

791 16 1
                                    

PLEASE READ THE PROLOGUE PO. FIRST CHAPTER OF THE STORY. MAY BINAGO PO AKO. KAPAG DI NIYO PO YUN NABASA, MAGUGULUHAN KAYO SA STORYA. PLEASE PO. SORRY PO KUNG MAY NABAGO PO AKO. YUNG "PROLOGUE" PART LANG PO BINAGO KO.

Pasensya na rin po sa super duper late update. SML.

I'm happy kasi po kahit ang tagal ko nang di nagwa-wattpad. May nagbabasa pa rin po ng story ko. Thank you po! Babawi na po ako ngayon. Enjoy!
________________________________________________________________________________

Eunice'

Nakakainis na itong lalakeng to ah. Di na nakakatuwa. Hinarap ko siya't kinurot ko ang braso niya.

"Ano di ka ba titigil ha?" Naiinis na pahayag ko sakanya. Bakas sa mukha nya ang sakit na nararamdaman niya dahil sa kurot ko pero ngumiti lang siya at kinindatan pa ako.

Inalis ko ang pagkakakurot ko sakanya't inirapan siya. Nilampasan ko siya at lumabas na.

Ramdam kong sumusunod siya saakin pero di ko nalang ito binigyang pansin.

Wala akong ibang maisip puntahan hanggang sa naisip kong maggrocery nalang para sa mga kaylangan ko sa condo ko. Magiisang buwan na rin simula nung naggrocery ako dahil last time si mama ang bumili ng grocery ko at sinurpresa ako sa condo ko.

Pumunta at pumasok na ako sa elevator at clinick ko ang ground na pupuntahan ko. Mag-isa ko lang sa elevator. Sasara na sana ang pinto ng elevator ng may kamay na humarang dito.

Ibinuga ng elevator ang kinaiinisan kong lalake. Si Khalid.

Pumasok na siya at nagsara muli ang door. Tumabi siya ng konti saakin pero umabante ako na ikinangisi niya.

Tumigil ang elevator sa isang floor kung saan marami ang papasok. Magpapagilid na sana ako upang may space pa sa mga tao... nang hilain ni Khalid ang braso ko papunta sakanya.

Tinignan ko siya ng masama pero deretso lamang ang tingin niya. Bigla siyang lumunok na naging dahilan upang gumalaw ang Adam's Apple niya. Napalaki ang mata ko't nagiwas ako ng tingin sakanya. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon, parang may kung ano akong naramdaman.

Inalis ni Khalid ang kamay niya sa braso ko. Akala ko'y yun na iyon pero nagkamali ako. Pagka-alis niya ng kamay niya ay siyang lipat naman nito sa kabilang braso ko. Para akong estatwang 'di makagalaw dahil sa akbay na ginawa niya. Tinignan ko siyang muli, ganun parin walang emosyon at deretso lang ang tingin habang nakapamulsa ang isang kamay.

Ilang sandali pa ay tumigil ang elevator sa floor na pupuntahan ko. Marami ang nagsi-unang labas, siguro maggo-grocery rin ang mga ito.

Nang makalabas na ang lahat, siya naman alis ni Khalid sa braso ko. Nakahinga ako ng malalim at nauna nang umalis sakanya.

Kinakabahan ako sa ginawa ni Khalid, para akong tangang wala manlang ginawa nang hawakan niya ang braso ko. Di ko siya masisisi dahil talagang maraming tao sa elevator at siksikan, pero ang akin lang bakit niya kaylangang gawin iyon.

Napailing nalang ako habang naglalakad at dumiretso na sa Supermarket. Kumuha ako ng Cart at nagsimula nang maglakad-lakad. Marami akong kinuhang mga pagkain. Lahat ng basic needs ko ay kumuha na rin ako.

He Took His Leave (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon